Chapter 27
MICHA’S POV
“Handa ka na bang pumasok, Micah?” masiglang pagkakasabi ng isang pamilyar na boses ng isang lalaki ang syang narinig ko ng makita nya akong bihis na bihis.
“It’s my time to be back again. Halos weeks na din akong nawala at panahon na para makita nila ang bagong Micah”
“That’s good. Now that I’m at your campus for some special things to do, may kakampi ka na para sa muling pagkuha ng mga bagay na nawala sa iyo”
“Tama ka. Madaming bagay ang nawala sa akin dahil sa babaeng umagaw at sumingit sa buhay ko. Well brother I think you and I are good partners. It’s payback time for me.”
-
“Halika na baby malalate na tayo nyan sa first class mo e”
“Teka lang matatapos na ako”
Kasalukuyan ako ngayong nagpapalit ng aking damit. Badtrip kasi kaninang umaga pagkababang pagkababa ko, may babaeng bumangga sa akin at tinapunan ng coffee ang blouse ko.Umagang umaga puro kamalasan na kaagad.
“Ang tagal mo naman. Blouse lang kaya natapunan sayo di yang skirt mo ‘no” pagsusungit ni Michael sa akin na halos kanina pang nag aantay sa akin at naiinip.
“Pasensya na. Mabagal kasi talaga kumilos ang baby mo ‘no. Pero teka lang. Talaga bang hindi ka papasok? Excuse ka talaga this whole week?”
“Oo, diba’t nasa mga prof na natin ang excuse letter ko? And besides andyan ka naman. I can cope up with the lessons with you helping me out” sabay kindat at ngiti pa itong isang ito. Sino ba naman ang makakatanggi sa charming nya!
“Nako ikaw ha! Pamiss ka na nga, pacute ka pa! Osya kita na lang tayo mamayang lunch okay? Di ka na nakakasabay sa amin nina Cess nako magtatampo pati mga tropa mo”
“Yes po madam! Ang sungit sungit naman ng baby ko e. Una na ako ha? See you around. Loveyou” sabay pisil sa pisngi ko at kumaway sya papalayo sa akin.
Ang hirap pala talaga kapag may obligasyon ka sa school na ito. Bilang officer, inaasahan sya na parating active sa org nila. He’s running for president next year kaya pinagbubutihan nya talaga ngayong year na ito para mapatunayan sa kanila na deserving sya.
Kung ang pagiging officer pa nga lang ay malaking sagabal na sa oras nya sa akin, paano na kaya pag naging President pa sya? Edi baka Sunday ko na lang sya nakikita or worst… hindi na.
Sa aking paglalakad ay nakita ko si Cross na may kausap na babae. Maiksi ang buhok at nakatalikod ito sa akin kaya’t hindi ko masyado naaninagan ang mukha nito. Ano ba naman yan! Badtrip na nga kanina, nakakita pa ako ng di kanais nais na itsura. Nakooooo lalong nasisira ang araw ko nyan e.
Minabuti ko na lamang na ibahin ang daan para makaiwas sa Cross na yan. Mahirap na baka kulitin nanaman nya ako sa nakita ko.
Tungkol nga pala sa nangyari sa lalaki, ayun nasa hospital ngayon. Matindi daw ang sugat at pasa na natamo nito. Wala daw nakitaan na finger prints kaya hindi natukoy kung sino ang bumugbog sa lalaking iyon.
Matalino din ang grupo nila. Palagi silang may gloves kapag masasangkot sa away. Takot din naman palang mahuli, edi sana di na nila ginagawa ang mga bagay na iyon.
“Sisteeeeerrrr!” isang hiyaw ni Rowell ang nakapagpalingon sa akin. Kumakaripas sya ng takbo na para bang may nais sabihin sa akin.
“O bakit? Kumalma ka muna!”
“nako may kailangan ka malaman! Isusumpa mo ito pag sinabi ko sayo. Ihanda mo na ang sawa at baril ninyo sa bahay!”
Sa mga sandaling iyon ay nakutuban kong bad news ang hatid ni bakla sa akin. Wag naman sana ikakasira ni Michael ito at gayon na din sa akin at sa mga kaibigan ko.
BINABASA MO ANG
The Skater meets The Jerk (On Going Story)
Teen FictionWhat if the bad skater meets the brainy jerk who lives with the same village and same school? Magkakaroon ba sila ng isang magandang pagsasama oh hanggang alitan at asaran na lang tatakbo ang buhay nila sa isa't isa?