"Hurry up! Baka malate tayo sa wedding, susunduin daw tayo nina Mommy" nakakapressure ang boses nitong si Michael. Hindi marunong mag antay, minamadali ko na tuloy ang pag mamake up ko sa sarili ko.
Pagbukas ko ng pinto, imbis na hug o halik ang bungad nya sa akin ay... "Ang tagal mo naman! Alas dos ang kasal no, alas dose na mahigit! Dalian mo" ayun nauna naman sya maglakad papunta sa kotse. Hindi ko naman sya masisi na excited sya sa wedding ng pinsan nya kasi I heard, sobrang matalik talagang magkaibigan at mag pinsan ang dalawa.
Nakarating kami sa simbahan in less than an hour. Hindi naman kami abay kaya nakaupo lang kami sa likod ng mga abay ng ikakasal. I wonder, paano kaya kung kami na ang ikakasal no? Makikita ko si Michael sa may altar na inaantay ako habang dahan dahan akong naglalakad sa aisle. Yung lalaking minahal ko simula pa lamang ng pagiging teenager ko ay hindi ko aakalaing makakasama ko din habang buhay. Hay. Ang sarap naman talagang isipin.
Beep beep beep
Narinig ko ang tawag na iyon galing sa telepono ko. Halos mag uumpisa na kasi kaya't lumabas muna ako ng simbahan para sagutin ang tawag.
"Hello"
"Hello, Christine? Well this is your boss speaking"
"Yes sir?"
"Nakarating sa akin ang leave mo ng 1 week because of your preparation on your upcoming wedding which is happening on..."
"July 15 po sir"
"Oh July 15. I just wanna congratulate my executive dahil sa wakas, hindi ka na tutuksuhin sa opisina dahil mag aasawa ka na"
I suddenly smile a bit. Hindi ko alam na pati mga ganong bagay ay alam ng boss ko.
"Thank you sir! The invitations will be arrived at the office later. I gotta go na sir ha? I'm in the church po"
I ended the call pero hindi pa din mawala ang ngiti sa mga labi ko. Haha si sir talaga, paborito nya talaga akong employee. He never talks to his employee that way, sa akin lang. Besides, kaibigan naman sya ng nanay ko.
"Babe where have you been? Mag uumpisa na ang ceremony" nagulat naman ako dito sa kaboteng to. I forgot to excuse myself to him kaya nagiging paranoid ang mokong na to.
"Tumawag boss ko e. Tara na sa loob" hinawakan naman nya ang waist ko papasok sa loob. Tamang tama at natanawan na namin ang kotse ng bride. Ready to enter the big doors of the church at kita mo sa bride na masaya sya. Wow! Bilib talaga ako sa taste ni Jf ha. Ang ganda nito, mala Angel Locsin ang peg.
While walking in the aisle ay nakikita ko namang nakangiti si Jf. Hindi na makapag antay na makalapit ang kanyang bride. Pareho silang naluluha at masaya. They deserve the love and happiness. Hindi ko man nasubaybayan ang love story nila, alam ko namang para talaga sila sa isa't isa.
Madami pang sermon ang pari bago matapos ang kasal. Naglalaro na nga lang ng COC etong katabi ko. Kanina lang he caught the attention of many people dahil sa sigaw nya. Jusko ako pa nag apologize. Akala ko nagbago na ang pagiging isip bata ng isang to e.
"I do"
"I now pronounce you husband and wife" WAAAH THAT'S IT. OFFICIALLY Mr. And Mrs. Sy! Naluha naman ako sa kanila. I'm happy for them.
Lumapit sina Tita Mel at Michael sa stage at nagpapicture kasama ang mga newly weds. Hay napipicture out ko na ang kasal namin. Malapit na to, konting kembot na lang.
"Cheers!" Yes! Kakaibang reception to. Reception sa bar. Kaya ang lahat naglalasing. E ako, hindi naman ako nainom kaya nasa sulok lang ako at kumakain ng handa. Pinapabayaan ko na lang si Michael. Ako na lang siguro bahala sa mga invitations.
BINABASA MO ANG
The Skater meets The Jerk (On Going Story)
Ficção AdolescenteWhat if the bad skater meets the brainy jerk who lives with the same village and same school? Magkakaroon ba sila ng isang magandang pagsasama oh hanggang alitan at asaran na lang tatakbo ang buhay nila sa isa't isa?