Chapter 23
Sama sama kaming kumakain sa hapag kainan. Kahit si yaya ay kasalo na rin naming. Maingay ang mga matatanda ngunit kaming mga kabataan ay syang tahimik at kubyertos lamang ang maingay.
Pinupuri din nila ang luto naming dalawa ni Yaya. Masarap daw ito at maaari na daw ako maging isang kusinera ng isang maybahay.
Nagtinginan ang mga kaibigan ko kay Michae na syang sige sa pagkain. Tumingin naman ako sa mga kaibigan ko na nais kong suwayin. Nagets ko na ang ibig sabihin nila. Nagtawanan sila at kahit ako ay nadala na rin sa kanilang tawa.
Matapos ang munting salo salo ay nag uwian na ang mga kaibigan ko at si Tita Mel. Nag aayos naman ng kalat si Yaya at inaayos na din ang pinagkainan. Si Ina naman ay pumanhik muna sa taas upang maligo. Ang ending… kami nanaman ni Michael ang natira sa sala.
Nagsimula nanamang maging tahimik ang atmosphere ng paligid. Tila may anghel na dumaan at ni isa sa amin ay walang balak na magsalita oh umimik. Nagkakatinginan kami ngunit agad kong inaalis ang aking paningin sa kanya.
Grabe kahit anong anggulo ay napaka gwapo nya. Kahit nakasimangot ay bakas sa mukha nya ang isang inosenteng bata.
“Kamusta pala ang contest kahapon? Nanalo ba kayo?” paninimula ko ng usapan.
“1st place lang.” matipid naman nyang sagot.
Sa mga panahong ito ay kampante na ako sa kanya. Hindi na ako naiilang o kaya naman ay nahihiya. Nagsimula na akong magtanong ng madami sa kanya. Sige naman sya sa pagsagot na para kaming nasa isang Question and answer portion.
Sa kalagitnan ng aking pagtatanong ay nagsalita sya. Natigil ang pagsasalita ko ng sya naman ang may itinanong sa akin.
“Bakit nawala ka kahapon?” tila nahihiya pa sya ng itanong nya iyon sa akin.
“Ikaw nga kahapon ang hindi ko makita e. Sina Aaron lang at ang mga kaibigan mo ang kasama ko kahapon. Sayang nga at may sorpresa sila dapat sa akin kaso naudlot kasi sinundo ako ni Mark” tuloy tuloy ang mala confident kong sagot.
Muli nanaman syang nagtanong sa akin. And this time, hindi ko inaakalang itatanong nya ito sa akin. “Bakit mo nilihim sa akin na pareho lang pala kayo ginamit ni Micah? Noong una pa lang pala ay may alam ka na. bakit hindi mo ito sinabi sa akin?” mahinahon ang mga salita nya. Hindi mo mababakas sa tono nya nag alit sya.
“Gusto ko sanang sabihin sayo ngunit alam ko na may matinding galit ka kay Mark. Ayoko lumaki ang gulo kapag nalaman mong niloloko ka lang” nakonsensya naman ako kaagad. Bakit nga ba hindi ko sinabi sa kanya ito?
Muli kaming natahimik. Eto na naman ang awkwardness nagsisimula nanamang huntingin kami. Hindi na ako nag antay pang magsalita sya at tuluyan akong naglakad papalayo sa kanya. Lumingon ako bahagya at nandoon pa rin sya sa sala nakaupo.
“Christine. Bumalik ka na. Kailangan mo nang makipag ayos sa kanya. Kailangan mong ipaintindi sa lahat at kailangan mo nang umamin” kausap ko sa sarili ko habang tinititigan pa din sya.
Naglakad ako pabalik sa kanya. It’s now or never! Kaiangan ko ng tapusin ang anumang di naming pagkakaintindihan.
Laking pasasalamat ko na lang at hindi nya naisipang umalis ng bahay. Ayoko namang magmukhang tanga na habulin sya. Baka mamaya ano pa isipin nya at masyado na akong sugapa sa kanya.
“Ahm. Michael?”
Nakatungo pa din sya at hindi nagsasalita. Nakatingin sya sa kawalan na akala mo’y nababaliw na at nasisiraan.
“Huy!” muli kong pangungulit sa kanya. This time ay lumingon sya at tinitigan ako.
“I’m sorry. Alam ko nakakadiri ako sa ginawa namin ni Mark. Hindi ko din kasi alam bakit ko sya hinayaan. Sa mga panahong iyon sya kasi ang lagging nandyan sa akin tuwing nagkakaproblema ako. Pinapasaya nya ako at pinaparamdam ang halaga ko. Kaya ko din sya sinagot dahil mabait sya. Deserving sya at akala ko na matututunan ko sya mahalin pero nagkamali ako. Mali ang babaeng inibig nya dahil ang katulad ko ay isang user lamang” pagpapaliwanag ko at sa mga salitang iyon ay nag t-teary eye na ako.
BINABASA MO ANG
The Skater meets The Jerk (On Going Story)
Fiksi RemajaWhat if the bad skater meets the brainy jerk who lives with the same village and same school? Magkakaroon ba sila ng isang magandang pagsasama oh hanggang alitan at asaran na lang tatakbo ang buhay nila sa isa't isa?