Chapter 14:
-
“Sis ano ba yan tulala ka na naman. Ano nanaman ba iniisip mo ha?” binatukan ako ni Rowell para lang magising ang diwa ko pero hindi ko pa din sila sinasagot.
“Wag mo na nga isipin yan. Kung ako sayo itigil mo na lang deal nyo ni Micah at kung saktan ka man niya nandito kami parati para sayo. Pagkatapos ay layuan mo na din si Michael. Nagawa mo na naman trabaho mo diba? Nasa progress na rin naman sya ng pagbabago. Ano ba ikinakatakot mo? Ano ba talaga gusto mo?” prinangka na ako ni Cess. Alam ko naman talaga ang ugali ng babaeng eto. Pagdating sa problema straight to the point sya para matapos na agad.
“Hindi ko alam. Hindi ko alam ano ba talaga nararamdaman ko ngayon nagugu—“
“Aminin mo nga sa akin, si Mark ba talaga ang gusto mo oh si Michael?” That question made my mouth shut. Hindi ako agad nakasagot sa kanila. Ang alam ng isip ko ay si Mark. Naaalala ko kasi lahat ng nagawa nya kahit sandaling araw lang pero kahit naman kay Micah ay naging saksi din ako. Kung sya pipiliin ko alam kong hindi masasaktan ang puso ko.
“Ano sagot? Para malaman na namin ni Rowell bakit ka ba talaga nagkakaganyan. May nararamdaman ka na ba kay Michael? Nagugustuhan mo na rin ba sya?”
“Oo okay? Kapag kasama ko sya iba ang nararamdaman ko. May mga pangyayaring pag malapit sya sa akin ay malakas ang tibok ng puso ko. Kapag nag sta-stargazing ako naiisip ko sana kasama ko sya” tumulo ang luha ko sa harap nila. Oo nasabi ko na sa kanila kung ano talaga ang nararamdaman ko. Gusto ko sya and I don’t really know why.
Nabalot sa katahimikan ang mga kaibigan ko. Dahil na din siguro sa naging emosyonal na ako dahil sa mga nangyayari.
Buong araw ay hindi ko din nakita si Michael. Kahit kaninang umaga ay hindi nya ako sinundo. Paano nga ba nya ako masusundo e inunahan ko talaga sya sa pagpasok kanina. Buong klase din ay hindi sya pumasok. Siguro bumalik nanaman sya sa dati nyang buhay.
Pauwi na sana ako nang hinarangan ni Micah at ng mga kasama nya ang daan ko. Kinakausap nya ako pero nakatungo lang ako. Hindi ko pa din kasi nakakalimutan ang mga narineg ko kahapon.
“I heard hindi raw pumasok buong araw si Michael. Nasa shop daw at naglalaro. Akala ko ba ginagawa mo ang trabaho mo?” hindi ko pa din sya sinasagot kahit na malapit ang mukha nya sa tenga ko. Nakatungo lang ako habang nakikinig sa sinasabi nya.
“Hoy nerd wag kang bastos kinakausap kita! Sumagot ka nga! Ginagawa mo ba talaga ang trabaho mo oh inaaahas mo lang sya sa akin?!”
Dahil sa linya nyang iyon ay napataas ang mukha ko at tinitigan lang mukha nya. Gusto ko syang sampalin kaso wala pa akong lakas para gawin iyon sa kanya.
“Micah mukhang walang balak sumagot ang isang ito. Turuan mo na nga ng leksyon” bulong ng katabi ni Micah sa kanya.
Napansin kong ngumiti ng nakakaloko si Micah sa akin at tumango. Naging alerto naman ako sa mga balak nyang gawin.
Akmang sasampalin nya ako pero nahawakan ko ng mabilis ang mga kamay nya. Mahigpit na mahigpit ang pagkakahawak ko dala na rin ng galit ko.
“Kung umasta ka akala mo hindi ka babae. Once and for all hindi ko sya inaahas sayo. You can have him ipagsaksakan mo pa sa baga mo! Pero bakit ka pa nagpatulong sa akin? Bakit mo pa ginamit si Mark para lang bawiin sya? Para ipamukha sa kanya na masaya ka at sya hopeless?! Kung talagang gustong bumalik sayo ng tao sya mismo ang gagawa ng paraan. Kung mahal ka ng tao susuyuin ka nya kahit sa harap pa ng maraming tao at hindi yung puro lamang ng pagpapanggap”
“Ho-hoow did yo-u know all of this huh?” mangatal ngatal pa syang sabihin dahil sa matindi nyang pagkagulat ng malaman nyang marami akong nalalaman.
BINABASA MO ANG
The Skater meets The Jerk (On Going Story)
Teen FictionWhat if the bad skater meets the brainy jerk who lives with the same village and same school? Magkakaroon ba sila ng isang magandang pagsasama oh hanggang alitan at asaran na lang tatakbo ang buhay nila sa isa't isa?