Chapter 9

181 4 0
                                    

Pasensya na kung nainip kayo sa UD ko. Pre lims week kasi kaya kailangan ko mag aral then sinabayan pa ng lagnat -___- Anyway thank you sa 114 reads. Malaking bagay na yon para sa akin. Kung sa tingin ng iba ay kakaunti pa lang, para sa akin ay sobrang nakakataba ng puso yon at sinusuportahan ang storya ko. Kayo ang dahilan bakit nag uupdate ako ng story na to at balak ko pang pagandahin para hindi naaaksaya ang mga pag aantay at suporta nyo. Hope you’d like this one. Happy reading mga ka TSMTJ!

Chapter 9:

Ramdam ko ang sikat ng araw na tumatama sa aking mukha. Shocks umaga na naman at may klase pa ako. Masyado ko pinuyat ang sarili ko sa mga nangyari kagabi. Maganda at masaya na hindi ko makakalimutan bago umalis ang aking Ina kaninang alas tres ng umaga.

“Christine aalis na ang mama. Wag ka na sumama sa airport at baka magkaiyakan lang tayo, maudlot pa ang pag alis ko”

“Ma halos 1 month ka mawawala. Syempre sasama ako at susulitin ang mga huling sandali kasama ka”

Niyakap ako ng mahigpit ni Ina at ramdam kong tumulo ang luha nya sa kamay ko na mahigpit din ang pagkakayakap sa kanya. Gaya niya ay napaluha na din ako dahil 1 buwan kong hindi makakasama ang Ina ko.

Ito ang unang beses na niyakap ako ng Ina ko na mahigpit na mahigpit. Ngayon lang din siya naging emotional sa harap ko. Nakakagaan sa pakiramdam na makitang mahal na mahal talaga ako ng nanay ko pero nakakalungkot na kailangan niya muna ako iwanan.

Nag wave ako sa kanya habang nakasakay siya sa van nina Tita Mel. Naiwan ako mag isa sa gate habang pinagmamasdan ang kotse nilang mawala sa paningin ko. Sa sandaling iyon ay tumulo nanaman ang luha ko at humagulgol na parang bata.

-

Nakabihis at nag ayos na ako ng aking sarili. Ganoon pa din ang style ng buhok ko. Naka Skirt ako na bagong bago sa paningin ng bawat makakakita dahil ngayon lamang ako nag suot ng ganito.

Paglabas ko ng gate ay bumungad agad sa akin ang lalaking nakasandal sa kotse at hawak ang cellphone niya. Kilala ko na ang lalaking ito. Kilalang kilala.

“Wow aga mo ata ah. Himala at hindi na ako ang pinag aantay mo” nakangiti pa ako habang lumalapit sa kanya.

Hindi siya sumagot at sa halip ay kinuha niya ang gamit ko at pinagbuksan niya ako ng pinto. Nagulat ako sa ginawa niya. Hindi naman kasi kasama sa kasunduan namin na pagsilbihan niya ako. Maliwanag na maliwanag na tungkol lamang sa bisyo niya ang babaguhin naming dalawa sa kanya.

“Arte mo. Pasok na! nag aantay ka pa ata ng pasko diyan e” Nakakunot ang noo niya at inaantay na makapasok ako sa kotse.

“Sandali lang pwede? Atat lang atat?!” Pumasok na ako sa kotse at sinarhan niya ito. Nilagay niya ang gamit ko sa likuran kasama ng sa kanya.

Bago siya mag start ng engine ay nagsalita siya. “jerk, sabi ng nanay mo sa akin na alagaan daw kita while she’s out of the country. Imake sure ko daw na you are always safe at ako lang ang dapat mong kasama. So I’m doing my duties now kaya wag ka na magtataka okay?”

“Wait. What?! Pinagkatiwala ako ni Mom sayo? So don’t tell me you’ll sleep also in our house?” Masungit kong tanong sa kanya na ikina bugtong hininga niya.

“No. Sa school lang. Over ka naman gusto mo na yata maging asawa ko e”

Hindi ako nakaimik sa sinabi niya. For god heaven’s sake hindi ko kalian man nanaising maging asawa siya. NO NEVER!

Tahimik kami sa byahe. Wala ni isang umiimik sa amin. Kapag may tumunog na pang sinaunang kanta sa radio ay pareho kaming nagpipigil ng tawa.

After he parked the car ay inabot niya ang mga gamit ko at binuksan ang pintuan ko. Iiwanan ko na dapat siya pagkababa ko ng biglang hinawakan niya ang kamay ko.

The Skater meets The Jerk (On Going Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon