Chapter 63

72 1 0
                                    

Nandito kami sa condo ko ngayon. Hindi kami umuwi ng Manila sa kadahilanang ginabi kami dahil sa pagdidistribute ko ng invitations. Napagod din kami kaya nag utos na lang kami ng magtutuloy sa iba pang natira.

"Jusko! Alam mo bang nakakahiya sa boss ko? Nako ano na pang sasabihin nila pag pumasok ako sa trabaho na kesyo dinala ko pa ang kahibangan ng future husband kosa opisina? Kaya ang daming nagkagulo at nawala ang clients dahil sa eskandalo natin?!"

Pagkapasok pa lang ng pintuan ay bunganga ko agad ang narinig naming dalawa. Paano ba naman kasi, ang isang to may hang over pa yata at tinamaan ang utak, napraning at biglang naging possessive.

Flashback..

"Babe.. Ano ka ba! Kung saan saan kita hinanap. Mabuti na lang at kilala ka sa baba kaya madali ko nahanap kung nasaan ka" mahigpit ang pagkakayakap na iyon ni Michael sa akin. Para bang bigla syang nagising na inlove na inlove sya sa akin. I admit it, nag blush ako pero madali nawala dahil ang daming tao na nakatitig sa amin.

"Babe.. Mahihibang ako. Mahihibang ako kapag nawala ka pa sa akin" lumuhod ito sa harapan ko at hinalik halikan ang kamay ko. Naluluha na din ito na parang totoong iiwan ko sya. Napapraning na ba to? Hindi ako kinikilig bagkus ay naiirita ako. Ano bang drama ang pinagsasabi nito?! At saan nya nakuha ang thought na yon? Pinagtitinginan na kami dito!

"Ano ka ba! Tumayo ka na nga dyan. Nakakahiya sa mga ka opisina ko. Ang dami ng tao oh." Napansin nya din iyon kaya't akala ko ay tatayo na ito at hihingi ng paumanhin sa akin kaso iba yata ang inakala ko.

"Mga kaibigan, ako si Michael Burgos, ang mapapangasawa ni Ms. Christine Toledo na kasalukuyang executive ng kompanyang ito. Nais ko sanang..." Hindi na nito naituloy ang sasabihin dahil tinakluban ko ang bibig nito. Narinig ko naman ang madaming iritan, bulung bulungan at mga kantyawan sa amin. Ang iba pa nga ay palihim na kumukuha sa amin ng litrato.

The Skater meets The Jerk (On Going Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon