Chapter 37

86 3 0
                                    

Chapter 37

Back to school na ulit. Eto rin ang araw na malalaman ko ang resulta ng exams ko. Aminado naman ako na hindi ako masyado nakapag aral dahil sa sobrang pagkakastress. Natatakot ako nab aka manganib ang pagiging Dean’s Lister ko.

Maaga pa lang ay nasa desk na si Sir Raymond, ang Trigonometry teacher namin na sobrang hot na hot ang dating. I hate Trigo pero kapag sya ang teacher, walang araw na hindi ko nagustuhan ang mga tinuturo nya.

“Good morning Class, I have the result of your exams and I’m sorry say this but 80% of this class fail in my subject. Natotal ko na din ang GWA nyo sa subject ko and 8 lang ang pumasa. So class, iaannounce ko ang GWA nyo plus ipapamigay ko ang test papers”

PAKTAY. Feeling ko kasama ako dun. Knowing my grade in different terms, hindi nakapagtatakang babagsak talaga ako or kung hindi man, dahil sa Trigo kaya hindi ako magiging DL.

“Anuncion, Adrian 73%”

“Aquino, Katherine 65%”

“Azuelas, Mike Jairus 81%”

.

.

.

.

.

.

“Santos, Tricia 69%”

“Tagpuno, Viloria Anne 74%”

OMYGOD! LETTER T NA AT PAGKATAPOS NI TAGPUNO, AKO NA UWAAAAA.

“Toledo, Christine 86%”

UWAAAAAA! Seryoso ba si Sir? 86 ako? As in? Dahil sa sinabi na iyon ni Sir ay napalaki ang mga mata ko at napangiti ng matamis sa kanya. At dahil 85 ang required na grade sa DL, pasok pa ako!

Nagpalakpakan naman ang mga kaklase ko pati na rin ang mga kaibigan ko. Hindi ko napansin na pati pala si Michael ay napalakpak din sa akin.

“Uy si girl pinapalakpakan ka ng jowa mo o. Ikaw ang highest sa klase na to kaya I’m sure proud na proud si fafa sayo”

“Tumigil ka nga Rowell. Nakapasa rin naman sya kaya I’m sure yung sarili nya ang pinapalakpakan nya”

“Self appreciation ba girl? Bitter na bitter ka talaga te!” hirit naman ni Cess habang naglalakad kami papalabas ng Campus.

Sa Trigo lang kami nagklase. Dahil nga last 2 days na lang ang ipapasok namin for 1st semester. Nakita ko na din ang iba’t ibang grades ko sa ibang subjects and very convincing naman ang results. besides kapag hindi ko ginalingan at tinaasan ang scores ko, mawawala ang 100% Full scholarship ko. Aray.

“Hey guys. Dahil may 2 weeks and 3 days naman tayong pahinga, how about mag vacation tayo? Kahit sa tagaytay lang or sa baguio. Makalasap naman tayo ng hangin ng ibang lugar!” pag aaya ni Rowell.

“Go ako dyan. Nako Fly na agad tayo bukas. Tutal card giving lang naman tomorrow so, kahit nanay na natin kumuha nyan basta ako gorang gora na’ pag sang ayon naman ni Cess sa plano ni Rowell.

“Parang di ako makakasama e. Hindi naman ako galaera at tyaka ang layo nun”

“Kj ba! Tayong tatlo lang naman ang magkakasama e pati sigurado ako papaya si Tita. Ipagpapaalam ka namin ni Rowell. Basta ipack mo na ang things mo at susunduin ka namin first thing in the morning”

Tumango na lamang ako sa kanila. Gustong gusto ko rin kasing makapunta ng Tagaytay dahil hindi pa ako nakakagala doon at balita ko sobrang ganda dun.

Pagkauwi ko sa bahay ay inihanda ko na agad ang mga gamit ko. Tumawag sina Cess at Rowell kay Ina at pumayag ito na sumama ako sa kanila.

It’s a 1 week vacation. Pupunta kami sa iba’t ibang destinations sa tagaytay and lastly, mag bebeach kami.

Tuesday, 6:05 am

“BEEP BEEP”

“Hoy Christine lumabas ka na sa lungga mo aalis na tayo”

Busina pa lang ng kotse ay alam ko ng sina Rowell at si Cess iyon. Sinabayan pa ng hiyaw ni Cess ay napababa agad ako ng hagdan at pinuntahan sila.

“Grabe ang aga nyo masyado ha! Excited lang?”

“Ganyan talaga kapag bakasyon, dapat sinusulit hindi sinasayang!”

Pumasok na ako ng kotse. Gaya ng dati ay sa likod ako nakaupo at nasa unahan naman si Cess.

“TAGAYTAY Here we come”

Dahil malayo ang byahe mula Manila hanggang Tagaytay ay minabuti ko munang matulog sa byahe. Sa halos dalawang linggo na stress ako ay ngayon lang ulit ako makakabawi ng tulog.

“Guys we’re here. Pack up na!”

1ST DESTINATION: BEACH

“Wow white sand guys. Maganda talaga nakita ko sa Internet no? What can you say guys?” pagmamalaki pa ni Cess habang pinaglalaruan ang buhangin.

Matapos kami mag check in ay agad kaming pumunta ng kwarto at nagpalit ng kanya kanyang swim wear. Si Rowell naka swimming trunk, Si Cess naka bathing suit at ako, naka Two piece.

Pare parehong nagtampisaw sa tubig ang mga kaibigan ko. Naglalaro sila sa dagat ng bolang plastic at kung minsan ay magsisisidan.

Ako naman ay natirang nakabilad sa initan. Gustong gusto ko kasing nagpapatan ako. Gawain ko lagi ito kapag mag bebeach kami. Hindi rin kasi ako marunong lumangoy.

Habang nakabilad ay sinuot ko ang sunglasses ko, masyado kasing nakakasilaw ang araw. Kokonti lang kaming tao rito sa resort dahil hindi pa naman summer at nagkataon lang na sembreak namin.

“You look good” matamis na boses ng lalaki ang nagsabi noon sakin habang nakaupo malapit sa tabihan ko.

Hindi ko ito pinansin dahil baka isa lang din itong check in ng resort nila na gusto akong manyakin. You look good ka pa dyan!

“Snobber ka na Christine. Para namang wala tayo pinagsamahan nyan”

Natanggal ko ang shades ko at tumingin sa kanya. God! What is he doing here?

“Are you stalking me? Why are you here?”

“Whoa. Calm down. Inimbitahan kasi ako ni Rowell to come over. Tatlo lang daw kasi kayo dito kaya pinasama nya ako. Parang ayaw mo yata akong makita ah”

“Leche tong mga to. May pa girls outing pa nagsama naman pala ng walanghiya. Makaalis na nga”

Aakmang tatayo sana ako kaso hinawakan nya ang kamay ko. Tumingin ako sa kanya pero nakashades to kaya hindi ko makita kung ano man ekspresyon ng mata nya.

“Look. Sorry na. Hindi ako pumunta rito para makipag away sayo. Nandito ako para makipag ayos”

Tumayo sya at lumapit sa akin. This time ay tinanggal nya ang shades nya at tinitigan ako.

“I’m sorry Christine. Hindi ko sinasadya na maglihim sayo. Sa totoo lang wala naman akong alam sa problema nila ni Michael e pero ang alam ko lang na tungkol ito kay Micah. I know them since we’re high school. Minsan na ding nag aral si Cross sa atin kaya kilala sya ng lahat”

“Pero hindi ka pa din nagsabi sa akin. You said na hindi ka magtatago ng kahit ano sa akin and you will never hurt me. But you did”

“I’m just protecting you. Ayoko na madamay ka sa kung ano man ang gulo nila ni Cross. Hindi kita papabayaan because I love you diba? Because we’re friends”

“Tanda mo ba noong nasa bar ka? Actually hindi totoong tumawag si Rowell sa akin nun. He was drunk too that time. Kahit saan ka kasi mag punta nandon ako making sure that you’re alright. At nung binabastos ka na nung chinito na yun, I enter the scene”

Hindi ako nakaimik. Hinahayaan ko lang sya na patuloy na magpaliwanag sa akin. Alam ko na sincere sya pero gusto ko pa din marinig lahat ng dahilan nya.

“Kailanman hindi kita iniwan. Palagi ako nandyan para sayo. At lahat gagawin ko kahit pa ako ang masaktan”

Niyakap ko sya after the moment he said that. Nagulat din sya ng ginawa ko iyon sa kanya. Pinatunayan nya sa akin na kahit ups and downs nandyan sya para sa akin. Nagmamalasakit at patuloy na nagmamahal sa akin. Luckily, I have him in my life not as being my lover, but being my bestfriend.

The Skater meets The Jerk (On Going Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon