Chapter 65

56 2 0
                                    

For so many years, I've been a great part of Christine's life. Kahit pa sabihin mong may hindi kami pagkakaunawaan, nandyan pa din kami para damayan ang isa't isa. Matagal na naming kinalimutan ang nakaraan dahil para sa amin, ang mas mahalaga ay ang hinaharap. Wala namang problema kay Cess dahil alam ko naiintindihan niyang noong College years namin ay parati na akong nandyan sa tabi ni Christine. Kahit pa noong magkanobya ako at kahit pa nagkaanak na ako, kailanman ay hindi namin nalimutan ang isa't isa.

Nangako ako. Nangako akong hahanapin ko si Michael. Awang awa ako sa kaibigan ko na halos mabaliw na dahil sa pag aalala at paghahanap nya sa soon to be asawa nya. Dumagdag pa ang dinadala nitong unang sanggol sa sinapupunan nya.

Kahit saan ako makarating ay gagawin ko ang lahat para mahanap ang gagong lalaking yon. Naiintindihan ko naman sya dahil pinagdaanan ko to kay Cess. Halos araw araw akong inaapi at inaalila noon lalo na kapag hindi nasunod ang gusto, pero ano magagawa mo? Imbis na umangal, dahil mahal mo gagawin mo lahat para mapasaya siya.

Nagpasya akong sa Manila maghanap. Alam kong doon lang maglalagi yon. Kung pwedeng halughugin ang lahat ng bar sa Metro Manila ay gagawin ko maiharap lang sya sa asawa nyang buntis ng di nya alam. Wala akong pakielam kahit abutin ako ng gabi o umaga sa paghahanap, kalagayan ni Tin ang nakataya dito.

Hinalughog ko ang bar na madalas na pinagtatambayan ni Michael dati. Kahit ang bar ko ay hinalughog ko din kaso wala akong makita ni anino nya. Nagbakasali naman akong hanapin sya sa abandonadong skate shop nya na malapit lang sa dati naming school.

Nakarating ako ng walang napala. Napapagod na ako pero wala akong pakielam. Nararamdaman ko din ang kaliwa't kanang vibrate ng cellphone ko. Alam ko nagtetext na ang misis ko kaya tinignan ko ito. Batid sa mga mensahe nya na nag aalala sya pero hindi ko muna sya pinansin. Uuwi akong buhay kasama si Michael.

Lumapit ako sa abandonadong shop na ito. Matagal ko tinitigan ito hanggang sa mahagip ng mata ko ang tatlong bote ng alak malapit sa dating entrance. May upos din ng sigarilyo at kahon nito. Nilapitan ko ito lalo at dinampot. Alam ko, alam ko nanggaling siya dito kagabi. Pero nasaan na kaya sya ngayon? Aware ba sya na hinahanap na sya ng magiging asawa nya? Alam ba nyang halos mag iisang araw na syang hindi nauwi? Anong klaseng lalaki sya?

Sinubukan ko naman syang hanapin ngayon kay na Cross. Hindi ko alam pero yun lang ang tanging naiisip ko na pupuntahan ni Michael kaya nagbakasali na ako, at least I tried. May kalayuan ang bahay nina Cross kaya't halos gabi na, e nasa daan pa rin ako. I tried to contact Michael's phone pero sarado ito.

Napahampas na lang ako sa steering wheel dahil sa sobrang traffic. Pagod na pagod na ako magmaneho, pagod na ako maghanap pero inaalala ko lang si Christine. Ano na lang reaksyon nya kapag umuwi ako ng hindi nakikita ang kaisa isang lalaking gusto nyang nasa tabi nya? I can't afford her to suffer like this.

Nang matanawan ko ang bahay nina Cross ay pinindot ko na agad ang doorbell. Binuksan ito ng isa sa mga tauhan nila. Dahil kilala na ako ng mga ito, madali kong napasok ang bahay nila.

"CROSS! MICHAEL!" Hiyaw ko dahil wala akong makitang anino sa mansion nila.

Halos halughugin ko na ang ibaba nila pero wala akong makita. Pinipigilan na ako ng mga tauhan nila pero hindi ko sila pinapansin.

"Ako na dito, makakaalis na kayo" boses ni Cross ang narinig ko. Agad naman nag si alisan ang mga tauhan niya.

"Bakit ka ba nasigaw? Ano ba pakay mo?"

"Nandito ba si Michael? Please Cross. Nandito ba sya?"

"Why are after him?"

"Si Christine. Buntis si Christine. Kailangan nya ngayon ang magiging asawa nya. Please tell.me, nandito ba sya?"

Hindi kaagad nakasagot si Cross dala ng pagkagulat. Hindi pa din yata kasi nakakarating sa kanila ang balitang ikakasal na ito.

"Nandito siya kaninang umaga. Pero umalis din sila kaagad ni Micah para pumunta sa resthouse ni Michael. Ayon lang ang infos na alam ko"

Hindi na ako nagpaligoy ligoy pa at umalis na kaagad ako. Sinigaw pa ni Cross ang pangalan ko pero hindi ko ito nilingon. Pinaharurot ko ang kotse ko sa rest house nina Michael na hindi naman kalayuan dito.

Bumalik na pala si Micah. At bakit sila magkasama?

Ayoko muna mag conclude pero hindi naaalis sa isip ko ang magduda.

Nang marating ko ang rest house ni Michael ay nagmadali akong bumaba ng kotse ko. Bukas ang gate kaya't madali akong nakapasok. Sinilip ko muna sa bintana kung may tao. Bukas ang ilaw at puro pagkain na nagkalat at beer ang nakita ko sa lamesa. Soundproof to kaya hindi nila ako maririnig. Tyumempo ako, balak ko silang huliin kung may milagro silang ginagawa.

Maya maya ay may yapak ng paa akong narinig. Nakita ko si Micah na naka apron at may dalang tupperware. Mukhang kakain na yata sila ng hapunan. Sumunod ko namang nakita si Michael na may dalang kanin at plato.

Wala silang pinapakitang kakaiba sa ngayon. Kumakain lang sila ng tahimik. Hindi din sila magkatabi. Nakita kong dumukot sa damit nito si Michael at may inabot kay Micah. Isang envelope, at ang tantya ko, envelope to na may laman na invitation ng kasal nya.

Kumatok na ako dahil siguro wala naman talagang mali silang ginagawa, gusto ko lang talaga iuwi si Michael kay Christine. Alam ko nag aalala pa din yon ngayon.

"Uy! Mark, bakit ka nandito?" Ani ni Michael.

Pinapasok naman nila ako at nang alok ng pagkain pero I refused. "Michael, halos mabaliw na sa pag aalala si Christine. Wala ka bang balak puntahan siya?"

"Uuwi naman ako pgkatapos nito. Nagkamustahan lang kami ni Micah at nagkayayaan na mag house party kagabi kaya sobrang kalat din ng bahay e"

May gana ka pa talaga mag house party? Samantalang yong soon to be misis mo, buntis.

"Kailangan na nating umuwi. May naghahantay na balita sayo"

"Ano yon?"

"Mas gusto kong sa magiging misis mo mismo manggaling"

Natahimik ng sandali at nagkakapaan kami kung sino ang unang kikibo.

"Wala nang kakain ha? Lalagay ko na to sa lababo" Micah broke the tension and the silence between us.

Umalis na ito at nag diretso nga sa dirty kitchen para mag ayos ng pinagkainan nila.

"Nasaan ba si Christine?"

"Nasa ospital sya. Nag faint sya at nahilo kagabi"

Nakita ko sa mukha ni Michael ang pag aalala at naramdaman ko na sobrang nag sisi syang iwanan ang magiging asawa.

"Bakit? Bakit? Ano nangyari?"

Hindi ako nakaimik dahil hindi tama na sa akin nga manggaling. Ayoko na manghimasok.

"Wag mo sabihing buntis siya? Nako hindi ko alam ang mangyayari kapag--"

"Oo buntis sya"

The Skater meets The Jerk (On Going Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon