71

61 0 0
                                    






"Hindi kita anak!" malutong pa nitong sigaw.

Somehow, her words makes me stop from moving towards them. Parang napako ang mga paa ko sa sahig at wala ng balak pang umalis.

Gulat at punong-puno ng di mailarawang galit.

"Hindi kita tinuturing na anak---"

"Mama stop..." humihikbing wika ng batang si Alden.

I keep my mouth shut habang titig na titig sa kanilang mag-ina. I don't know how to react pagkatapos ng lahat.

Pagkatapos ng lahat? Hindi totoong anak ni Sergio ang batang ito?! Ang batang pulo't dulo ng lahat kung bakit hindi ko na sana sila gagambalain pa lalo na at may pamilya na pala sya?!

Nagsituluan ang luha sa aking mata. Naawa ako sa sarili, naawa ako sa bata at higit sa lahat ay umaapaw ang awa ko para sa anak ko.

Hindi ako halos makahinga parang may pumigang bulak sa aking puso na hindi ako pinapayagang makahinga ng maayos kahit ilang segundo.

"Mama---"

"Shut it! Pwede ba, don't call me your Mama. Tawagin mo lang akong Mama mo kapag nasa harap ka ni Sergio, okay?"

Nagdadalawang isip pa sa pagtango ang bata na may nagsisituluan pang luha mula sa maganda nitong mata.

"Now, come here at sabihan mo ang maasawa ko na bukas na tayo aalis! Naiinis na ako sa presensya ng Coleen na yan!" hinatak nya ang bata palapit sa kanya.

Kahit na puno ng takot ay wala namang magagawa ang bata.

Marahan akong humakbang habang nagtatagakan ang aking pawis.

Kailangan kong pigilan si Sergio! I mean, aalis na sila?! I need to talk to him!

Naguguluhan ako ngayon. Gulong-gulo.

Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay ilang impormasyon lamang ay malalaman ko na lahat-lahat ng nangyari sa akin noon.

Pakiramdam ko ay ilang hakbang na lamang at malalaman ko na din ang katotohanan sa aking nakaraan.

Nagtago pa ako sa dingding saka narinig ang mga hakbang nina Lisha patungo sa pinagtataguan ko.

Crap!

Napalunok pa ako ng paulit-ulit saka umalis na roon.

I take the stairs lalo na at dumiretso sina Lisha sa elevator. Mabuti na lamang at hindi nila ako nakita!

Mabuti na lamang at nakahinga ako ng luwag dahil doon. Ilang segundo lamang ang pagpapahinga ko at tinahak na ang napakaraming hagdan patungo sa opisina ko na malapit lang sa opisina ni Sergio.












Expected ko nang mahuhuli talaga ako pero iyon naman ang point lalo na at hagdan talaga ang ginamit ko para makaakyat sa opisina.

"You're late."

That voice.

Pagpasok ko pa lang ng opisina ay agad nakaabang sa akin si Sergio na nakaupo sa couch na inilagay nya rin sa opisina ko.

Halos mapaigtad ako sa aking kinatatayuan at kung hindi ko lang ibinalanse ang aking sarili ay baka ma---.

"You're late." pag-uulit nito. This time, mas malamig pa ang boses.

Napalunok ako doon ng paulit-ulit. Okay, boss ko sya---at late din naman ako kaya galit sya.

"I'm sorry Sir. I won't do it again." nakayuko kong tugon.

Hindi ko na idinagdag na isa sa mga rason kung bakit ako nahuli ay dahil sa nasaksihan ko sa baba. I keep my mouth shut with that matter.

"I don't tolerate tardiness, Miss Marquez." supalpal pa nito.

Nanatili akong nakayuko. What's with his change of attitude?

Hindi naman siguro ganito ang pakikitungo nya sa akin past few days. I mean, he is cold and a snob pero hindi sya ganito ka galit.

Wala na syang ibang sinabi pa.

Katahimikan ang namuo sa pagitan namin. Narinig ko lamang ang pagtayo nya dahil nagsagawa ng tunog ang kanyang stilhetto na sapatos at umalis na sya.

Malakas pa ang pagkalabog ng pintuan.

Napapikit ako doon. I should've told him kung ano ang nalaman ko but I think hindi ngayon ang oras para doon lalo na at nahuli ako at mukhang hindi maganda ang timpla ng umaga nya.

I turned to face my paper works at inabala na lamang ang sarili sa trabaho. Lumipas ang mga oras at kahit papaano ay nakalimutan ko pansamantala ang dala-dalang problema lalo na at kailangan ko ng pera, prayoridad ko ito ngayon. Malapit na rin kasi ang 4th birthday ni Tres.

Lunch time at lumabas na ako sa opisina ko. I felt relieved somehow at di ko na kailangan ng pusposang assistance para magawa ang trabaho ko. Somehow, I'm glad that I can cope up with new things and I'm so resilient enough to handle every situation.

I often do banking pero mukhang iyon na ang ginagawa ko lalo na at mukhang hindi nagtitiwala si Mr. Cervantes sa bank authority at ako, ang secretary nya talaga ang gumagawa ng debit-credit T-card na ito.

Nagpakawala ako ng buntong-hininga saka tuluyan nang lumabas sa opisina.

Alright, I'll talk to him with every matter---I will compromise with my words. Hawak-hawak ko pa ang folder na laman ng reports. Wala naman syang sinabi na dalhin ko sa opisina nya but if I want to see and enter his  office, kailangan kong may alas to cover my true motive.

I have to appear to be professional.













Holding my folders firmly habang tinatahak ang ilang space patungong opisina ni Mr. Cervantes, I think this is the right time to tell this man about his departure and that his supposed to be wife for now does not give birth to his biological son.

Gusto kong sabihin sa kanya na ang anak ko ang tunay nyang anak but I don't want to storm out words just like that. Gusto kong pag-isipan ang sasabihin ko.

I headed to his office, ilang blocks mula sa akin. There is a huge space, considering his door is placed ilang space sa akin. His office is an entire whole space more than a suite.

"I'm handling reports to Mr. Cervantes."

"Mr. Cervantes is talking to his fiancee'. Just wait a moment, Ms. Marquez or you want me to give that to him instead. ." anang staff na syang nagbabantay kung may papasok ba sa office ni Sir.

"Uhmm... I'll give this myself. " tugon ko, the staff just nod and turn to face the laptop.

Hindi ko alam pero bakit ang pait sa puso habang pinapakinggan iyon. Ewan ko, hindi ko alam. Maybe because after everything, after everything na nangyayari I am empty.

Hindi ko alam pero pakiramdam ko kulang ang buhay ko.

Nakalimutan ko lahat ng nangyari at wala akong maalala na memorya tungkol kay Mr. Cervantes but I feel like he's part of me and I'm part of him.

It looks like he is the one who's haunting me in my every nightmare. Hindi ko alam and the more I think what really is this thing that keeps me coming back and feeling something towards him, it's something undefinable.

And the deeper I think of it, it just makes everything so painful.

Titig na titig ako sa wooden creaks sa pinto. Sa pagkatitig ko doon, iniisip ko lamang kung anong pinangagawa nila sa loob. Heat flushed on my cheeks, hindi naman siguro ang iniisip ko ang ginagawa nila, diba?

Why the hell would I concern things like that? Fiancee nga nya, diba? Hindi malayong---

Napapikit ako't inaalog ang sariling ulo. Why am I thinking imagery that hurts me thousand cuts?

Napalunok ako ng paulit-ulit lalo na at hindi ko makontrol ang pag-iisip ko lalo na sa pagkakataong ito. Kaninang umaga pa ba sya dyan? Kasama ba nya ang anak nyang si Alden?

Mariin kong kinurot ang braso ko.

Please, Coleen. Stop thinking things like that.

Sinasaktan mo lang ang sarili mo!

Any minute, marahas na bumukas ang pintuan.

Nasaksihan ko pa ang pagmamartsa ni Lisha. She walked passed me towards the direction of elevator. Furious and mad of everything.

Hindi na nga nya ako napansin.

Nakahinga na lamang ako ng maluwag at hindi ko naagaw ang atensyon nya. Because I think if I do, malamang ay ako ang pagbubuntongan nya ng galit na nararamdaman nya ngayon.

Nang makapasok na sya sa elevator ay saka naman may napadaan na mga assistant clerks na mukhang nagtsitsikahan.

I overheard them and their topic is about Lisha.

May kasama pang ilang lengwahe na hindi ko matukoy habang nagsasalita sila sa kanilang accent. I'm still here abroad at nagtatrabaho ako sa foreign estate. Most Filipino workers are in maintenance o kung may higher level work man na nakapasok, manager lang at iilan lang sila.

Some are so pretty and so foreign in this place. Mabuti na lamang at walang discrimination towards Filipino lalo na at model of Filipino picturesque is the CEO which happens to be so hot at wala silang discrimination doon.

The man will make your head spin like hell at mahihirapan kang insultuhin ito.

I held the door lock firmly. Malakas ang pagkakalabog noon galing sa pagkakasara ni Lisha nang lumabas ito.

"Sir, I have something to tell you." bulalas ko pagkapasok.

Napapikit pa ako.

Good, Coleen. Pag-iisipan, huh? What's with the blabbering, 'I have something to tell you.' Wala ka na bang ibang statement to initiate the conversation?

"Sure, what is it?" wika nito habang hindi inaalis ang tingin sa laptop na nakaharap sa kanya.

Apat na taon na ang nakalipas at sa loob ng apat na taong iyon ay wala akong maalala. Lahat ng impormasyon na sinasabi ni Mommy na syang ginagawa ko sa apat na taon ay syang mga impormasyon na pinaniniwalaan ko.

And I'm doubting every part of it. Marami akong gustong itanong sa kanya.

And now...

My eyes narrowed to Mr. Sergio Cervantes. His face so stoic now, like a hard-rock. Nag-aaway siguro sila ni Lisha kanina and that's why he's like this cold.

"What is it, Mr. Marquez?" bumaba ang kanyang tingin sa folder na hawak-hawak ko.

I turned towards the door and closed it firmly. Siniguro kong lock ito saka dali-daling tumungo sa lamesa nya't tumayo doon.

His eyes narrowed on me. Napalunok ako ng paulit-ulit. Tinaas nya ang kanyang kilay. I abruptly lay the folders on his desk.

"Props lang iyang folder. I have something else to discuss..."

"Hmm..."

I smiled before I open my mouth. "It is about...."

VAMPIRE'S KISSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon