Habang nag didiscuss ang prof namin ay nagulat ako nang may bumato ng papel sa ulo ko. Hindi ko pinansin noong una pero naulit eto ng dalawang beses pa.
“Hoy ano ba sino ba bumabato sa ulo ko?!” Sabay lingon sa likod ko. Nakita kong tumatawa si hambog at ang mga barkada nya. Pinulot ko ang mga papel na binato nila sa akin at pinaghahagis koi to sa kanya.
“Bwiset ka! Kung wala kang magawa, wag ako ang pagtripan mo!” galit na galit kong pagkakasabi sa kanya.
Walang tigil pa din sa pagtawa ang mokong at ang mga kaibigan nya. Maya maya pa ay may bumato ng papel sa likod ng Prof namin. Nagulat ako pati ang professor namin.
“Who did that?!”
Walang umiimik sa klase at lahat ay nagpipigil ng kanilang tawa lalo na ang mga mokong na nasa likod.
“I said who did that?!” Galit nag alit na si Prof pero hindi pa din naimin sina Hambog. Tahimik ang klase at maya maya ay lahat sila nakaturo sa akin maliban sa mga kaibigan ko.
Nagulat ako sa ginawa nilang lahat. Wala naman akong ginagawa e pahamak talaga ang mokong na to.
“Ms. Toledo, how could you do that to your Professor. This is a university. Act like meron kang pinag aralan! Sayang ang tuition at pagiging salutatorian mo!” ramdam kong galit nag alit si Prof sa akin dahil na sa reaksyon nya at sa mga sinabi nya.
“I’m sorry Ma-“
Naputol ang sinabi ko nang biglang tinuro ni Prof ang pintuan na naghuhudyat na lumabas ako.
“Get out!”
“Ye’s Ma’am” nakayuko ako nang lumabas. Pinipigilan ako ng mga kaibigan ko pero baka mamaya ay lalo pa magalit si Ma’am. Nakita kong tumatawa sa akin si hambog at ang mga kaibigan nya.
Pagkalabas ko ay nagtungo ako sa library para mag aral na lang mag isa. May enough notes naman ako kanina bago ako palabasin ng Prof ko.
Inis na inis ako sa kanya! Wala naman ako ginagawa e pwera lang sa katangahan ko kaninang umaga pero enough ba yun para pahiyain nya ako sa klase at ibintang sa akin ang ginawa nya?! I swear lahat ng magkakagusto sa kanya ay mali nang iniisip. Gwapo nga masama naman ang ugali.
Habang nagbabasa ako at nag gagawa nang sarili kong exercises sa notebook ko ay napansin ko ang isang lalaking malapit sa table ko. Mukhang nakita ko na sya pero hindi ako sigurado dahil half of his face lang ang nakikita ko. Para mas lalo ko sya Makita ay nilapitan koi to nang kaunti at yumuko. Sakto naman ay napatingin sya kaya umakma ako na kunwari ay may pinulot lang ako.
Nakita ko ang itsura nya at tama ang hinala ko na nakita ko na sya….. kahapon. Sya yung lalaking kasama ko sa caf na suplado.
Nilapitan ko sya at umupo sa tabi nya. Hindi sya kumibo. Sinubukan ko syang imikan at kamustahin.
“Hi kuya, Christine nga pala. Remember me? Ako yung kasama mo sa caf kahapon. Kamusta na pala mga pasa at sugat mo? San ba nanggaling yan?”
Nag intay ako nang response nya and di ko inaasahan na sasagot sya. “So you’re stalking me?”
Nagulat ako at gustong sampalin ang lalaki sa side ko. Pagkatapos ng good deeds ko ganyan pa ang isasagot nya sa akin?!
“No, nakita lang kita dito and I just want to know if you’re okay na” pagpapaliwanag ko sa kanya.
“Well Im okay, good and great. Is it okay now?” Pagsusungit nyang sagot sa akin.
Dahil sa sobrang inis ko sa mga sagot nya at wala rin akong mood kanina pa ay nasagot ko sya nang hindi maganda. “Ikaw na nga ang pinapakitaan ng maganda ikaw pa ang may ganang magalit. Ako na nga tong concerned kahit di pa kita kilala ikaw pa ang masungit. May mga problema talaga mga ugali ng lalaki dito. Hindi maganda”
BINABASA MO ANG
The Skater meets The Jerk (On Going Story)
Fiksi RemajaWhat if the bad skater meets the brainy jerk who lives with the same village and same school? Magkakaroon ba sila ng isang magandang pagsasama oh hanggang alitan at asaran na lang tatakbo ang buhay nila sa isa't isa?