Chapter 18

155 3 0
                                    

Chapter 18

Monday, July 9

Maaga akong pumasok ngayong araw. Bago muna ako pumasok ay tinanong ko kay Yaya Elma kung nakapasok na rin ba sya.

“Nako kuya tulog na tulog pa sya. Nagpapagising nga sa akin ng 7:45 am e” Yaya Elma said.

Kung sabagay naman ay talagang maaga nga naman talaga ako. 6:00 am pa lamang ay gising na ako. Sinusunod ko pa rin ang deal namin kahit alam kong tulong nya iyon sa iba… Sa tuwing hindi ko sya nakakasabay ay lagi kong tinatanong kay Yaya kung anong oras sya nakakaalis pero hindi ko tinatanong kung commute ba sya oh may bago na syang sundo.

Matagal din simula ng nakapasok ako. Sigurado ako madami na akong namiss na lessons at baka bumaba na din ang grade ko sa class standing.

Nakipagtulungan ako sa mga kaklase ko para makahabol ako sa lessons. Mabuti na lamang at sa mga sandaling wala ako ay hindi rin sila nagsagawa ng kahit anong mga written output.

Inaabangan ko talaga na makapasok sya sa pintuan. Hindi ko inaalis ang sulyap ko dahil plano ko sana syang kausapin ngayong umaga. Gusto ko na sanang magkabati kami.

Nakapasok na ang mga kaibigan nya. Kalimitan naman ay sabay kung pumasok ang tatlong ito pero ngayon ay tila hindi ko nakita kahit mismong anino ni Christine.

“Ughm.. Rowell nas—a.. nasa—aan si Tin?” Nangangatal pa akong tanungin iyon sa kanya habang ito’y nag mamake up sa sarili.

“Uy fafa welcome back! Ang tagal mo ng di pumasok ah. Kaya sigurado ako wala ka talagang ka-alam alam” ani nya na talagang ipinagtaka ko. Hinampas sya ni Cess at tinapik ang likod nya na nagsasabing hindi nya dapat iyon sinabi.

“Bakit? Ano bang hindi ko alam?” halos hindi na maipinta ang mukha ko para lamang mapilitan silang sabihin iyon sa akin.

Ni isa sa kanila ay hindi pa sumasagot. Nagtitinginan sila at nagtuturuan kung sino ba ang magsasabi sa akin. Dahil sa nalilito na ako at atat na akong malaman ay sinigawan ko sila at inulit ang tanong ko.

“ANO?! ANO BA ANG DAPAT KONG MALAMAN HA?!”

Lahat sa klase ay napatingin sa akin. Kahit ang mga estudyanteng nadaan sa aming classroom ay napapatingin sa pintuan namin kung saan nagmula ang sigaw.

Nakatungo silang dalawa. Hindi ako sanay na tahimik ang dalawang ito kapag kinakausap ko. Kadalasan ay nilalandi nila ako at masyadong masaya at energetic silang magsalita, ngunit tila yatang natakot ko sila.

“Ako  na nga magsasabi. Tutal sabi naman ni Tin ay wala ka ng pakielam sa kanya” ani ni Cess. “Hindi na kami ang nag aabang sa kanya sa may Parking Lot. Kahit mismo kami ay madalang na namin sya nakakasama. Noong unang beses na hinintay namin sya sa Parking ay hindi nya man lang nya kami nilingunan. May iba na kasi syang nakakasama…” Cess added.

Nakikita ko sa kanila na nalulungkot sila dahil napapalayo sa kanila ang kaibigan na matagal na nilang kasa-kasama simula third year high school pa lamang. Kahit ako ay kapag nawala ang mga kaibigan ko ay malulungkot din talaga ako.

“Bakit sino na ba ang madalas nyang kasama?” muli kong pagtatanong sa kanila.

Sa mga sandaling iyon ay pareho silang nagbuntong hininga. Tila hindi pa masabi sa akin ang nais sabihin hanggang sa…

“Bye Christine. See you later” isang lalaki ang nagbikas ng salitang iyan. Isang lalaking kilala ko ang boses.

Nakita namin pare pareho si Christine na nasa pintuan kausap ang lalaking hindi ko inaasahan na sya mismo ang binabanggit nina Cess. Bakas sa kanilang mukha na iniiwasan nilang tignan ang kaibigan at sa puntong iyon ay nahulaan ko na.

The Skater meets The Jerk (On Going Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon