Chapter 21

146 4 0
                                    

Chapter 21

Magulo ang isip

Paikot ikot ako sa loob ng aking kwarto. Nag iisip, umiiyak at nagsasalita ako mag isa na parang isang baliw na babae. Sino ba naman kasi ang hindi mababaliw sa sobrang daming problema na pumapasok sa buhay mo at nanganganib pang mawala sayo?

Madami na din ang tumatawag at nagtetext sa number ko. 4 pm na kasi at nagsisimula ng mangulit sina Aaron at ang iba ko pang mga kaklase. Gustong gusto nila na mapanood ang Skate Contest na yon ngunit heto’t naghahasik pa ako ng lagim sa kwarto ko at hindi alam ang gustong gawin.

“Pupunta ba o hindi? Lord please give me a sign. Makakita lang ako ng 3 blue ay talagang pupunta na ako sa Contest” Nakatungo pa ako habang hawak hawak ang rosary na nakapalibot sa palad ko.

Tumingin tingin ako sa loob ng kwarto ko at tumingin kung may kulay asul ba sa loob ng kwarto ko…. Kaso wala talaga hay.

Maya maya ay pumasok si Yaya dala dala ang towel ko at ang slippers ko. Bagong laba daw ito at ilalagay nya sana sa cabinet ko. Tinignan kong maigi si Yaya. Napanganga talaga ako pagkapasok nya at napangiti. Hindi dahil sa friendly service ni Yaya, ngunit sa mga dala nito at kasuotan.

Yaya is wearing a BLUE blouse and holding a BLUE towel and a BLUE slippers. I guess this is really a sign that I’m asking from God. Dali dali kong kinuha ang towel kay Yaya at tumakbo pababa ng CR. That time ay buo na talaga ang loob ko na pumunta sa contest na iyon.

Past 4:30 na akong nakaligo. Sa panahong nagmamadali ako ay halos wisik wisik na lamang ang ginagawa ko para makaabot man lang. dinadaan ko na lamang sa cologne at pagkauwi ay tsaka ako maliligo ng maigi.

Pagkabihis ko ay dali dali ko na ding kinuha ang cellphone ko at tinawagan si Aaron. Ang problema ko sana ay ang sasakyan. Paano ako pupunta sa Contest e hindi ko alam yung way papunta sa Coloroma?!

Hindi na nasagot si Aaron sa tawag ko. How t*nga of me knowing na past 5 na so hindi na talaga masasagot ni Aaron ang tawag ko. Dahil sa pagmamadali ko ay wala na akong nagawa kundi tawagan ang mga kaibigan ko upang magpasundo sa kanila.

“Rowell? Cess?”

“Bakit?” matipid na sagot sa akin ni Rowell

“Alam ko na manonood ka at susuportahan mo si Anne sa contest. Pwede mo ba ako daanan? Please?”

“Hindi kami pupunta ni Rowell, Christine.” Sabay patay ng phone etong si Cess.

Nawalan na ako ng pag asa. Halos paiyak na ako at napaupo na lamang sa tapat ng bahay namin. Naghahantay siguro ng himala galing kay Lord.

Ngunit sadyang mabait si Lord sa akin at dinidinggin ang mga kahilingan ko. Isang kotse ang tumigil sa harap ko. Napatingala ako para tignan ang kotseng pumarada sa harapan ko. Pagkababa naman ng window ng kotse ay napangiti ako ng malaki.

Sina Rowell at Cess..

“Sakay na sister at baka wala na tayo maabutan nyan” pag aaya sa akin ni Cess na nakangiti sa akin.

Agad agad naman akong pumasok sa back seat. Namiss ko talaga ang dalawang ito. Laking pasasalamat ko na lamang at hindi nila ako matiis ^__^

“Kailan ka pa natuto mag drive Rowell?” pagtatanong ko habang nagmamaneho ang bading at nakikipagchikahan sa amin.

“Che! Last week lang! Pero madali ako matuto kaya hindi ka dapat mag alala sister!” pagmamayabang pa sa akin ni Cess at pareho kami nag “Push your luck” na syang sign n gaming matinding kahibangan as magkakaibigan.

Maya maya pa ay narating na namin ang village. Punuan at halos hindi na makapasok ang mga sasakyan sa dami ng tao na nakapalibot sa tila mahiganteng entablado doon. Pinagpasya naming iparada na lamang ito sa labas ng village at pinabantayan sa guwardiya ng village ang kotse.

The Skater meets The Jerk (On Going Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon