Chapter 12

207 3 0
                                    

Chapter 12:

Habang kumakain kami ay ni isa sa aming apat ay walang balak umimik. Tanging plato at kubyertos lamang ang maingay. Kahit si Michael ay napatikom din ang bibig.

“Rowell, Cess bakit pala kayo nag sleep over dito? Di man lang kayo nag sabi” paninimula ko ng usapan to break the silence.

“Sister surprise nga naming dalawa to sayo e pero parang kami yata ang nasurprise” sagot ni bading na nakatingin pa kay Michael.

Tumayo na si Michael. Ubos na nya ang pagkain nya. Nagpaalam na siya sa akin na uuwi na sya dahil baka hinahanap na sya ni Tita. Nagpaalam din sya sa mga kaibigan ko. Lahat ng mata namin ay nakatingin sa kanya hanggang sa lisanin na nya ang pintuan.

“Oy sister magkwento ka! Magkwento ka!” panimula ni ng Cess sa usapan tungkol sa nakita nila kanina.

Kiniwento ko sa kanila magmula noong una hanggang sa ngayong pangyayari. Kahit yung kay Mark at kay Micah ay nasama ko na din sa aking kwento para malinaw sa kanila ang pinagdadaanan ko at matulungan nila ako.

“Mali ang pinasok mo sister. Tinutulungan mo si Micah diba? Pero hinahayaan mo na mahulog sayo si Michael. Pero teka sino ba kay Mark at Michael ang gusto mo? Nalilito kami sister” nakahawak pa sa ulo nya si bakleng na umaarteng sumasakit ang ulo dahil sa sitwasyon ko.

“Alam ko na kahit ibigay ko ang puso kokay Mark ay aalagaan nya ito kasi ngayon pa nga lang pinapakita at pinaparamdam na nya sa akin yun e”

“Mali ang ginagawa mo Tin. Ano ang mga eksenang nadatnan namin kanina? Magpakatotoo ka. Kung nagugustuhan mo na din si Michael, sabihin mo na agad kay Micah kesa naman umasa si girl na maibabalik mo sa kanya si Michael e eto’t ikaw na pala ang gusto” pagpapaliwanag sa akin ni Cess na siyang nagpalito sa akin.

Habang nag momovie watching ang mga kaibigan ko ay heto ako nag iisip pa din kung ano nga ba ang dapat kong gawin? Pigilan ang nararamdaman ko oh sabihin ang katotohanan kay Michael at kay Micah? Hay ewan bahala na.

Nagvibrate ang phone ko. Baka sakaling si Michael ang nagtext kaya dali dali ko kinuha ang phone ko at binuksan ang message.

From: Mark

Sup? Gising ka pa?

Na disappoint ako na hindi siya ang nagtext pero I’m glad na naaalala ako ni Mark kahit past 10 na.

To: Mark

Gising na gising pa Mark. Bakit hindi ka pa natutulog?

Hindi siguro nakuntento si Mark na sa text lang kami mag usap. Tinawagan niya ako. Napatingin ang mga kaibigan ko sa akin akala siguro ay si Michael ang kausap ko. Pumunta ako sa kusina para hindi maki echoso sa usapan namin ang mga kaibigan ko.

“Hello Mark bakit napatawag ka?”

“Naaah. Just wanted to hear your voice again”

“Kota ka na nga sa boses at tawa ko kanina e. Di kaba nagsasawa?”

I heard him laugh. Nakakatawa ang tawa niya kaya napatawa na din ako ng malakas. Mahigit isang oras na din kaming magkausap ni Mark sa phone at hanggang ngayon ay napapatawa nya pa din ako kahit mag aalas dose na.

“Hoy te kota na kayo dyan ni Mark ha. Tara na’t matulog baka magalit jowaers mo dyan” narinig ko pati ni Mark ang malakas na sigaw ni Cess sa akin.

“Jowaers? Ano yun?”

“Nako wag mong intindihin si Cess wala lang magawa sa buhay yan. Osya Mark matutulog na kami ha? Good night”

The Skater meets The Jerk (On Going Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon