Chapter 58

76 2 0
                                    

Malapit na matapos. Kaunting kembot na lang -MBD013

Syempre walang dumaan na araw na hindi kami magkasama ni Michael. Halos buong araw nga yata ay magkasama na kami pwera lang sa pagtulog. Madalas din niya ako sunduin at ihatid papunta sa iba't ibang appointments ko. Pero one time ng sunduin ako ni Michael ay hindi ko inexpected ang mangyayari.

"Anak, may kotse na sa labas baka nandyan na si Michael"

"Opo ma papaba na"

Dali dali akong lumabas ng gate kahit hindi pa masyado maayos ang pagkakasuklay ko sa buhok ko. Excited na naman kasi ako makita si Michael e. Alam nyo na, landi alert.

Pero pag tingin ko ay ibang kotse ang naaninag ko. Hindi ito ang kotse ni Michael. Hindi rin siya ang lalaking nakasandal sa pintuan ng kotse nya. Si James Federicko Sy.

"Oh? Ikaw pala! Akala ko naman si Michael na e"

"Sakay ka na" sabay bukas nya sa pintuan ng kotse. Omo. First time nya gawin to sa akin at first time sya naghintay sa akin sa labas ng kotse! Pero nagdadalawang isip pa din ako. Alam ko namang hindi ko na nasasabayan si Jf pero ineexpect ako ni Michael na sumabay sa kanya.

Bigla namang may pumarada sa tapat ng bahay namin. Kotse pa lang alam na alam ko na kung sino e.

"Oh James, bakit ka nandito?" Sabay halik sa akin ni Michael sa pisngi.

"Hahatid ko si Christine sa school. Tutal naman ako naman naghahatid sa kanya e. Tara na, Christine"

Pinigilan sya ni Michael at nakita kong iba ang tingin ni Jf dito.. Parang galit.

"Ako na maghahatid sa girlfriend ko. Hassle pa sayo pati gusto ko talaga masolo yung oras nya, kaya if you'll excuse us" sabay hablot sa kamay ko si Michael at sinakay ako sa kotse.

Woooh! Flash back na naman. Alam nyo simula ng araw na iyon, hindi na ako kinikibo ni Jf. Hindi na sya gaya ng dati na mangungulit sa text at magpapapansin sa akin kapag alam nya na busy ako. In short, lumalayo na sya sa akin.

Hindi ko sya makausap dahil nagkainitan na sila ni Michael at sa tuwing binabanggit ko na kakausapin ko si Jf ay nagagalit ito. Ayoko namang isipin na nagseselos sya dahil ang tingin ko lang kay Jf ay isang kaibigan.

Ngunit talagang mapaglaro nga talaga ang tadhana. Sabado ngayon, araw eto na wala si Michael sa tabi ko dahil sa family bonding or should I say relatives bonding na ginaganap nila ngayon. Mag isa lamang akong naglalakad lakad sa mall. Hindi ko na din inabala pa ang mga kaibigan ko sa kadahilanang gusto ko mapag isa muna.

Nahagip ng aking mga mata ang pamilyar na likod ng lalaki. Kwelyo pa lang at tindig nito ay kilala ko na ang lalaking nasa isang boutique na nasa aking harapan. Namimili siya ng mga panibagong suit at polo na sa tingin ko ay gagamitin na din niya mamaya.

"Hindi ka na talaga natigil sa pagbili ng damit, Jf" pasulpot kong sabi na halatang ikinagulat nya. Hindi ako pinansin nito at sa halip ay pumunta sa dressing room. Confirmed nga talagang iniiwasan nya ako.

"Lumayo ka na sa akin. Lalayo na din ako sayo" sabay alis nito at iniwan ako mag isa sa boutique.

Taena ano ba kasing problema? One thing I know is kaibigan ko sya pero bakit sobrang nagagambala sya at hinahayaan nyang masira ang pagkakaibigan namin? Or baka naman may hindi pa ako alam na pilit na tinatago at nililihim nya sa akin maging ang aking nobyo.

Umuwi ako, pagod. Hindi dahil sa paglilibot ko kundi sa pag iisip. Ayoko namang ipakita ito kay Michael dahil alam ko mag aaway kami kapag nalaman niyang si Jf ang rason lalo na't in 5 days ay tuluyan na naman siyang babalik ng America. Time flies so fast ika nga.

From: Michael

I want you to meet me the next day after tomorrow sa Qc. I'll just text you the address

That's the last text I received the other day. And this is the day he is talking about. Dalawang araw na walang dalaw, dalawang araw na walang text at dalawang araw na hindi ako tinatawagan. I'm starting to bother dahil I'm left here with no idea at sa isang araw, aalis na ito. I guess another good bye literally?

Natanggap ko na ang address that he is talking about. I dressed up beautifully and headed to approach the cab along the way. Binigay ko ang address na natanggap ko luckily, the cab's driver knows the place.

Binaba ako nito sa kanto. Sinabi nya na private subdivision daw ito at wala syang sticker kaya't hindi makakapasok ang kanyang sasakyan. So, I manage to walk.

Matahimik, walang katao tao at puno ng puno at bushes ang paligid. Halos wala kang makikitang bahay. Minsan may madadaanan ako kaso abandoned ang iba.

Until I reached the sign that says: Follow the yellow line. At dahil nga masunuring bata ako, syempre sinunod ko yon. Habang sinusundan ko, kakaibang kabog ng dibdib ang nararamdaman ko. Hindi ko maipaliwanag ngunit parang sasabog ang dibdib ko sa sobrang kakabahan.

Nahagip ng aking mga mata ang mukha ng aking mga kaibigan. Wearing a nice coat and dress. Naroon rin ang mga kaibigan ni Michael at gayon na din ang aking Ina at sina Tita Mel. All of this place is full of lights, roses and tables. Nag sisimula na ding dumilim dahil sa sasapit na gabi.

Mas lalo akong lumapit sa maliit na entablado doon. Nakangiti sa akin ang lahat ng saksi sa hindi ko mawaring pangyayari. Naluluha na ako dahil alam ko kung sino ang bukod tanging may pakulo nito.

Sa isang sulok ay nakita ko ang isang lalaking naka suit and tie na may hawak na bulaklak. Bouquet of sunflowers.

"Hi" he said with a handsome voice.

"Hi, pretty boy" I said at hinigit ang kanyang tie.

"Sadista ka ha! Anyway, for you" at inabot naman niya ang bouquet ng bulaklak.

Kinuha niya ang mikropono. Tinap ito upang matesting kung nagana ito. Hindi pa nakuntento at umubo pa sa mikropono.

"I am very glad that all of our beloved family and friends are here tonight to witness the most important announcement tonight" he said at lahat naman kami ay nakikinig.

He holds my hand at tumitig sa akin ng nakakatunaw. Ano to! Ano ba nangyayari dito?

"This girl infront of you is the girl that I dreamed off to be with me someday. The girl who gives me so much to live for and fight for all the things that come and go in my life. Now, in behalf of my parents and friends most especially to the mother of this awesome girl..."

Lumuhod ito sa akin at may inilabas na maliit na box mula sa bulsa ng kanyang suit. OH MY GOD NALULUHA NA AKO NATULO NA TALAGA!

"Will you marry me... as soon as I came back?" He said. Naghiyawan naman ang mga taong saksi sa proposal na ito. Nakita ko ang expression ng nanay ko, naluluha ito sabay palakpak gayon din si Tita Mel. Ang mga kaibigan ko naman ay sumisipol at sumisigaw.

"You are the only girl I want to spend my life with"

The Skater meets The Jerk (On Going Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon