Chapter 38
“Ibuhos na ang beer sa aking lalamunan upang malunod na ang puso kong nahihirapan..”
“Tumigil ka na nga sa pagkanta Cess. Nakakarindi naman boses mo e”
Nandito kami ngayon sa cottage at patuloy na naghahasik ng lagim ang mga kaibigan ko. Nag iinuman sila nina Mark at ako naman ay namamapak lang ng pulutan nila.
“Mabuti naman at bati na kayong dalawa. Pinlano talaga namin na papuntahin si Mark dito para magkausap na kayo” panimula ni Rowell ng usapan habang tumatagay ng isang basong red horse.
“Alam mo naman yang si Mark basta kay Christine, mabilis pa sa alas dos yan kung umoo. Sabihin mo lang kung asan si Christine, hala sige punta” dagdag pa ni Cess na halatang may tama na.
“Kaya ikaw Mark, ligawan mo na ulit kaibigan namin. Single na ulit yan oh para hindi na hopeless romantic at bitter si Christine”
“Kung papayag si Christine, bakit hindi diba? Mahal ko naman yang kaibigan nyo e, ayaw lang talaga sa akin” sabat naman ni Mark habang nagpapacute sa akin.
“Teka bakit ba ako ang pinag uusapan nyo? Hindi purkit BH ako hindi na ako Masaya. Masaya ako kasi andyan kayo at dahil nandyan kayo, wala na akong ibang hihilingin pa”
Nag iritan naman ang mga kaibigan ko dahil sa sinabi ko. si Mark, nakatitig lang sa akin at nakangiti. Kung madali nga lang pasunudin ang puso, si Mark na talaga ang mamahalin ko.
Dahil lahat ay lasing na, nagpasya kaming pumunta na ng kwarto para magpahinga. Si Cess at Mark ay bagsak na bagsak na. Mabuti na lamang at si Rowell ay nasa wisyo pa kaya tinulungan na nya akong magbuhat.
Dalawang kwarto ang kinuha namin. Dapat kami ni Cess ang magkasama sa isang kwarto kaso si Mark ay matindi ang kapit sa akin kaya kami na lang ang magkasama.
Nagpalit ako ng damit bago kumuha ng mainit na tubig para punasan si Mark. Sobra palang malasing ang isang to.
Tinaggal ko ang damit nya at ang pants nya. Buti na lang at nakaboxer to. Pinaltan ko ng bagong t-shirt at muling pinunasan ang katawan nya.
Tinitigan ko mabuti ang maamo nyang mukha. Ganito pala sya matulog kahit nakapikit, sobrang gwapo pa din. ANO BA YAN CHRISTINE! NAAAKIT KA BA?!
“Swerte ko talaga sayo Mark. Kahit anong pagtataboy ko sayo, hindi ka pa din tumitigil at hinahabol mo pa din ako. Sana katulad mo na lang ng ugali si Michael. Sana ganyan rin sya kaalaga. Sana…”
-
“Good morning guys! Wake up na!!! Lilibutin pa natin ang tagaytay remember?” malakas na boses ni Rowell ang narinig ko sa mismong kwarto namin. Hindi pa nakuntento at nangyugyog pa ng mapansing hindi namin sya kinikibo.
“OO NA ROWELL OKAY? BABANGON NA KAMI NI CHRISTINE. MANAHIMIK KA LANG”
Agad namang ngumiti si Rowell at nilisan ang kwarto namin. Pahikab hikab pa ako at tila wala pa sa wisyo ng hanggang sa mapansin kong nakayapos at nakadantay na ako kay Mark.
“Ay hehe. Sorry sobra atang napasarap ang tulog ko”
“Sayang! Dapat di mo na inalis e. sarap na sarap na sana ako!”
Agad ko naman syang binatukan at binato ng unan. Gosh sobrang nakakahiya! Sa sobrang pagod ko sa pagaasikaso sa kanya, di ko namalayan na nakatulog na rin pala ako. Naiwanan ko pa ang timba sa may desk.
“Salamat sa pag aalaga ha? Lalo tuloy ako napapamahal sayo e” hirit ni Mark habang nag aayos ako ng aking sarili.
“Che! Tulog ka diba? Pano mo namang nalaman na inalagaan kita?!”
BINABASA MO ANG
The Skater meets The Jerk (On Going Story)
Novela JuvenilWhat if the bad skater meets the brainy jerk who lives with the same village and same school? Magkakaroon ba sila ng isang magandang pagsasama oh hanggang alitan at asaran na lang tatakbo ang buhay nila sa isa't isa?