Chapter 22

163 3 1
                                    

Chapter 22

Tahimik ang byahe namin at ni isa sa amin ay walang nagbabalak na magsalita. Ayoko syang kausapin. Naiinis pa din ako sa kanya. Pagkatapos ng limang araw bigla bigla na lamang sya susulpot ng wala sa oras?

Nang marating namin ang tapat ng aking bahay ay agad akong bumaba ng kotse. Hindi ko na hinantay na pagbuksan pa nya ako ng pintuan.

Maya maya ay lumabas din sya ng kotse nya at hinarangan ang gate namin upang pigilan ang patuloy tuloy kong paglalakad.

“Let’s talk” he said.

Tinitigan ko syang mabuti sa mata. Wala pa ding ekspresyon ang mukha ko ngunit sa mga mata ko ay may galit na namumuo.

“Ano pang pag uusapan?” sagot ko sa kanya habang pinipiit ang sarili kong makapasok sa aming gate.

“I’m sorry Christine. I missed you” he said as he is about to kiss my cheeks.

Tinulak ko sya at muling tinitigan ng masama. Nagulat ito at hindi inaasahan ang inakto ko sa kanya.

“Yan lang ba ang sasabihin mo sa akin matapos kang mawala ng limang araw?”

Hindi sya nakasagot. Sumandal sya sa kotse nya at nakatungo lamang. Napapansin kong may gumagambala sa kanya kaya’t hindi nya masabi sa akin ang totoong dahilan.

Nagsimula syang magsalita ng buksan ko ang aming gate. Nakatalikod naman ako habang nagsasalita sya.

“Nag isip ako sa limang araw na nawala ako. Nag isip ako kung tama ba ang ginagawa natin” bigkas nya habang niyayapos nya ang aking likuran.

“Alam ko kasing hindi mo naman ako mahal. Ramdam ko naman iyon sa mga panahong nakakasama kita. At sa tuwing makikita mo sya, nakikita ko sa mga mata mo ang pagmamahal na hindi ko nakikita sa mga mata mo tuwing nakikita mo ako” he added as he begins to be emotional.

Sa mga panahong iyon ay lumingon ako sa kanya at nakita kong nagsisimula nang umagos ang mga luha nya galing sa kanyang mga mata.

“Mark.. gusto kita. Sobrang bait mo sa akin. Sweet ka at sobrang mapagmahal. Pinaramdam mo sa akin kung gaano mo ako kamahal. At sobrang nagpapasalamat ako doon” ani ko na pati ako ay nagsisimula na din ako maging emosyonal.

“Ngunit hindi katulad ni Michael. Alam ko na sa kanya ang puso mo. Alam ko na sya ang mahal mo at kung minsan ay nararamdaman kong mas gusto mo syang makasama kaysa sa akin” sa mga puntong iyon ay lalong umagos ang luha nya at nagsisimula ng humagulgol na parang bata.

“Maniwala ka Mark sinubukan ko. Akala ko na matututunan kitang mahalin ngunit talagang si Michael ang nilalaman ng puso ko. Kung matuturuan lamang ang puso ay sasabihin kong ikaw na lamang ang mahalin” pagpapaliwanag ko sa kanya at sa simulang iyon ay napaiyak na din ako.

Ayoko na may nasasaktan ako. Ayoko na may umiiyak sa harapan ko at alam kong ako ang may kasalanan.

Niyapos nya ako ng mahigpit at ginantihan ko naman ito. Habang magkapayap kami ay iyak sya ng iyak at ramdam na ramdam ko na sobra ko syang nasaktan. Higit pa sa inaakala kong pain na mararamdaman nya.

“This time I’m letting you go. I love you Christine at hindi ko maipapangakong madaling mawawala ang pagmamahal kong ito sayo” bulong nya sa akin habang tuluyang kumakalas sya sa aming pagkakayakap.

Tumango ako. Iyak pa din ako ng iyak. Pumasok sya sa kotse ng hindi ako nililingon. Mabilis nyang pinaandar ang kotse at tuluyan na syang umalis.

What have I done.  Nakasakit ako ng isang inosenteng tao. Nang taong syang nagpasaya sa akin sa mga panahong wasak na wasak ako. Sa lahat ng magagandang nagawa nya sa akin, ito pa ang naipalit ko sa mga iyon.

The Skater meets The Jerk (On Going Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon