Chapter 20

123 4 0
                                    

Chapter 20

Saturday (a.k.a Big event for skaters, The Skate Contest)

Maaga ako nagising dala na din siguro ng presensyang bukas na ang pagbabalik ng aking mudra galing states. Ang diwa ko ay syang excited sa mga araw na dadaan at lalapit pa sa arrival ng nanay ko.

Bumangon ako at binuksan ang curtains ng window ko. Mataas ang sikat ng araw na tumatama sa mukha ko na syang nagpapasilaw sa akin. Pagkatingin ko sa tapat ng bintana ko ay ang bintana ng pinakamamahal ko. “Good morning handsome. It’s your big day later. Good luck and I miss you” nakangiti pa ako habang sinasabi iyon sa bintana nya na animo’y nandun sya at nakamasid.

Bigla ko naalala ang nangyari kagabi. Oo nga pala at wala sya sa bahay nila. Wala pa rin ang kotse nya sa bahay nila kaya malamang sa malamang ay hindi pa ito nakakauwi.

Tinignan ko ang Phone ko at napansin kong may 15 na text messages ako. Nagulat at nasabik ako sa mga mensaheng natanggap. I expect that one of the messages there is from him. O kaya ay si Mark.. yes, namimiss ko na din si Mark lalo na’t pang limang araw ng hindi kami nag uusap.

Isa isa kong binasa nag mga mensaheng nareceive ko.

From: Aaron

Good morning pretty. Don’t forget the skate contest okay?

From: Shasha

Christine, may assignment ba tayo sa Trigo?

From: Kenneth

Pumunta ka mamaya ha? May supresa kami

Madami na din akong nabasang messages. Wala pa ang message ni Mark o kaya ni Michael at isang message na lang ang natitira.

Nag sign of the cross ako at nagsimulang pumikit. “Lord, sana siya na to. Please…”

Maya maya ay dahan dahan ko na itong binuksan. Isang mata ko ang bukas at tila kinakabahan pa na makita ang pangalan ng nagtext..

Ng mabuksan ko ito ay…

From: Jane

Hi Christine. Punta tayo sa Skate Contest mamaya. Wala kasi akong kasama e pwede ka ba?

BWISET! Akala ko isa sa kanila ang nagtext yun pala si Jane lang. Urgh! Nakaka disappoint talaga… imposible naman na hindi nya nareceive ang text ko. Tinawagan ko din naman sya pero bakit wala man lamang text?! Pati si Mark! Hindi ko aakalaing matitiis nya ako ng ganitong katagal!

Sa sobrang kainisan ay nilapag ko na lamang sa kama ang phone ko. Wala ni isa sa kanila ang nireplayan ko. Umasa ako dun ah.

Bumaba ako at nagsimulang kainin ang nakahanda sa mesa. Binate ko din ng magandang umaga si Yaya Elma na kasalukuyang nagwawalis ng sahig. Inalok ko sya na sabayan nya akong kumain ngunit tumanggi sya dahil hindi daw sya sanay na kasabay ang amo kumain sa mesa.

Matapos ako kumain ay nanood ako ng TV. Pampalipas oras dahil nagsisimula na naman akong mabored. Grabe ang tahimik ng bahay. Buti namamanage ni yaya ang katahimikan lalo na kapag mag isa lamang sya sa bahay.

Tanging TV lamang ang maingay at si yaya ay nasa labas, dinidiligan ang mga halaman ni Ina na binilin sa kanya. Ayaw dawn yang masira ang mga ito dahil eto daw ang nagpapaganda sa bahay namin lalo na kapag may darating na bisita.

Biglang sumagi sa isipan ko ang imbitasyon ni Aaron sa akin. Madami din ang nag aaya sa akin na pumunta sa contest halos lahat ng text message ay tungkol sa mangyayari mamaya.

“Pupunta ba ako o hindi?” pagtatanong ko sa sarili ko habang nanonood ng TV. Hindi ko kasi talaga alam kung pupunta ako. Oo gusto ko makita at suportahan si Michael at ang grupo nya.. kaso nahihiya ako lalo na’t may binabalak pa ang mga kaibigan nya.

“Tama wag na lang. May sapat naman akong dahilan sa kanya e. at tsaka hindi iyon kasinungalingan dahil totoong maghahanda ako para sa muling pagbabalik ni Ina” nagsisimula na naman akong kausapin ang sarili ko. Ganito talaga ako kapag may pinag iisapan o pinagdedesisyunan ako. Madalas pa nga ay sa salamin ako humaharap.

Bakit kasi wala si Cess ngayon? Bakit ba hindi sila nagpaparamdam sa akin. Minsan ang words of wisdom nila ang syang napasok sa mga isipan ko at syang nasusunod ko.

Dahil sa pakamiss ko sa mga lokaret ay naisipan ko silang itext at kamustahin. Halos dalawang linggo na ata kaming walang imikan.

To: Cess, Bakla

Kamusta na kayo mga bakla? Miss ko na kayo. Punta naman kayo sa bahay please?

Priness ko ang send button at naghintay ng text sa kanila. Napansin kong halos trenta minuto na at wala pa rin silang reply sa text ko. Normally ay kapag nagtetext ako sa kanila ay mabilis silang nagrereply at agad agad na pupunta sa bahay. Pero bakit ngayon ay tila iba ang ihip ng hangin? Bakit malakas ang kutob ko na iniiwasan nila ako? May nagawa ba akong mali?

Sinubukan ko silang tawagan. Number busy si bakla kaya si Cess ang tinawagan ko. Sa dami ng tawag ko ay sa wakas sinagot na rin nya ito.

“Hello?”

“….”

“Hello Cess? Galit ka ba sa akin?”

“….”

“Bakla naman. Miss ko na kaya kayo ni Rowell. May problema ba?”

“Oh talaga? Nasa bokabularyo mo pa pala ang salitang miss ano? Samantalang ikaw etong unang hindi namansin at nang iwan sa ere”

Ibang klase tong si Cess. Prangka kung prangka talaga kung magsalita.

“Kaya ba kayo galit sa akin?”

“Oo galit ako. Si Rowell ay nagtatampo lang pero ako ay galit ako. Galit na galit”

“I’m sorry na bakla. Alam ko na hindi ko kayo nasabihan tungkol sa amin ni Mark pero sa maniwala ka oh hinde gustong gusto ko kayo lapitan at samahan pero gusto kasi ni Mark na sya lang ang kasama ko knowing na malapit din kayo kay Michael” pagpapaliwanag ko habang naluluha pa ako sabihin ang mga katagang iyon.

“Ang tanga mo naman para sundin sya. Ganon mo ba sya kamahal at ipagpapalit mo kami at si Michael? Nasan na ang Michae love story mo?!” muling pag prangka ni Cess sa akin na halatang iritang irita sa akin.

“Ginawa ko din iyon para mapalayo sa kanya. Alam ko na ayaw na nya ako makasama at makita pa kaya kusa akong lumalayo at tinatago na lang ang magulo kong damdamin”

Huminga ng malalim si Cess na rinig na rinig sa linya ko. Alam ko galit pa sya ngunit iyon naman talaga ang totoong dahilan.

“Kailangan ka din naman namin Christine. Akala ko ba bestfriends? Akala ko ba walang iwanan?” tuluyan ng lumuha si Cess at sumisinghot sunghot pa.

Bago pa lamang ako magsalita ay pinatay na nya ang tawag. Isa na namang pagsubok ang dumadaan sa buhay ko. Tatlong nakakabaliw na pagsubok na hindi ko pa din malutasan. Pesteng buhay na meron ako o!

The Skater meets The Jerk (On Going Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon