22

103 2 0
                                    








"Mukhang magkakaroon na naman ng alitan sa magkabilang grupo, Sencia."dinig kong wika ni Lolo, Lolo na ang tawag ko sa kanya kasi parang unti-unti ko na ring natatanggap na kamag-anak ko sila.

Dahil kung hindi, sana pinapahirapan na nila ako sa pakikituloy dito o baka naman likas na mabait sila. I don't know but I think deserve naman nilang tawaging Lolo at Lola.

"May alam na po ba kayong paraan para matanggal ng sumpa?"tanong ko sa kanila matapos isinubo ang kinakain.

Napailing-iling ang dalawa.

"Pero nasa panganib ka ,.iha... Sa oras na malaman ng anak ni Amelia na si Lisha na ikaw ang piniling itali ni Sergio sa sumpa baka ay papatayin ka nito."mahinang wika ni Lola na nagpakaba sa aking dibdib.

Hindi naman siguro ganun si Lisha , diba?

"Baliw talaga ang mag-inang iyon."

"Tama nga lang din naman kasi diba at magkasintahan naman iyang si Sergio at Lisha."supalpal ni Lolo saka malungkot nila akong liningon.

"Huwag kang mag-alala, iha...Poprotektahan ka namin."

Iyan ang pag-uusap namin sa hapag at nang makarating ako sa kwarto ay agad na tumunog ang cellphone ko.

Imposibleng si Mommy iyon lalo na at hindi makakapasok ang signal mula sa syudad patungog probinsya.

Tinapunan ko ng tingin ang screen at nakitang pangalan ni Lisha ang nakaregister.

Hindi nga isang bangungot ang nangyari kagabi at tunay ko ngang ginawa ang makamundong pagtataksil na iyon.

Bumuntong-hininga muna ako bago ko ito sagutin at sa kabilang linya ay umiiyak si Lisha.

"Coleen...Coleen...he break up with me."magkamayaw nitong hikbi sa kabilang linya.

VAMPIRE'S KISSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon