Chapter 66

138 3 9
                                    

Nakumbinsi kong isama sa Laguna si Michael. Nakita ko ang pagkagulat nya kanina ng sabihin kong buntis ang fiancé niya. Bakit pakiramdam ko, tama lahat ng sinasabi ni Christine? Na hindi pa handa si Michael magkaanak dahil nga wala pa sa plano nila to? Pero magpapakasal na sila kaya sa mismong honeymoon nila ay gagawin din nila ito. Hindi kaya, nagbago na ang isip ni Michael? Paano kung sa paglalagi nya sa America ay napaisip sya ng husto? Na pakiramdam ko minadali nya lahat.

Tinignan ko si Michael na katabi ko lang. Tahimik syang nakamasid sa bintana ng kotse. Ayoko na magalit sa kanya ngayon dahil hindi ko pa alam ang tunay nyang dahilan at alam ko matatanggap nya ang bata dahil sya ang ama at ang batang iyon ay anak nya na nag bunga dahil sa pagmamahalan nila ni Christine.

"Pre" sambit ko at bigla itong lumingon sa akin.

"Sana hindi tama si Christine. Sana maging lalaki ka" hindi sa bakla ang ibig kong sabihin kay Michael, kundi dito sa sitwasyon na ito matetest ang pagkalalaki nya.

Hindi sya umimik pero matagal niya akong tinitigan bago umiwas ng tingin. Sigurado ako, matinding pag iisip ang ginagawa nito ngayon.

Finally, after hours of driving ay nakarating na kami sa hospital. Mabilis ang lakad ni Michael kaya halos natakbo na ako para abutan sya. Kanina pa siya hindi nakibo at nararamdaman kong mamaya, sasabog ito.

"Michael..." Sambit ni Christine ng makita ang boyfriend. Nakaramdam kami ng ibang aura kaya lumabas ako, ang ina ni Christine at si Cess.

"Bakit ngayon ka lang babe? Nag aalala ako sayo. Halos hindi ako makatulog kakaisip sayo"

"Anong kalokohan ito, Christine?! Bakit nagbunga?"

"Hindi ka ba masaya? Magkakaanak na tayo. Magandang blessing ito sa atin!"

"Blessing? Wala pa tayong ipon. Mauubos lahat ng inipon natin sa kasal. Alam mo namang may business ako sa America na hindi ko pwedeng iwanan hindi ba? Napag usapan natin ito. Paano ko mapapatakbo iyon kung magkakapamilya na ako? Hindi naman pwedeng iwanan lang kita dito ng ganyan ang kalagayan mo"

"Bakit kung makapagsalita ka parang mas mahalaga pa ang business mo kesa sa anak natin? At isa pa, nandyan naman si Top diba? Ano pa't business partners kayo? At tyaka engineers tayo. Madali ang trabaho dito sa pinas dahil sa kurso natin!"

"Hindi pa ako nakakapagbored exam okay?! Kaya nga nagbusiness kami ni Top e. Sa tingin mo, anong buhay ang maibibigay ko sayo? Sainyo ng anak natin? Kaya nga babalik din ako ng America para mag review at magtake"

"Pinagsisisihan mo ba to?!"

"OO! LECHE! Masyado akong nagpadalos dalos! Kasal agad inaya ko sayo e ang bata pa naman natin non! Tama nga sila, kapag bata ka pa ang immature din ng mga decisions na maiisip mo. 23 pa lang ako at madami pa sana akong pwedeng gawin sa buhay bilang isang single man pero i'm tied up and--"

Hindi na tinuloy pa ni Michael ang sasabihin dahil sinampal na sya kaagad ni Christine. Nasaktan ng husto ang dalaga sa mga salitang binitawan ng lalaking kanyang inaasahan na makakasama sa pagtanda. Ngunit sa pananalita nito, alam nyang mukhang imposible na ang lahat.

"Gago ka! Ang kapal ng mukha mo! Wala kang awa sa akin! Ganito na nga kalagayan ko, nagawa mo pang itaksil ang bata at ako! Anong klaseng tao ka?!"

Narinig naman ng mga kaibigan at ina ni Christine ang mga sigawan sa loob ng kwarto kaya't agad silang pumasok dito. Hindi nila inaasahan ang mga nangyayari. Halos manghina na si Christine dahil sa galit na nailabas nya kaya't agad siyang pinakalma ni Mark.

Lumabas naman ng kwarto si Michael ngunit sinundan ito ni Princess at kinausap.

"Anong ginawa mo sa kanya?! Hindi mo ba tinanggap ang bata?"

"Kailangan ko muna mapag isa. Alagaan nyo na lang si Christine. Gusto ko mag isip isip"

"Ngayon pa? Kung kailang kailangan ka ng fiancé mo? At kung kailangang malapit na ang kasal nyo??"

Tinalikuran lang ni Michael si Princess at naglakad palayo. Hindi din alam ng binata kung itutuloy pa niya ang kasal. Naisip nya ang mga sinabi sa kanya ni Reign sa bar. Bata pa sya at madami pang pwedeng mangyari sa buhay nya.

"Pakawalan mo ako! Kailangan ko habulin si Michael! Iniwan na nya ako.. Naririnig mo ba Mark?! Iniwan na nya kami ng anak ko!" Patuloy lang sa pag iyak si Christine at halos nagwawala na ito sa kanyang kama. Pinapalibutan na din ito ng mga nurse para pakalmahin sya.

Sa huli, may isang nurse na nagturok sa kanyang ng pang pakalma at pang patulog. Mabuti na ang ganon para makapagpahinga sya at makalimutan muna kahit saglit ang sitwasyon nya.

Agad namang nagkumpulan ang mga kasama ni Christine at nag usap. Sa mga sinabi ng dalaga, tila nagets na nila ang mga nangyayari. Hindi man eksakto ang kwento ngunit alam nilang wala na sila.

"Nakausap ko si Michael kanina at sinabi nyang mag iisip daw muna sya"

"Gago talaga ang lalaking yan. Kung hindi pa pala sya handa, sana hindi na muna niya pinagplanuhan ang kasal. Siguro naman maiintindihan iyon ni Christine dahil fresh graduates pa lang sila kaya dapat financial muna inisip nila" sambit ni Mark.

"Pinili lamang ni Michael na tuparin ang pangakong binitawan nito sa anak ko. Alam kong mahal niya ito ngunit masyado pa kasi silang bata para magpatali sa isa't isa. Hindi pa sila ganoong katanda sa mga ganitong bagay. Nagkamali din akong kunsintihin ang proposal noon ni Michael sa anak ko"

"Paano na yan? May anak na sila? Paano na din ang kasal? Baka maging suicidal si Christine at ayokong makitang nagkakaganon ang kaibigan ko, Tita. Habang binabantaya ko sya kagabi halos wala na nga sya sa katinuan papaano pa kaya ngayon?"

Tumahimik ng saglit ang ina ni Christine. Wari ng dalawa ay nag iisip ito kaya hinayaan lamang nila ito. Maya maya pa ay may kinuha ang ina sa bag nito. Nakita nilang may hawak na telepono ito.

Tumayo ito at nagsimulang mag dial sa telepono nya. Nakatingin ito sa bintana ng kwarto ni Christine. Pinagmamasdan lamang ito ng dalawa, marahil ay may kakausapin itong importanteng tao.

"Hello?"

"Pwede ka bang umuwi bukas? May problema dito at alam ko ikaw lang ang makakapagpaintindi sa kanya.. Oo tama.."

"Buntis ang anak mo. Kailangan ka niya. Ibibigay ko sa iyo ang address ng hospital. Oo sige.. Aantayin kita.."

Nagkatinginan si Princess at Mark. At bigla namang bumalik sa kinauupuan ang Ina ni Christine. May kaunting katahimikan bago nagsalitan ang ina.

"Uuwi ang ama ni Christine bukas"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 16, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Skater meets The Jerk (On Going Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon