“Buuurp”
“Grabe ka naman sa pagdighay Rowell ha. Parang ring ng bell! Akalain mo nagtinginan lahat sayo” Pagbibirong sabi ko kay Rowell habnag pakagat pa lamang ako ng sandwhich.
“Ang sarap kasi ng food na inorder natin e. Parang gusto ko pa nga e”
“Daig mo pa ang buntis sa katakawan mo Rowell. May laman na ba yan?” Dagdag ni Cess na halos wala ng tunog ang kanyang pagtawa.
Dahil sa tawa ni Cess ay pati kami ni Rowell ay nahawa na din sa kanya. Sabay sabay kaming nagtatawanan ng malakas. Lahat ng mata ng mga tao sa caf ay sa amin nakatingin. Nababalot ng ingay naming tatlo ang loob ng caf.
Natigil ang tawa ko ng nag vibrate ang phone ko mula sa bulsa ko. Kinuha ko ito at tinignan kung sino ang nagtext.
From: Hambog
San ka?
Bakit kaya niya ako hinahanap? Pagtatakang sabi ng isip ko.
To: Hambog
Caf why?
Wala pang 1 minuto ay nag vibrate nanaman ang phone ko. Ang bilis niya talaga mag reply.
From: Hambog
Omw.
OMW?! Pupunta sya dito? Ano naman kayang kailangan nya. Wag ka muna mag over thinking Christine. Malay mo kakain lang sya or makikiupo. Tama! Wala na naman kasing bakante dito e baka makikiupo lang sya.
Hindi ko maiwasang sumulyap sulyap sa labas ng caf. Baka kasi mamaya nandyan na pala sya. Sa dami ng tao baka hindi nya ako Makita.
“Ang sabihin mo gusto mo lang talaga siya makasama” sabi ng munting boses sa aking isipan
HELL NO! NO WAY!
Maya maya pa ay narinig kong nag iritan ang lahat ng babae sa loob ng caf. Napatingin naman kami kung sino ang iniiritan nila. Baka naman ipis? HA HA HA.
Napansin kong may 6 na lalaking naglalakad papasok ng caf at 1 may isang babae rin silang kasama. Lahat sila ay may kanya kanyang dala ng deck at ang aangas ng dating nila. Parang nag slowmo ang caf dahil sa grand entrance nila.
Mas pumukaw sa aking paningin ang nasa pinakaunahan at nauuna sa kanila. Naka shades sya at naka cap. He’s freaking hot. He’s Michael Burgos.
Papalapit sila sa table namin na ikinagulat ng madaming nakasaksi. Madami nag bubulong bulungan na sipsip daw kami or kapit tuko kami.
EXCUSE ME?! Driver ko to. DRIVER!
Poging Driver :”)
Dahil 7 sila at 1 lang ang bakanteng upuan ay gumawa ng paraan si Dennis para magkaroon sila ng upuan.
Nagulat ako nang agawin nya sa mga nakaupo ang 2 table at 6 na upuan. Hindi rin naman nakaangil ang mga nakaupo dahil inangasan ni Dennis at Kuya 2 ang 5 na lalaki kaya agad silang napaalis.
“Ang sama nyo. Hindi nyo dapat ginawa sa kanila yun.” Hinampas ko pa si Dennis at nag poker face habang kinakausap sya.
“Aray! Sadista ka na ngayon ha! At tyaka paano kami uupo?! Sa dami ng taong ito duuh” Hawak hawak pa ni Dennis ang braso nya dahil namula ng bahagya ito pagkahampas ko.
“Nga pala hindi ko pa sila napapakilala sayo. Siya si Dennis, Ginno, Aaron, Kenneth, Anne at Joshua” Tinuturo pa nya isa isa ito nang hindi man lamang ngumingiti.
Habang binabanggit ni hambog ang mga pangalan nila ay nagkawayan sila sa amin ng mga kaibigan ko. Si Aaron at Kenneth ay may pag bow pang nalalaman sa harap namin. Grabe nakakatawa sila at ang saya nila kasama.
BINABASA MO ANG
The Skater meets The Jerk (On Going Story)
Novela JuvenilWhat if the bad skater meets the brainy jerk who lives with the same village and same school? Magkakaroon ba sila ng isang magandang pagsasama oh hanggang alitan at asaran na lang tatakbo ang buhay nila sa isa't isa?