Chapter 45

106 2 0
                                    

Naglakad kaming tatlo papalabas ng Figaro. Ni isa sa amin ay hindi umiimik after ng gawin kong eskandalo kanina. Hindi ko na yata napansin na pinagtitinginan na kami ng mga tao roon.

"Will I still bring you home or Michael will be the one to.."

"Mark, pare" nagulat ako ng biglang sumingit sa sentence ni Mark si Michael. Nasa tapat kami ng kotse nya at pare parehong nagkikiramdaman.

"I know madami tayong hindi naging pagkakaintindihan. And I know alam mo kung anong ibig sabihin ko. I just want to say sorry. Alam ko you're just protecting my girl and you did a marvelous job kasi kahit ako hindi ko nagawa sa kanya yon" nahihiya pa si Michael sa sinabi nya. Naramdaman ko iyon dahil agad itong nagabago ng direksyon ng tingin.

"You don't have to. Minahal ko si Christine and even though ikaw lang ang lagi nyang bukambibig, palagi ko pa rin sya aalagaan dahil alam ko kailangan nya ng kaibigan sa mga ganitong mga panahon. Pero pare, payo ko lang sayo, wag na wag mo na sya sasaktan. Swerte mo dahil tinatanggap ka nya ng paulit ulit kahit paulit ulit mo rin sya sinasaktan"

Sa sinabing iyon ni Mark ay naluha ako. Grabe talaga tong taong to! Hindi pa rin kumukupas ang kabaitan kahit kausap na nya ang karibal nya. Hindi ko alam kung may baho pa ba to sa sarili dahil sobrang bait nito sa akin.

"Aalagan ko siya dahil responsibilidad kong bumawi sa kanya. Salamat pare ha? Naniniwala ako na mahahanap mo rin ang para sayo" Agad namang inakbayan ni Michael si Mark at tinapik tapik pa ito. Nagtatawanan sila at ang sarap nila titigan.

Niyakap ko sila at nagulat sila sa ginawa ko kaya't niyakap rin nila ako. Ugh this is the best scenario in my whole entire life. Hindi ko na napigilang maging emosyonal sa mga pangyayari.

Matapos niyon ay nagkanya kanya na kami ng way. Ako kasama ko si Michael pauwi at si Mark naman ay kasama ang kotse niya. Pinagpasyahan kong maglakad kami ni Michael para mas matagal ko pa itong makasama.

Habang nasa daan ay magkahawak kami ng kamay at hindi alintana ang mga taong nagtitinginan sa amin. Bukod kasi sa pareho kaming good looking ay sobrang pda namin.

The Skater meets The Jerk (On Going Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon