Hinatid ako ni Micah gamit ang sasakyan niya. Sinabi ko kasi kay hambog na may pupuntahan pa ako kaya wag na niya ako antayin.
To: Hambog
Hey san ka?
Mabilis ang reply niya. Palagi ata hawak ang phone nitong hambog na to e.
From: Hambog
Parking why? Bilisan mo kaya! Uuwi na tayo ikaw na lang inaantay ko.
SHT I DIDN’T KNOW NA INAANTAY NIYA AKO. LAGOT NA! Paano pag sinabe ko na di ako sasabay? Sayang naman ang pag aantay niya.
To: Hambog
Ahm hindi kasi ako makakasabay. Biglaang kasing may pupuntahan ako may pinapautos sa akin bilhin para sa dadalhin ni Mom. Mapapaaga kasi alis ni Mommy kaya bukas na din agad dating ng yaya e.
Leche napa sinungaling pa ako ng wala sa oras. Nakakainis naman e ganto pala talaga kapag nagpapalusot basta basta na lang makalusot lang.
Maya maya pa ay nagreply na siya.
From: Hambog
Samahan na kita. Mukhang madami ka atang dala e.
To: Hambog
Wag na ano ka ba naman! Sige na ha bye.
Akala ko magrereply pa siya noon, buti na lang at hindi.
“Where do you live Christine?” Pago open niya ng topic ng mapansing kakaiba ang mukha ko dahil sa aking pag iisip.
“Ahh diyan lang sa may malapit na Roy’s Grocery. Ipapasok mo dun sa may village na yun” Pagpapaliwanag ko habang tinuturo ko pa ang direksyon.
After 10 mins ay na reach na namin ang bahay namin. Tumingin siya sa may bintana niya dahil tanaw niya ang bahay ni Michael. Napatingin ako sa kanya habang nakatitig siya sa bahay nito.
“Wala pa kotse niya no? Malamang mamaya pa ang uwi noon”
“I guess so. Maybe he’s playing computer games or with his skate friends on his shop”
Pansin na pansin ko sa mata niya na matamlay ang bawat linyang binaggit niya. Kasi naman e dapat pinapahalagahan ang Girlfriend kesa sa bisyo or laro.
“Btw, you say yes to our deal diba? Kailan mo pala sisimulan?” Binalik niya ang topic na napag usapan namin kanina. Grabe hindi ko kasi alam bakit YES ang lumabas sa bunganga ko. Sadyang mabait lang talaga siguro ako.
“Tomorrow?”
“Good. Sana mapagbago mo siya. Ikaw na lang ang pag asa ko”
Ngumiti na lang ako sa kanya. At naisip ko na “Sige, I’ll try my best what I can do”
Pagkababa ko ng kotse ay umalis na rin si Micah. Ang bait niya kaso desperada *Sorry for the word* bakit kasi ayaw gumawa ng paraan ni hambog kung talagang mahal niya si Micah. -___- I don’t get it!
Hinantay kong mawala sa paningin ko ang kotse ni Micah bago ako pumasok ng bahay. Wala si Mom pero may iniwan siyang note.
“Anak, nasa likod ang pintong bukas. Doon ka na lang pumasok besides tago naman yun kaya yun na lang ang iniwan kong bukas I’ll be home at 8 pm with foods”
Pumunta ako sa likod at tama si Mama na bukas nga ito. Sanay na naman ako na mag isa ako e basta bukas ang mga pinto at ang ilaw hehe.
Napansin ko ding walang tao sa bahay nina Tita Mel. Saradong sarado kasi e. Past 6 na, normally nagbubukas na sila ng ilaw.
BINABASA MO ANG
The Skater meets The Jerk (On Going Story)
Teen FictionWhat if the bad skater meets the brainy jerk who lives with the same village and same school? Magkakaroon ba sila ng isang magandang pagsasama oh hanggang alitan at asaran na lang tatakbo ang buhay nila sa isa't isa?