Chapter 47

114 2 0
                                    

Natapos ang buong maghapong klase. Dahil na din sa sinabi ng aking Ina ay nagmamadali na din ako umuwi pero hindi pa pala tapos ang pakulo nitong BOYFRIEND ko. Sarap pakinggan hihi.

"Saan tayo pupunta? Inaantay na tayo ni Ina" pagpupumilit ko sa kanya. Uwing uwi na rin kasi ako e.

"Mamaya pang 7pm ang uwi ng mga magulang ko. So hindi tayo makakapagsimula hangga't wala sila. Halika na sandali lang to babe"

Wala na akong nagawa kundi ang sumama. Ano ba pupuntahan namin? Wala din akong alam e.

Nandito na naman ang mga taong nasa SC room kanina. Nakakatuwa kasi pare pareho silang close sa isa't isa. Parang kailan lang, magkakagalit sila ah.

Si Rowell at Anne ay nandoon sa isang tabi nag kekwentuhan, si Mark at Cess at nagtatawanan. Iniisip ko nga bak may gusto na din si Mark dito sa kaibigan ko e. Hay may makakapagpatibok na din sa puso ni Cess pag nagkataon.

Si Cross at ang mga barkada ni Michael ay nagkewkentuhan. Puno pa ng mga ngiti ang kanilang mga labi kaya't ang sarap sarap nilang titigan. Si Micah? Eto papalapit sa amin.

"Uhm.. Christine, I just want to say sorry for everything. Bukas na flight ko papuntang US at ayoko namang iwanan kayo ng masama loob ninyo sa akin. Tama ka naman talaga, masyado na talaga akong desperada. Kaya humihingi na rin ako ng tawad." Puno ng sinseridad na sabi ni Micah sa akin.

"Kalimutan na natin ang nakaraan. Masaya ako na nagkasundo sundo tayong lahat kahit sa kaunting sandali lang. Natutuwa ako at ganito ang makikita ko ngayon" sambit ko sa kanya sabay yapos.

Madami na rin kaming napagkwentuhan ni Micah. Puno ng tawanan ang resthouse na ito ni Michael. Nakakatuwang isipin na magiging ganito pala kami kalapit sa isa't isa pagkatapos ng lahat ng nangyari. Hay... God is good talaga.

"Oh paano Christine? Cross and I need to go. Mag aayos pa kasi kami ng bagahe e ha? Kitakits soon okay?"

"Ah yah sure. Sa pagbalik mo magpapa cater pa ako at syempre, dadalhan kita ng boylet"

"Ay nako gusto ko yan! Skype skype tayo minsan ha? Chao for now!"

Nagpaalam na din sa mga tao roon sina Cross at Micah. I looked at ny wristwatch, it's 7:23 pm na. Oh noes! We really need to go.

"Babe, sorry to spoil the night pero kailangan na natin umuwi. I'm sure andon na din sina Tita"

Michael looked at his watch. Nanlaki rin ang mata niya ng makita ang oras. Agad niyang pinabantayan kay Mark ang resthouse, babalik raw kami after nito. Hell what?

"Babe sorry ha? Napasarap lang talaga ako ng kwentuhan. Ganda kaya ng moment kanina" sambit nito habang nagmamaneho.

"Alam ko. Kahit nga ako hindi makapaniwalang mangyayari to e. Grabe no? Magkakasundo na tayong lahat" sabi ko pa habang nag lean ako ng kaunti para halikan ang pisngi niya.

"Sweet naman nito! Parang may iba kang gusto iparating ha? Babe wag ka mag alala, mamaya natin gagawin sa resthouse" sabay tawa nya ng nakakaloko sa akin.

Peste to! Ayoko na nga maulit yung milagro namin e. Akalain mo yon? Nagawa ko na at gosh... Nakita na nya katawan ko! Tinapik ko ang braso nya. Sinuntok suntok ko ito. Nakakaasar naman kasi to e.

Tawa lang sya ng tawa. Grabe to! Namumula na ako sa hiya. Tumigil na ako at tumingin na lang sa tinted nyang window. Nakakapagod pala manakit. #Hugot.

We reached our house. May isa ding kotse na nakaparada near our gate. Alam ko kay na Tita Mel ito. I guess nasa loob na sila.

Nagmadali kaming lumabas ng kotse at pumasok ng bahay. Nakita ko naman na nakaupo na sila sa sala. Lahat sa amin ang mata. Oh noes!

"Where have you been? Your class is only until 5pm. It's already 8pm" mataray na tanong ng aking Ina.

"Ah-eh.. May despedida party kasi friend namin e. Bukas na sya aalis. Tama! Bukas alis nya" pagpapalusot ko kay mother. Nakita ko naman ang ekspresyon ni Michael. Hindi ata sya satisfied sa dahilan ko.

"Sit you two! We have a lot of things to talk to" sambit naman ni Tita Mel sa amin.

Umupo kami pero ako ay sa tabi ng nanay ko. Baka mamaya lalo pa kami bungangaan pag nagtabi kami.

"Your Tita said na nakita niya kayo kanina kissing with each other. Kissing is for couples only. So are you already a couple?" Paninimulang tanong ni Tito sa amin.

"Ahm yes po Dad. We're already a couple. Balak ko sana sabihin sa inyo kaso naunahan po kasi ka---"

"Sabi ko na nga ba that my conclusion is right. I saw you guys madalas magkasama. And I can sense na hindi lang kayo basta friends" singit naman ni mommy sa sinasabi ni Michael. Ano ba to...

"Mom I can explain naman po. And ako na din magsasabi kag Dad about this." I said dahil hindi na yata nagiging maganda ang atmosphere.

"Hey, Tita Mel and I are not mad. We're glad pa nga that you and him are a couple. And yes, ikaw talaga magsasabi kay Dad mo"

"So if you and Tita aren't mad, e bakit nyo pa kami pinatawag?" Gulong gulo kong tanong sa kanilang lahat.

"Well, kasi... Ahm. Hon, ikaw na nga magsabi" nauutal na sabi ni Tita Mel.

"Kasi, Michael will pursue his studies in the US. We're migrating there at I guess doon na lang nya ipagpatuloy pag aaral nya pero after his grad, he can go back here"

WHAT THE HELL? Did I really heard it right? Sa US?! OH God!

The Skater meets The Jerk (On Going Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon