MICHAEL'S POV:
"You never told me about this one Dad. Ano to? Pinagplanuhan nyo na lang bigla without my presence? Ma, ano to! Ayoko umalis" I angrily said. Sino ba naman kasi hindi magagalit that their planning things for me without my approval.
"Anak, please. Stable na kasi ang kabuhayan namin sa US. Kami ng papa mo will migrate there pero ikaw, you'll just pursue your studies. Hindi ko naman sinabing mag stay ka here for good" explained by my mom pero still, hindi ako convinced. Gusto ko dito. Bukod sa maayos naman ang aral dito, madami ako maiiwan lalo na si Christine. Kung kailang kami na saka pa mangyayari to.
"Gaano katagal and kailan tayo aalis?" I coldly said.
"In 3 days aalis na tayo. I'm sorry anak but this is the best for you. I'm sorry din Christine if ngayon lang namin to nasabi sa inyo pero napagplanuhan na namin to matagal na. Matapos mo lang ang degree mo, you'll go home"
Nakita ko namang umiyak at humagulgol sa harap namin si Christine. Alam ko masakit para sa amin to. Another challenge nanaman sa relasyon namin. Wala namang imposible sa LDR kaso ang problema ko, paano kapag hindi niya ako naantay? What if magkaroon ng trust issues?
Iniwan kami nina Mama sa sala nila. Nandoon sila sa kusina kasama si Tita and they're talking about their trip in the US. Yes narinig ko, napromote si Dad doon and he will handle the company there kaya rin nila naisipan na doon tumira.
Lumapit ako sa tabi ni Tin, still crying. Hinug ko sya. Pero she never hug me back. Galit ba sya? Ang gusto ko lang is sulitin yung natitira naming araw together.
"Babe, I know mahirap tanggapin to. Akala ko din wala ng challenge na susunod e pero above all of them, ito ang pinaka mahirap para sa akin. Ayoko iwan ka ng ganyan ka. At higit sa lahat, kahit umalis ako, walang magbabago. Ikaw pa rin ang mamahalin ko. Mag aaral lang ako pero that doesn't mean that I will leave. No, I will be back... For you. For us." Hinalikan ko ang buhok nya habanh yakap yakap sya. Narinig kong pahina ng pahina ang iyak nya. I hope sa mga sinabi ko, mabuhayan sya ng loob.
"Bakit kasi kailangan mo pa umalis? Paano ako? Kung kailang tayo na saka pa mangyayari to. Babe naman e. Mahirap ang ldr at lalong mahirap kapag wala ka sa tabi ko" niyakap nya ako. Sobrang higpit ng yakap nyang yon. Grabe nararamdaman ko si junjun. Nasikip na ang pantalon ko. No! Kumalma ka. Nasa mode of drama kami. Wag daanin sa libog.
"Babe, 8 hours kami behind dito. Wag ka mag alala, araw araw kita imemessage. Itetext at tatawagan. Pagbubutihin ko din ang pag aaral ko para madali ako makagraduate. Basta ipromise natin na walang mang iiwan at magsasawa. Kakapit tayo okay? Mahal na mahal kita"
Tumango sya. At patuloy na niyayakap ako. Inaya ko sya lumabas. Pinagpaalam ko siya at sinabi ko that we will spend our time together. Nag nod naman si Tita.
MARK'S POV:
From: Cess
Thank you. I really had a great time. Btw, nasa resthouse ka pa ba? Ingat ka ha :*
Nabasa ko ang text na iyon ni Cess after ko siya ihatid sa kanila. Napangiti naman ako habang nagmamaneho. Hindi ko din kasi makalimutan yung pinag usapan namin kanina.
Flashback 2 hours ago...
"Mark, alam mo ang sarap tignan na magkakasundo lahat ng tao dito. Akalain mo yon, natauhan na sa kahibangan nya si Micah" makulit na sabi ni Cess. Tawa ito ng tawa. Madami na rin kasi itong nainom.
"Oo nga e. Nagkasundo na din kami ni Cross. Pinapabalik na nga niya ko sa frat e kaso parang ayoko na din. Masaya na ako sa buhay ko, studies lang kumbaga" i said habang kinukuha yung iniinom nya. Napansin ko kasing natatapon na ito sa suot nyang bikini. May pool dito sa rest house ni Michael.
"Wala ka ba balak mag girlfriend? Alam mo napagtanong ko kung may niligawan ka na, sabi nila wala daw and pihikan ka daw. Don't tell me umaasa ka pa rin sa kaibigan ko, Mark ha"
Nagulat naman ako sa sinabi nya. Pinagtanungan nya talaga yun? Ganoon ba sya kainteresado sa akin at kailangan pa nya ipagtanungan ang ganong bagay?
"Hindi na ako umaasa. Tapos na yun, natanggap ko na talaga na hindi kami para sa isa't isa. Tyaka... Saka na muna yon" ngumiti ako. Nakita ko naman na namumula sya. Ano meron sa babaeng to? Ganito ba to malasing?
"Paano kung sabihin kong gusto kita Mark Escoto? Magugustuhan mo rin ba ako?
Okay cut the flash back! Nadatnan ko sina Michael at Christine sa resthouse. Yep bumalik ako, binilin kasi sa akin na bantayan ko muna habang di pa sila bumabalik.
"Oh pre, ano nangyari kay Tin? Namumula mga mata mo pati ilong mo. Umiyak ba yan?"
"May napag usapan lang kami. Sige pre salamat sa pagbabantay ha?"
Nag nod ako. Pinagmasdan ko munang makapasok sila sa loob bago ako umalis. Naalala ko naman yung tinext ni Cess sa akin.. Minabuti kong replayan ito.
To: Cess
I like you too. Good night :-)
BINABASA MO ANG
The Skater meets The Jerk (On Going Story)
Teen FictionWhat if the bad skater meets the brainy jerk who lives with the same village and same school? Magkakaroon ba sila ng isang magandang pagsasama oh hanggang alitan at asaran na lang tatakbo ang buhay nila sa isa't isa?