Chapter 61

106 3 2
                                    

Almost.. Malapit na talaga!

Pagka uwing pagka uwi namin ay computer agad ang hinarap. I got so excited about the wedding kaya I think that I should see some suggetions on Google on in any sites that will help me for my invitations. At dahil July ngayon which is July 2, sinabi ko na agad kay Michael that I want our wedding to be happened on July 15.

I texted my friends and my relatives about my marriage plans. At first nagulat sila kasi ang bata ko pa daw to be tied up. I'm only 22 and I don't mind about that kasi wala na akong doubt sa pagmamahalan namin. We have 5 years to prove that we are not made for each other pero, see? Nag work out kami at hindi pa din natatanggal sa amin ang kilig at pagka sabik sa isa't isa.

I started thinking who will be the ninangs and ninongs pati na din ang mga abay. Naisip ko na si Cess ang Bride's Maid at any part of the family Burgos ang Best Man.

"Babe, help me with this thing please? Pag planuhan na natin kung sino ang mga abay" kaka shower lang niya pero kinulit ko na agad sya kahit hindi pa sya nakakapag bihis. E kasi naman excited na talaga ako maipamigay yung invitations ko.

At first ay nagtatalo pa kami sa mga abay. E paano ba naman kasi hindi ko naman mga kilala sinasabi nya. Same as me, hindi daw nya namemeet pa yung sinasabi ko. Feeling ko minadali kasi namin ang kasal e. Ni hindi nga sya namanhikan!

"I will invite my US friends ha?" Sabi naman ni Michael habang nag aayos kami ng list ng taong dadalo ng kasal namin.

Kasama na din sa list sina Micah at Cross. I will just contact them para naman makalipad pabalik ng Pilipinas si Micah!

After so many hours ay nakapag decide na din kami! Halos mag suntukan na nga kami at maghiyawan e. Pero wala akong magagawa kasi naman ang atat lang ng boyfriend ko. I decided na din na bukas ko na sisimulan ang pag aayos ng invitations tutal Sunday naman at I'm sure sa condo lang kami dahil wala pa naman kaming family kaya hindi namin matatawag na family bonding ang Sunday.

Nauna akong mahiga sa king size bed ng soon to be asawa ko. Nandoon pa kasi sa couch si Michael, reviewing the plans for our wedding at inaasikaso na din daw nya ang naiwan nyang trabaho sa America which is, handled by Top right now for his place temporarily. Wala na akong magagawa. Pagod na ang katawan ko at gusto na mamahinga ng mga mata ko. Gusto ko man syang ayain matulog, nakailang mamaya na ito sa akin.

Sunday

Oo na! Ang aga ko ng magising para simulan ang pag aayos ng invitations. Approximately 100 copies. E 100 lang kasi kaya namin kasi sa Villa Escudero pa ang reception, which is ang gastos at napagplanuhan na din naming sa Quezon Province ganapin ang aming kasal at ipapadala na lang doon ang team ni Michael.

As usual, wala na sa tabi ko si mokong at umalis na. Pupunta daw sya sa Quezon para tignan ang venue at maayos na ang lahat. Ganito pala kapag kinakasal? Ang hassle!

From: Princess

Bakla! Ikakasal ka na pala?! Omo! Kailan? Hayop ka naunahan mo pa kami ni Mark. Akala ko pa naman late 25 ka pa ikakasal

Natawa naman daw ako sa text message ni Cess. Paano ba naman kasi, nauna muna ang anak bago sa kasal nila pero balita ko nag propose na si Mark yun nga lang nag iipon pa sila.

To: Princess

Ah basta ipapadala ko invitation dyan bukas. Basahin mong maigi ha? I can't wait to see you guys soon.

Tamad na tamad ako magtext kahit mahalaga yung tao. Ganoon kasi ako kapag busy sa ginagawa. Ayoko ng istorbo kasi I want to focus.

After six hours, natapos ko na din ang invitation na yan! Nangalay ang pwet ko at nanakit ang mga balakang ko. Jusko, ang bata bata ko pa pero nagpaparamdam na ang signs of aging sa akin.

Pinautos ko kay Aling Biring na ipa-print sa opisina ni Michael since nandoon ang printer. Si Aling Biring ang third person sa condo na to. Sya yung taga hugas at taga laba ng mga pinagkainan at maruruming damit namin. May housekeeper naman kaya hindi na nya kailangan mag linis at si Michael ang nagluluto kaya ayun di sya hassle.

I checked my emails kasi nangangati na ako sa trabaho. Ang daming greetings about sa kasal ko. Kalat na pala even my officemates keeps on chatting me about the wedding.

Then another email caught my attention because it is not an ordinary one. This email is a video type kaya minabuti kong tignan.

Hi this is James Federicko Sy, I just want you to be aware about my wedding tomorrow. You should come :-)

Si Sy lang pala. Oo naman hindi ko nakakalimutan yon. Gusto ko sana sya tawagan kaso I forgot to ask for his number noong nagkita kami. Ano kaya itsura ng mapapangasawa niya?

"Babe I'm home. I brought some snacks. Come here and--" hindi ko na pinatapos at nagtatatakbo ako na ako palapit sa kanya sabay halik sa kanya sa labi. Nabitawan nga nya ang mga supot na dala nya sa sobrang pagkagulat.

"Ang init naman ng welcome home mo sa akin. Parang iba na tuloy gusto kong kainin ah" sabay hawak nya sa pwetan ko. Oh noes!

Bigla akong kumalas sa kanya at dinala ang supot na dala dala nya. Hahahaha anong akala niya sa akin? Hindi nya ako maiisahan.

Nilantakan ko ang noodles, tinapay at chichirya na dinala nya. Comfort food ko to e. He really knows my favorites.

"Ay babe by the way, okay na yung invitations. Andyan na sa sala. Papadala na lang natin sa mga kasama sa kasal" I said while my mouth is still full.

"Oh really? Sige ako na lang magdadala after Jf's wedding tapos susunduin na lang kita sa reception okay?"

"So you'll not come on the reception? Sino kasama ko don?! Para namang kilala ko angkan nyo e" i said raising my voice to him.

"Calm down. Pupunta ako syempre. Ganyan na pala mga babae ngayon no? Ang nagger na kapag natanda" sabay tawa nya na syang kinainis ko. Aba may gana pa syang tumawa ha. Kinurot ko ito sa tagiliran at napa aww naman sya. Akala ko maiinis, yun pala gaganti din ang loko. Napaka isip bata talaga! Hindi na sya teenager ha.

"Ayoko na. Pagod na ako! Pag ako nagkapasa, sisipsipin mo to hanggang sa mawala"

"Aba bakit ako?! Kinurot kita kasi ang pilyo mo at ang isip bata mo kasi gumanti ka! Pasalamat ka nga at kurot lang yan e. Hoy mister hindi ka na bata pa at lalong hindi ka na teenager kaya---"

"Oo na! Nagger nagger mo. Matulog na nga lang tayo, pagod ako" then he left me and went to his room. God did I made him mad? Sumobra na nga ba ang bunganga ko?

Tinabihan ko naman sya at niyapos. Hindi nga naharap sa akin at mukhang nagtatampo pa. Ang isip bata naman ng isang to! Hindi ko alam na ganito pala ang mga lalaki ha.

"Babe, sorry na" I said at hinihimas ko ang likod nya.

"Ang halay mo talaga!" He said. Aba! Ani namang kahalayan doon sa ginagawa ko? Nilalambing ko lang naman sya.

"Kapag si junjun tumayo, walang sisihan ha! Ikaw nauna dyan"

"Nilalambing lang kita! Ang bilis namang mahalay ng junjun mo. Kailan pa yan naging ganyan ha?"

"Simula nong makita at makasama ka nya ulit" nanahimik ako hindi dahil ayoko na makipag argue sa kanya. Sa totoo lang kahit ang tanda ko na, kinikilig pa rin ako sa kanya. Hindi lang naman kasi sya husto sa salita e, pinaparamdam din nya. That's what I really like about him.

The Skater meets The Jerk (On Going Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon