Weeeps! Kung napansin nyo bago na yung cover ng TSMTJ. Mas maganda kung attractive diba? And guys, the story will end soon. Kapit lang! Pa-thrill muna. –MBD013
Chapter 39
Umalis ako sa Tagaytay Picnic Grove nang mag isa. Baguhan lang ako sa lugar na ito at wala pa akong kaalam alam sa direksyon, pero hindi ko inisip ang maligaw. Tanging inisip ko ay makaalis sa lugar na iyon at makauwi.
Tila wala ako sa wisyo at patuloy ang paglalakad ko. Tulala din ako sa daan na parang isang babaeng walang patutunguhan. Ewan ko ba pero sobrang lutang na lutang ako pagkatapos ng mga nangyari.
At dahil sa hindi ako aware sa nangyayari sa paligid ko, sa kalagitnaan ng aking paglalakad ay muntikan na akong mabangga ng isang sasakyan habang sinusubukan ko tumawid. (Tanga ko naman talaga o)
“Hoy! Magpapakamatay ka ba?! Wag ka mangdamay!” galit na sambit ng driver ng sasakyan sa akin. Che paknot!
Agad ako tumabi at naghanap ng mauupuan. Sa malapit sa mismong tawiran ay nakakita ako ng waiting shed at doon naupo. My life is ruined. It sucks!
“What are you doing here? Delikado rito and you don’t know this place” Isang pamilyar na boses ng lalaki ang aking narinig sa gitna ng pagmumuni ko.
Hindi ko ito pinansin. Kilala ko tong gagong to. Amoy na amoy pa lang alam na alam ko na kung sino ‘to.
“Wala ako panahon makipagtalo. Kaya pwede ba? Iwan mo na lang muna ako” mahinhin ngunit punong puno ng lungkot ang boses kong iyon.
Nagbuntong hininga siya at tumabi sa akin. Hindi ko ito pinapansin sa halip ay yumuko na lamang ako habang nilalaro ang aking paa.
“Pasensya ka na kanina ha? Hindi ko naman sinasadyang masaktan kita sa mga nasabi ko. Concern lang ako sayo pati na rin ang mga kaibigan mo. Hindi siya ang nararapat na lalaki sayo lalo na sa pinakita nyang ugali kanina”
“Mark tanggap ko lahat ng sinabi nyo. Marahil ay nasaktan lang ako sa katotohanan kaya’t ganon na lamang ang reaksyon ko. Pasensya na kayo sobrang nasasaktan na kasi talaga ako sa mga pangyayari”
Nilapit nya ang ulo ko at dinikit sa kanyang dibdib. Sa ginawa niyang iyon ay umagos na din ang luha ko. Sa kanya ko lang nakukuha lahat ng comfort na nais ko ngayon. Maaasahan sya sa tuwing may problema ako. Gusto kitang mahalin Mark pero sobrang hirap para sa akin iyon.
Sa kalagitnaan ng aking pagmumuni muni sa dibdib ni Mark ay naramdaman ko ang patak ng tubig na dumampi sa aking balikat. Umaambon na at tila sumasabay ang ulan sa aking pag dadrama ngayon.
“Umaambon na Mark. Umalis na kaya tayo?”
Ngunit hindi yata ako narinig ng kausap ko. Pinipilit ko mag pumiglas sa yakap niya ngunit sobrang higpit nito at hindi ako hinahayaan makaalis. Shet! Lumalakas na ang ulan.
“Mark… kung gusto mo magkasakit, wag mo na ako idamay. Malakas na ang ulan hehe” muli kong panunuyo sa kanya.
Hindi pa rin ito gumagalaw. Tinignan ko ang mukha nito at napansin kong nakapikit sya habang nakangiti. Ano to tanga?
“Huy!!! Halika na!!! Bumalik na tayo. Mapapagalitan ako ni Ina pag nagkasakit ako e. Nako hindi na ko pasasamahin nun sa inyo. Gusto mo ba---“
Tinakpan nya ang bibig ko at sinabing “Shhhh.. Pakiramdaman mo na lang ang bawat tulo ng ulan. Alam mo sabi ng tatay ko noong bata pa ako, sa tuwing uulan, ipikit ko raw ang mga mata ko. Think of a happy thoughts kumbaga at hindi mo na halos mararamdaman na nababasa ka na pala kundi ay ang tanging focus mo na lang ay ang iniisip mo”
Hindi ko alam pero sinubukan ko ang sinabi niya. Ipinikit ko ang aking mga mata at inisip lahat ng magagandang bagay na nangyari sa aking buhay. Dahil rito ay napapangiti ako sa aking naiisip. Hindi lang dahil sa napapagaan nito ang loob ko, kundi may iba pa palang bagay na dapat ay ating pinapahalagahan.
BINABASA MO ANG
The Skater meets The Jerk (On Going Story)
Teen FictionWhat if the bad skater meets the brainy jerk who lives with the same village and same school? Magkakaroon ba sila ng isang magandang pagsasama oh hanggang alitan at asaran na lang tatakbo ang buhay nila sa isa't isa?