Pasensya na sa mala brutal kong update. Gusto ko kasi ng action djk. Enjoy –MBD013
Chapter 30
“Nasan na kaya si Michael. Hindi pa sya natawag sa akin ah arghhh ni kotse nya wala” para akong praning ditong nagsasalita mag isa habang nag aabang sa terrace ko.
Late 11 pm na kasi at ni isang text o tawag ay hindi nya nagawa. Kahit ang magpaalam kung saan sya pupunta ay di nya nasabi.
May nangyari kaya dun?
Erase.
Erase.
Erase.
“Ano ba Christine. Nagbago na si Michael kaya hindi na nya gagawin pang makipag away. Magtiwala ka!”
Hindi pa din ako natinag sa pag antay sa kanya. May kaba akong nararamdaman na ngayon ko lamang sa buhay ko talagang naranasan.
Tumingin ako sa bahay nila. Saradong sarado na ang bahay nila at ni ilaw ay walang nakabukas. Maaga ata natulog.
“Christine, anak, matulog ka na at may pasok ka pa bukas” hiyaw ng aking Ina. Napansin kasi nitong bukas na bukas ang terrace, ako lang naman ang kalimitang nagamit nito kaya’t alam na alam nyang ako iyon.
“Opo Ina, good night po”
Matapos ko iyong sabihin ay sinarhan ko na ang pinto ng terrace. Inayos ang aking kurtina at binata at saka humiga sa kama.
Sa totoo lang, kahit anong aga pa ng pasok ay hindi ko iniisip iyon. Wala pa akong balak matulog dahil kahit anong gawin ko ay hindi ako inaantok.
Siya pa rin ang iniisip ko.
-
“Ina, I’m going to school na. Aantayin ko lang si Michael sa labas.” Hiyaw ko habang papatayo ng dining table punong puno ang bibig.
Ang totoo kasi nyan ay excited talaga akong pumasok dahil alam kong kasabay ko ang lovidavs ko. Halos ala una na kasi ako nakatulog kagabi. Gaya ng dati, kahit anong pag aantay ko, nakakatulog pa din ako.
“Nak, ako na maghahatid sayo. Nagtext kasi si Tita Mel mo na- ano.. nasa vacation sila ng family nya. No gadgets allowed”
Ano?! Vacation? Bakit parang walang nasabing ganyan sa akin si Michael kagabi? Ayoko namang pag isipan si Ina na sinungaling dahil buong buhay ko never syang nagtago sa akin.
“Ano? Saan daw? Paano schooling niya?” pasigaw kong tanong dala ng sobrang pagkagulat at pagtataka.
“Out of the country nak. Naka leave syang 1 week. Wag ka mag alala babalik naman sila”
Hindi ko alam kung paranoid ako or what pero napapansin ko kasing kakaiba ang kilos ng aking Ina. Pinagpapawisan ito at pangiti ngiti pa.
“Let’s go?” my mom insisted.
Ganito nanaman. Mawawala nanaman sya ng matagal. 10 hours pa nga lang na wala sya, nangungulila na ako e. At nabanggit pa ni Ina na NO GADGETS ALLOWED. Ano bukid lang ang punta?!
.
.
.
.
Nakasimangot, nakayuko at nakabusangot. Bukod sa wala si M ko, ang boring pa ng subject. Pinag uusapan ba naman ang ecosystem?! Nyeta hindi ho kami nag biology. Engineer po!
Mapapansin din sa palibot ng aming classroom ang iba’t ibang itsura ng mga kaklase ko. may mga brainy dyan na eto todo pasikat kunwari nakikinig, e alam naman nilang walang kinalaman to sa pagiging engineer nila.
Sina Cess at Rowell naman parehong tulog. Gayon din ang ka row kong si Kevin na tulo pa ata laway. Parang si M ko lang. Ayan! Naalala ko nanaman si M!
Ang iba naman, ayun parang walang teacher sa unahan nag lalandian at harutan! Kulang na lang ata mag halikan at mag sex e!! dyusko, katoliko ka ba iha?
Bitter.
ALERT
KRIIING KRIING!!
“Okay class dismiss”
HAY SALAMAT! Natapos din ang Biology class namin. Este English pala. -__-
“Sis where tayo eat? Labas naman tayo ng campus! Mag mcdo tayo puro na lang walang kamatayang sandwhich ang kinakain natin e” pag aaya ni Cess habang naglalakad kami sa hallway.
“Sige. Kailangan ko din ng pampa good vibes na pagkain e” pag sang ayon ko naman at nakita kong ngumiti ng malaki si Cess at Bakla.
Hindi ko maintindihan pero hatak hatak nila ako at nagtatatakbo sila. Ang ending nakahiga ako sa floor. Djk. Ayun natitilapid at malapit na akong madapa. Di naman sila excited ano?
“Umorder ka na bakla dali. Libre ko ‘to” malambing na sabi ni Cess kay Rowell nang makapasok kami sa Mcdo. Hindi ito nakatingin kay Rowell bagkus ay sa lalaking nakaitim na iyon sa may counter.
Humanap ako ng mauupuan. At sa dami ng tao, imposible atang makahanap kami. Eto, para akong tangang nag aantay sa mga matatapos kumain. Isa sa side ko at isa naman sa harap ko. Bongga!
Halos limang minuto na ang nakakalipas ng may grupo ng kalalakihan ang pumasok sa main door. Sila ay nakasuot ng itim na may kanya kanyang dalang deck. Ngunit ang naka pukaw sa aking paningin ay ang lalaking nag iisang nakaputi, desenteng ayos at walang halos pintura sa mukha. Si Cross.
Gaya ng nangyari sa cafeteria ay parang naglaho na parang bula ang mga customers gayon din ang mga nakapila sa counter. Aakma na din sana kaming umalis nina Cess ng biglang I offer nya sa akin ang isang table upang doon maupo at kumain.
Hindi ko ito pinapansin at sa halip lalo pa akong nakumbinsi na umalis sa lugar na ito. Remember what M said.
Ngunit, dahil mahilig sa gwapo ang dalawa kong kaibigan, hindi nila ako pinakinggan at umupo sa table na iyon. No choice! Edi uupo na din ako.
“Christine! Ikaw ha sinasamantala mo ang pagkakabusy ni Michael. May pumoporma na naman sayo” pabulong na sabi ni Rowell sa akin. Malapit lang kasi ang table nina Cross sa amin.
“Kahit kalian hindi ko magugustuhan ang Cross na yan. Kaya kung bet nyo sya, inyo na lang!” pagsusungit ko namang sagot sabay irap sa nakatinging Cross.
“What’s with the new look? Hindi ba’t bad boy sya? Bakit naging angel? Nako iba na ang nafefeel ko dito. Pero in fairness aminin nyo MAS GWAPO sya ngayon” muling pabulong na sabi ng bakla habang kinikilig pa ito ng sabihin iyon.
Aaminin ko na mas bagay sa kanya ang ganitong itsura. Hindi ko man alam ang tungkol sa Frat nila, alam ko na kung sino man ang makakakita sa kanya at talagang maninibago rito. Lalo na’t tanyag na maninira at mamamatay tao pa ito.
“Ako ba pinag uusapan nyo? Kanina ko pa kasi nahahalata na bulong kayo ng bulong” biglang singit ni Cross sa matindi namang pag bubulungan. Jusko anong klaseng tenga ba meron ka?!
“Pake mo?!”
“Huy Christine! Ano ka ba. Be friendly!” pagsita sa akin ni Rowell ng tarayan ko at irapan si Cross.
“Ano ba problema mo sa akin? Ang cold mo ha. Ano ba nagawa ko sayo?”
“Wala ka na dun. Lumayas ka nga sa harap ko!”
Matapos ko sabihin iyon ay lahat ng kaibigan nya, staff at mga kaibigan ko ay napatingin sa akin. OMG! Katapusan ko na ‘to. Hindi ko po sinasadya!!
Hinawakan nya ng mahigpit ang braso ko. matatalim ang titig nya sa akin. Pinipigilan sya ng mga kaibigan nito ngunit wala rin silang nagawa.
“Ano ba nasasaktan ako!”
“Pasalamat ka babae ka. Wag kang mag matapang. Hindi mo pa ako lubos na kilala”
Binitawan niya ang braso ko. Bakat na bakat ang kuko at palad nya sa palibot nito. Namumula na akala mo’y namamaga.
Tuluyan na din itong umalis kasama ang kaibigan nya. Hindi ito nalingon sa akin at padabog pa ang yabag. Nakakatakot.
“Patay na”
BINABASA MO ANG
The Skater meets The Jerk (On Going Story)
JugendliteraturWhat if the bad skater meets the brainy jerk who lives with the same village and same school? Magkakaroon ba sila ng isang magandang pagsasama oh hanggang alitan at asaran na lang tatakbo ang buhay nila sa isa't isa?