CESS'S POV:
It's been 3 months since I lost my virginity. Yes, that was the one when Michael is about to leave the country. Syempre sa part ko ay sobrang nakakaiyak. Alam naman ng bawat babae yon dahil mahalaga ang virginity namin at kahit na ganito ako, hindi ko basta basta ibibigay iyon kahit kay Mark.
Pero madali akong magpatawad. Pinatunayan naman sa akin ni Kenneth na karapat dapat siyang bigyan ng second chance. Minsan magugulat na lang ako at may magpapadala ng bulaklak sa bahay. Akala ko nga galing kay Mark pero kay Kenneth pala.
Mas madalas ko pa itong nakakasama kaysa kay Mark. Student Council Representative kasi si Mark sa department nila kaya sobrang abala ito at kaunti lang ang nabibigay niyang oras sa akin. Sa mga panahong iyon ay parang.. nasasanay na din ako.
Isang araw na hindi ko inaasahan. January 25 bandang alas kwatro ng hapon. Kasama ko si Christine, Rowell at Anne sa Infinitea. Nagkayayaan kami na magbonding. Syempre kwentuhan and all dahil minsan na lang kami halos magkita kita dahil sa schedule namin.
Ting. 1 new message received.
Kinuha ko ang telepono ko sa pouch ko at minabuting tignan kung sino ang nagtext.
From: Kenneth
Meet me @ the rooftop.
Hindi naman ako nagpaligoy ligoy pa. Nagpaalam muna ako kay na Christine bago umalis. Sinabi ko na may pupuntahan lang ako. Medyo bastos man pero hindi ko alam kung bakit awtomatikong napapasunod ako ni Kenneth.
Nagmadali akong umakyat doon. Nakita ko naman agad sya na nakatayo at nakatingin sa view sa baba. Umubo ako ng kaunti para marinig nyang nandito na ako.
"Uy nandyan ka na pala. Lika.." He said at agad naman akong lumapit sa kanya. Nakaupo kami ngayon sa sahig.
"May gusto kasi sana akong sabihin sayo. Matagal ko na gustong sabihin pero I guess eto na ata yung tamang panahon para malaman mo"
Bumuntong hininga sya. Kinakabahan ba sya? Medyo curious na ako kung ano ang sasabihin nya. I hope makaya kong tanggapin kung ano man ito.
"I love you, Cess"
I love you, Cess
I love you, Cess
Paulit ulit sa tenga ko at isip ko ang mga salitang iyon. Nagulat ako sa sinabi nya. Mahal nya ako? Pero.. alam naman nya na M.U. kami ni Mark.
"Kenneth.." Ayun na lang ang nabanggit ko. Natuod ako dahil sa sinabi nya. Ayoko ng ganito. Naguguluhan ako.
"I know it's weird but this is what my heart feels. I know there's somebody else at kung tutuusin dapat hindi na nga ako umeextra sa inyo. Pero masisisi mo ba ako? Mahal kita at kahit na may hadlang, patuloy ko iyong ipaparamdam sa iyo"
Hinawakan niya ang kamay ko. Tama sya pinaparamdam niya iyon sa akin. Minsan nga ay naisip ko na baka nga mahal ako nito pero agad ko itong binura sa aking isipan dahil alam kong alam nya na mahal ko si Mark.
"Please tell me you love me too" he said at lalong lumalapit ang mukha niya sa akin.
Paano na to? Halos pati ako at ang puso ko ay naguguluhan na. Tama ba to? Tama ba ang mga bagay na ito? Ano bang isasagot ko sa kanya? Taena hindi ko alam!
Hinawakan niya ang pisngi ko at sinimulan akong halikan. I respond to his kisses dahil alam kong gusto ko to. Pero alam ko ding mali itong ginagawa ko.
BINABASA MO ANG
The Skater meets The Jerk (On Going Story)
Teen FictionWhat if the bad skater meets the brainy jerk who lives with the same village and same school? Magkakaroon ba sila ng isang magandang pagsasama oh hanggang alitan at asaran na lang tatakbo ang buhay nila sa isa't isa?