Chapter 53: New Friend?

96 2 0
                                    

3 months na ang nakalipas ng simula ng makaalis ng bansa si Michael. Well, up until now naman ay okay na okay ang communication namin. Madalas sya natawag sa akin kahit na magkaiba pa kami ng carrier o kaya naman ay magtetext or mag be-beep sya sa facebook.

"Hays! Mga bakla nakakailang tweet at message na ako sa kanya pero heto, ayaw pa din nya magreply. Pag ganito namang oras online sya e!" Napapapadyak na lang ako sa inis. Kagabi pa kasi to hindi nagpaparamdam e. Ano naman kaya problema nito?!

"Ano ka ba naman Tin. Malay mo may klase yung tao. O kaya naman may inaasikaso lang. Remember, wag makitid ang utak lalo na't magkalayo kayo. Sige ka baka makulitan lalo sayo yan at hindi ka na kausapin"

Natakot naman ako sa sinabi ni Cess. Nag message ulit ako sa kanya. Pero this time, yung kalmado na.

Michael Burgos
Babe, sorry ha kung ang kulit ko. Namimiss na kasi kita e. Mag beep ka lang ha kung hindi ka na busy. I love you mwaps

Inoff ko na ang phone ko at tsaka nag simulang mag aral. Well, kahit mag susummer na hindi ko pa din naman pinapabayaan ang pag aaral ko. Yun na nga lang halos inaatupag ko e.

"Are you guys busy?" Isang lalaki ang nagsalita habang nag aaral kami nina Cess.

Napataas naman ang ulo ko. Napansin ko na may magandang mukha pala to. Oh noes! Gwapo alert!

"Ahm.. Hindi naman. Why?" Sagot ko.

"May I share? Wala na kasi akong mahanap na hut e halos pinuno na ng mga estudyante"

Tumango naman kami. Okay lang yan. Halos 1/4 lang naman nasasakop namin sa hut na to e.

"Btw, I'm James. Thank you" he said at nagsimula na syang magbukas ng libro nya.

"Christine. At eto nga pala si Princess. Ahm transferee ka ba? Or ibang department?"

"Ah nope. Actually hindi ako napasok. Kakapasok ko lang this sem. E nanganganib na kasi grades ko e kaya eto kahit midterms na bukas, nagbabakasali na makahabol"

Huwat?! Ngayon lang sya pumasok?! Loko loko din tong isang to ha! Kaya pala ngayon ko lang nakita mukha nya.

"Ah. Ano ba course mo?" I asked at bigla nya sinara libro nya

"Industrial Engineering" he coldly said.

The fuck?! Ang hirap nong course namin tapos ang petics lang nya? Ulul ata tong isang to e.

"Oh pano.. Medyo nakakatamad mag aral e. Una na ako ha?" Tumango naman ako. Aba wala na akong magagawa sa kanya. Kung pwede ko lang sana sya hawaan ng katalinuhan ko, ginawa ko na.

"Ahm btw... Dl ka diba? Can you.. Ahm teach me later?" Pahabol nyang sabi.

"Ha?" I said. Ano trip nito? At paano naman nya nalaman na dl ako? Is he some kind of a stalker?

"Nakita ko kasi name mo sa board. Nagbabakasakali lang baka matulungan mo pa ako. I'll pay naman or kahit na ano pang exchange"

Dalhin mo ako sa America. I murmured.

"What?" He said.

"Ah wala.. Sige mamaya. Saan tayo magkikita?"

Hindi sya umimik instead he drop the card he's holding at nilagay sa lamesa. I guess calling card nya to. Pagkatapos noon ay umalis na sya.

The Skater meets The Jerk (On Going Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon