HAPPY ENGINEERING WEEK! LET’S GO COMPUTER ENGINEERS! –MBD013
Chapter 33
“Inaanyayahan ko lahat na pumila ang mga Engineering Students sa may tapat ng building ng SBMA. Paki-ayos lamang po ang pila ninyo by course starting with IE, COE, EE, ECE, ME, CE at CHEMENG” sigaw ng President ng Student Council namin na si Gelo Martinez.
Sobrang init at bilad na bilad kami sa araw. Karamihan sa amin ay nakapayong at maya’t maya pinupunasan ang tumatagaktak nilang pawis. Kaiinis. Hindi ko alam kung mage enjoy ba ako sa ganitong klaseng panahon.
“Kailan ba matatapos ‘to? Akala ko ba Masaya ‘to? E parang pinaparusahan pa ata tayo e. Biruin mo halos mag iisang oras na tayong nag aantay kanina tapos ngayon lang tayo papapilahin!” sigurado ako kilala nyo na kung sino may sabi nang linyang yan. Prangka ‘no? Ganyan talaga si Cess. Di lang basta prangka, demanding pa.
“Magtiis ka na lang kaya dyan. Mamaya naman nasa hall na tayo e kaya makakalasap na tayo ng Aircon!” paninita ko sa kanya dahil kanina pa sya pinag titinginan ng mga ka course ko.
Pasaway din kasi ang mga kaibigan kong ‘to. Imbis na pipila sila sa kanilang course, ayun sumama sa akin. OP daw kasi sila dahil wala pa silang gaanong kakilala sa course nila.
Ayon. Nag umpisa nang magparade ang iba’t ibang courses ng engineering. WOO GRABE ANG SAYA SOBRANG ENTERTAINING TALAGA! LAKAS NG THRILL GRABE.
Sa kahabaan ng iniikot namin ay napansin kong pati pala ang SF fraternity ay kasama din sa parade. Pero kapansin pansin na wala sa kanilang grupo si Cross. Nyare?
Nag umpisa na ang programa pero eto kami ngayon nakanganga at sobrang bored na bored sa pangyayari. Pili lang naman kasi ang nabigyan ng pagkakataong makapaglaro at ang ending namin, taga cheer.
Pero tila ako lang yata ang nabobored. Sina Cess kasi ay panay hiyaw sa kani kanilang course na patuloy na naglalaban sa isa’t isa.
“Engineering Week nyo pero nakabusangot ka dyan” sulpot na boses ng isang lalaking malapit sa akin. Sheez.. palagi na lang magsasalita agad agad ang isang ‘to e.
“E sa ano gagawin ko? Tularan yang sina Cess na parang tangang nahiyaw. Di na ‘no”
“E ano gusto mo? Mabored? Buti nga sila e nagkakaroon ng pagkakataong sumaya. Ikaw? Hindi naman dahil may pinagdadaanan ka e di mo na hahayaan ang sarili mong ngumiti kahit paminsan minsan”
Whoa there. Mute! Those words hit me. Tama si Mark. Kinokontra ko lang talaga yung kasiyahan ko. ang totoo kasi nyan, puro si M na ang nasa utak ko. Gusto ko na ulit kasi sya alagaan para sa mismong pagmulat ng mga mata nya, ako una nyang makikita.
“Hindi ko alam. Naiisip ko pa din kasi lahat ng mga bagay na dumadaan na pagsubok sa buhay ko e. Parang kasi pag lalong natagal, natatabunan nanaman ng panibago. Hindi pa nga nalulutas yung iba, may panibago nanaman”
“Hindi ka lang kasi sanay Christine. Hindi mawawala sa buhay ng tao ang mga pagsubok na kakaharapin mo sa buhay. Natyempuhan mo lang kasi na mabigat kaagad yung pinapasan mo. Hindi mo lang siguro sya manhandle kaya ayun, nahihirapan ka. Pero alam mo madami naman kaming nandito palagi para sayo e. kalian ka ba namin iniwan sa ere?”
Natahimik ako sa puntong iyon. Lumalalim na lahat ng mga sinasabi nya. Habang palalim ng palalim, lalong tumatagos sa akin yung mga salita nya. Sobrang natatamaan ako sa mga sinasabi nya.
“Tandaan mo, nandito lang ako parati para sayo. Hindi ko naman hahayaang may manakit sayo. What are friends are for diba?”
“Sobrang swerte ko talaga na may nakilala akong Mark Escoto. Thank you ha?”
BINABASA MO ANG
The Skater meets The Jerk (On Going Story)
Teen FictionWhat if the bad skater meets the brainy jerk who lives with the same village and same school? Magkakaroon ba sila ng isang magandang pagsasama oh hanggang alitan at asaran na lang tatakbo ang buhay nila sa isa't isa?