“Sister tulala ka na naman dyan. Any problem?” winagayway pa ni Cess ang kamay nya sa tapat ng mukha ko para lang mawala ang pagkatulala ko.
“Wala. Naalala ko lang yung lalaking kasama ko kanina na puro pasa. Alam nyo ba tinreat ko pa mga sugat at pasa nya tapos iniwan na lang nya ako basta basta na hindi man lang nagsasabi nang THANK YOU or NICE MEETING YOU. Ni hindi ko nga alam pangalan nya e” Nanduduro kong sabi sa dalawang baklitang kasama ko ngayon na kasalukuyang nakikinig naman sa kwento ko.
“Sister sana kasi nung una pa lang tinanong mo na pangalan nya. Sinabi mo ba pangalan mo?” Pagpapaliwanag ni Rowell sa akin.
“Hindi ko maalala e. Parang hindi. Ang bilis kasi ng pangyayari.”
“Loka loka ka pala sister e. Di mo rin naman pala sinabi pangalan mo. Kwits lang kayo. Anyway, gwapo ba?” Excited na tanong sa akin ni Cess.
“Oo e. Kaya lang suplado at mukhang basagulero. Sa tingin mo san manggaling ang mga sugat at pasa nya kung di sya nakipag away diba?”
“OMG. Maton sister ang mga ganyan! Sana Makita mo ulit at ipakilala sa amin.” Tuwang tuwang sabi ni Rowell. Baklang bakla talaga ang isang ito. Bago ko pa naman naging kaibigan to ay tuwid pa ito pero pagdating ng 3rd year HS ay bumigay na ang bakla.
Nagyaya na akong umuwi dahil nagtext na din ang Driver sa akin na nasa parking na sya. Isasabay ko sana sila kaso may lakad pa ang dalawa kaya nagbeso beso na lang kami bago maghiwa hiwalay.
Pinagbuksan ako ni Manong ng kotse at sinuklian ko naman ito ng matamis na ngiti at gayon din sya. Nagumpisa ng umandar ang kotse at ako naman at nag soundtrip lang sa byahe. After 30 mins ay nakauwi na din kami sa bahay. Walang traffic kaya 30 mins lang kami.
“Thank you manong J Bukas ulit ng 7 ha? 8 po kasi ang pasok ko e”
“Sige hija. Mauna na ako pasabi na rin sa Mama mo ha?”
“Sige po manong ingat kayo” Sabay kaway sa kanya habang papaalis na si manong. Umakyat ako agad sa kwarto at nagpalit ng damit bago kumain ng merienda.
“Ma, kanina pa po ako nandito asan na po kayo?” Hiyaw ko mula sa kwarto ko hanggang sa baba.
“Nandito ako sa Garden anak. Halika dito at may papakilala pala akong bisita sayo” Hiyaw naman ni Mom mula sa baba patungo sa taas.
Dumungaw ako sa bintana dahil tanaw mula sa kwarto ko ang garden namin at nakita kong may kausap na babae ang nanay ko. Bumaba ako dali dali at dumiretso sa Garden.
“Anak halika rito. Si Tita Mel mo nga pala dati kong kaibigan noong College kami. Lumipat na kasi sila ng bahay dyan sa tapat natin” Nakaturo pa sa bahay nila si Mama.
“Nice meeting you po Tita Mel ako po si Christine pero pwede na din po ang Tin.” Masayang bati ko kay Tita Mel.
“Nako magkakasundo kayo ng anak ko. Pareho din kasi kayo ng pinapasukang school.”
“Ah talaga po ti---“ Naputol ang linya ko ng tinawag ni Tita Mel ang anak nya at hindi ako nakapaniwala sa nakita ko.
“IKAW?!” Sabay naming hiyaw sa sarili ng Makita ang isa’t isa.
“Oh magkakilala na pala kayo e. Mabuti yan at di na mahihirapan ang anak ko sa paglilibot sa school nyo.” Nakangiti pa ang nanay ko habang nakatingin kay Hambogs.
Inabot ni Hambog ang kamay nya sa akin at binanggit ang pangalan nya, “Michael” Hindi ko ito pinansin at nakatingin lang sa kanya ng masama.
“Sungit. Jerk naman” Bulong nya sa sarili pero narinig ko ito dahil malapit lang ako sa kanya.
BINABASA MO ANG
The Skater meets The Jerk (On Going Story)
Teen FictionWhat if the bad skater meets the brainy jerk who lives with the same village and same school? Magkakaroon ba sila ng isang magandang pagsasama oh hanggang alitan at asaran na lang tatakbo ang buhay nila sa isa't isa?