Maaga akong nagising at nag prepare for school. 3rd day of our class this sem, at hindi na gaya ng dati na napapaisip ako kung tatakbo ba ng maganda ang araw ko.
Sabi nga nila, everything will be rewarded soon basta mag tyaga ka lang mag antay. Yes, in a short span of time ay madami na akong naging problema. Madami na din akong nakasalamuha and finally, I met him.
"Hop in babe! We will visit the SC room. Sabi kasi nila kakausapin nila tayo. I bet it's an interview." Sabi sa akin ni Michael habang pinagbuksan ako ng pintuan ng sasakyan.
Nginitian ko siya. Pero imbis na pumasok ako ay hinalikan ko siya sa kanyang labi. Masaya lang talaga ako kaya nagawa ko iyon.
Nagulat siya but eventually, nag respond naman siya agad. Madali kong pinutol ang aming halikan dahil napansin kong nakatingin si Mom sa amin with a shocked face.
"Ma.. I can.. Expl-" mautal kong sabi ngunit agad na naputol ng biglang sumingit si Mom sa aking sinasabi.
"We will talk later both of you. And I'll make sure na pati parents mo ay kasama sa usapan na to" then Mom left after.
Kinabahan ako. Tumingin ako sa mukha ni Michael na para bang I'm wasted. Gosh akala ko ba masaya na? But another problem ang nagpapayanig sa amin.
"Babe, are you alright? Still thinking about Tita said? Don't worry sasabihin ko naman ang totoo. I bet she'll understand kasi diba noong una pa lang gusto na niya tayo maging close"
"Babe paano kapag hindi niya natanggap? What if makarating to kay Dad? Madidisappoint yon for sure"
Hinawakan niya ang kamay ko. Hinalikan nya ito at tinitigan ako sa aking mga mata. Madaming ibig sabihin yon pero sa nakikita ko, sinasabi nitong ipaglalaban niya ako.
Nasa SC room na kami. Nagulat ako ng makita ko ang mga hindi ko inaasahang makikita ko sa iisang kwarto.
Nakaupo at nakatitig sa amin si Mark, Rowell, Cess, Dennis, Aaron, Anne, Kenneth, Cross, Micah at ang isa pang babae na familiar sa akin. Wait... I know her! Tama! Siya yung nagnakaw ng litrato sa amin ni Mark noong nasa hut kami. Hell wait. Why are they're here?
"Ano to?" Nagtatakang tanong ko sa kanila. Agad namang may nag flash sa screen na pumukaw sa aking paningin.
Unang araw ko sa College Life sa Lasalle. Hindi naman bago sa akin ang environment dahil dito rin ako nag tapos ng High School. Hindi na rin bago ang mga estudyanteng nakakasalimuha ko dahil half of them ay nagpasyang dito na rin kumuha ng kanilang kurso.
Naanyayahan kaming magpakitang gilas sa lahat ng freshmen sa unang araw ng pasukan. Isa ang grupo ko sa hinahangaan ng lahat ng estudyante sa Lasalle maging ang iba't ibang department.Naluluha ako dahil isang video ang nakikita ko ngayon sa screen. Video ng aking pinaka mamahal na Michael na nagsasalita. May mga iba't ibang litrato din na pinapakita at lalong nakakaiyak dahil Out of my league ang kanta.
BINABASA MO ANG
The Skater meets The Jerk (On Going Story)
Teen FictionWhat if the bad skater meets the brainy jerk who lives with the same village and same school? Magkakaroon ba sila ng isang magandang pagsasama oh hanggang alitan at asaran na lang tatakbo ang buhay nila sa isa't isa?