Chapter 35
Nag uumpisa na ang Engineering Night. Ang theme: Red and Black Party kaya lahat sa paligid ko ngayon ay mga nakapula at nakaitim.
Hindi nalalayo sa table ko ang table nina Mark. Hindi nga sya Engineering student pero inanyayahan sya ng event organizer na si Cross para dumalo sa event na to. Hindi ko alam bakit pumayag si Mark dahil alam ko may plano si Cross kaya nya inimbitahan ang isang to.
“Ateng gutom na akiz. Ang dami naman sinasabi ng emcee ayaw pa magpakain e!” hiyaw ni Cess habang nagsasalita ang babaeng emcee sa harapan.
“Te make sure na bet namin ang food ha? Kundi ipapasalvage ko yang jowa mo!” hirit naman ni bakla habang umaaktong umiiyak na sa gutom.
“Sisishin nyo si Cross no. Sya kaya replacement ni Michael. Hindi rin kasi pumayag ang isang yun na makapartner si Cross. Masyadong mataas ang pride kaya aang ending, assistant.”
“Ay waepek sa gwapo ng jowa mo si Cross. Kahit na sya pa ang nag organize, for sure matatalo sya mamaya sa Mr. and Ms. Org Members! Kabog ni fafa yan” sabay palakpak ni Rowell na kampanteng kampante sa lahat ng sinabi nya.
Nag umpisa na ang ilang programa. May palaro pang hashtag game kung saan ipapatrend ang #EngineeringNight2014 with inserted picture ng groupie o selfie.
Nakilahok ang mga kaibigan ko at pinuno halos ang twitter feeds ko ng puro picture nila. Aim daw nilang makatapak sa stage mamaya.
-
“Are you enjoying the night?” biglang sulpot na tinig ni Cross ang nagsalita malapit sa tenga ko.
“Kinda. Hindi kasi ako party girl kaya hindi ako napunta ng dance floor”
“Well, pareho pala tayo. Nag iisa ka ah? Wala ka bang kasama?”
“Nandun kasi mga kaibigan ko sumasayaw pati ayos lang kahit mag isa ako. I can handle myself” pagsusungit ko sa walangyang Cross na ‘to.
“Mind to join you? Don’t worry harmless ako. I just want to spend my night with you”
Nakakabastos man kung aayawan ko sya pero ayokong idamay nya ako sa kung ano man ang pinaplano nyang gawin ngayong gabi. Ayokong madatnan kami ni Michael dahil sigurado ako malaking gulo na naman to.
“Wag na. Nakalimutan ko inaaya pala ako nina Cess. Maiwan muna kita”
Hinatak nya ang braso ko. hindi ako makapumiglas sa higpit ng hawak nya. Parng galit sya at ginagamitan nya ako ng pisikal.
“Get off Christine’s hands. Hindi purket babae sya you’ll take advantage of her weakness”
Dumating ang savior ko. Si Mark. I guess you’re expecting somebody else ano? But still I’m glad he’s here.
“Wag ka nga makielam! Dapat pala hindi na kita inimbitahan sa event ko e. Panggulo ka lang!”
“Don’t act like may utang na loob ako sayo. You and your SF Fraternity had nothing to do but making each other’s life miserable. Am I right? That’s exactly what you did to me”
Lahat ng tao sa paligid namin ay nagsimulang mag bulong bulungan. Hindi naman kaagad nakaimik si Cross ngunit mahigpit pa rin ang hawak nito sa braso ko.
Saka naman umextra si Michael sa gulo, grabbing my hand para lumayo sa gulo. Hindi ko alam ang mga nangyayari. Ano ang sinasabi ni Mark? What’s with him and his formally frat?
“You are a liar! Stop making stories. Sinisiraan mo lang ako dahil naiinggit ka that I STOLE THE POSITION YOU ARE AIMING. Hindi ba’t tama ako? Inggit ka lang kasi ako ang napiling leader ng grupo”
“Let’s go Christine. Ayoko na makita mo pa ang mga gulong ito. Iuuwi na kita okay?” mahinang sabi sa akin ni Michael habang papalakad kami palayo sa insidente.
PAK
Isang malakas na suntok ang narinig ko ng tuluyan akong lumakad at tumalikod. Dahil sa pag aalala ko na baka si Mark ang nasuntok ay napalingon ako pati na rin si Michael.
It wasn’t Mark who is being hit but Cross. Lahat ng tao sa hall ay nagtakbuhan at nag alisan ng biglang suntukin ni Mark si Cross and leaving only one person standing.
“Tama na! Both of you. Sinira nyo ang party. Sinayang nyo ang pinaghirapan ng organization. Sigurado ako both of you will have a punishment for the mess that you did” hirit ni Micah na parehong nakatingin at pinapagalitan ang dalawa.
“Tara na Kuya. Hindi sa ganitong bagay ang sinasabi ko sayo. Not in this way!”
“KUYA?!” hiyaw ko ng marinig kong tinawag ni Micah si Cross ng KUYA.
Tama naman siguro ang panrinig ko dahil kakalinis ko lang ng tenga kanina. Malinaw na malinaw rin ang pagkakasabi nyang kuya nya si Cross. Naguguluhan na talaga ako.
“Halika na baby. We need to go”
“NO! I want everything to be clear. Tell me the truth!”
“Oo tama ang narinig mo. Kuya ni Micah si Cross. Since high school ay kilala ko na si Cross and we’ve been so close that time”
Nang lumingon muli ako sa kinaroroonan nina Micah ay wala na ang mga ito. Si Mark na lamang ang natira na nakatitig lang sa amin.
“Ikaw Mark?! Alam mo that he is the younger sister of Cross? So ano? Dahil sa kanya kaya kayo nag aaway away? Hindi pa din kayo makapag move on sa Micah na yun?!”
“Yes Christine pero hindi dahil kay Micah. I’m just protecting you to him. Ayoko naman na masaktan ka nya knowing that guy is a big whore” mark said habang nakatitig sa akin.
“Baby, we’re just protecting you okay? Ayoko madamay ka dahil yun ang gustong mangyari ni Cross. Ang isama ka sa gulo and he wants to ruin our lives. Maniwala ka naman”
“Hindi mo sinagot ang tanong ko Mr. Burgos. Is it about Micah bakit pinag iinitan ka nya?! TELL ME!”
Nagkatinginan si Mark at Michael. Alam ko ang tingin nilang iyon. Parang pinapahiwatig ni Mark na sabihin na sa akin ang totoo.
“What? You are speechless because I’m right?!”
“Baby..”
“Stop it! Wala kang kwenta. Akala ko you are over her. Pinaglalaruan mo lang ako. Siguro ginamit mo lang ako at ginawang rebound! Wala kang puso pare pareho lang kayo”
Tears fell ng sabihin ko iyon sa kanya. Masakit. Akala ko mahal ako ng buo ni Michael. I thought he is over her ng magkatapatan kami ng damdamin sa isa’t isa at eto, malalaman ko ng dahil sa Micah na yun kaya sila nagkakagulo.
“Hindi mo ko maintindihan Christine.. “
Ngunit kahit sinabi nya iyon ay tumakbo pa din ako papalayo sa kanila. Ayoko na makarinig pa ng kahit anong salita galing sa kanya. Pareho silang sinungaling making me a fool to believe that everything is fine.
-
“Wala na tayo magagawa kung mahal pa din nya si Micah. Hindi man nya nasabi sayo kasi sigurado ako masasaktan ka..”
“Ano ba dapat ko gawin Cess? Ang sakit kasi. Dalawang tao na pinagkakatiwalaan ko, pagtataksilan ako. Pinapaikot lang nila ako e” tuloy pa din ako sa pag iyak habang nakikinig ang mga kaibigan ko.
Sila mismo ang naghatid sa akin sa bahay at ngayon, plano nila na dito muna matulog sa bahay para siguraduhing maayos ang pakiramdam ko.
“Tama na ang iyak. Alam mo naman ang dapat gawin e. Pero sa tingin ko hindi lang basta “Tapos na tayo” ang sasabihin mo sa kanya. Iexplain mo muna para may closure talaga kayo”
“Tama si sister Cess. Kahit papaano naging kaibigan mo ang dalawang yon” hirit naman ni Rowell habang pinakalma ako sa patuloy kong pag iyak.
“Para saan pa? niloko nya ako. Ayoko na harapin pa sya o kahit si Mark and I don’t think kailangan pa namin ng closure kasi kahit kalian naman si Micah lang ang minahal nun at hindi ako”
Napabuntong hininga na lang sina Cess at Rowell sa sinabi ko. Galit ako. Sobra ang galit ko sa kanila. Kung kailang mahal na mahal ko na yung tao saka ko pa malalaman na pinaglalaruan lang nya ako. Ang sakit sakit kasi sobra.
BINABASA MO ANG
The Skater meets The Jerk (On Going Story)
Подростковая литератураWhat if the bad skater meets the brainy jerk who lives with the same village and same school? Magkakaroon ba sila ng isang magandang pagsasama oh hanggang alitan at asaran na lang tatakbo ang buhay nila sa isa't isa?