Chapter 5

215 4 0
                                    

“Were here jerk”

Hindi ko alam na nakatulog pala ako sa byahe. Sobrang traffic kasi kanina at isa pa sobrang nakakapagod ang araw na ito.

“Jerk! Gising na nandito na tayo sa bahay nyo”

Hindi pa din ako nagigising kaya niyugyog ako nang niyugyog ni hambog na talagang ikinagalit ko.

“Ano ba!!! Natutulog yung tao istorbo ka naman dyan!”

“Hello? Kanina pa kita ginigising dyan kasi nandito na tayo sa bahay nyo. Pinahirapan mo ako tapos magagalit ka dyan”

“Malay ko ba! Napasarap lang tulog no parang ikaw kahapon HAHAHA”

Kumunot ang noo nya at nagbago ang kanyang mood. Bumaba na ako dahil baka kung ano pa ang gawin nya sa akin. Pagbaba ko ay mabilis nyang pinaandar ang kotse at pinasok sa bahay nila. Tanaw ko pa din sya kahit hanggang pagpasok nya ng bahay nila.

Ibang klase naman tong lalaking to napaka moody daig pa ang babae e. May PMS ata. Pagkapasok naman nya ay pumasok na din ako sa bahay. Nakita ko si Mommy na nagluluto nang paborito kong Bicol Express. Bukod pa rito ay may niluto din syang Inihaw na Bangus, Pinakbet at Porkchop.

“Wow ma ang sasarap naman ng luto mo. Bakit ang dami naman ata?” Sabay hawak ko sa tyan ko na kumukulo na sa sarap nang mga putahe.

“Dito mag didinner si Tita Mel at ang asawa nya pero hindi kasama si Michael dahil may lakad daw mamayang 8pm”

“Mabuti naman” Bulong ko sa sarili ko.

Pumanhik na ako sa taas ang nagpalit nang damit. Tinanggal ko na din ang puyod ko dahil buhaghagan na naman ito mamaya sa tagal na naka ipit. Dumungaw ako sa bintana para silipin si Mokong. Katapat ko lang kasi ang bintana ng kwarto nya. Gaya ko ay only child din sya pero malas ni Tita Mel sa kanya. Nababalitaan ko kasi na madalas ay wala ito sa kanila at sa kalsada lagi lumalagi para mag skate. Parang wala din silang anak sa lagay na yun.

Nakita ko si Mokong na nagpapalit ng t-shirt. Hindi ko maiwasang mapatingin sa katawan nya lalo na sa abs nya. Nastuck na ang mga mata ko 4 pack abs nya. Sht ang yummy!

Konting konti na lang ay mapapalaway na ako. Medyo malayo kasi pero kita ko ang korte. Nagulat ako na humarap sya sa bintana. Nakita nya ako na nakatingin sa kanya kaya dali dali kong sinara ang kurtina.

Nakakahiya baka ano pa isipin nya.Sigurado ako tutuksuhin nanaman nya ako bukas. Wag naman po sana.

Maya maya ay dumungaw ulit ako sa bintana para tignan kung nandoon pa din sya kaso nakita kong nakasara na ang ilaw at ang kurtina nya. Sinilip ko din kung nandoon ang kotse nya, wala rin to. Wala pa namang 8pm pero an gaga naman ata nya mag gala.

“Christine bumaba ka na dito. Kakain na tayo nina Tita Elena mo” Sigaw ni Mama.

Kahit kalian talaga hindi ako inakyatan ni mama para sabihing kakain na. Lagi nya dinadaan sa sigaw parati.

“Pababa na po ako Ma”

Pagkatapos ko mag ayos nang sarili ko ay bumaba na rin ako. Noong una ay iniisip ko baka nandito din si Michael pero imposible mamaya magkaasaran pa kami sa harap nang mga magulang namin.

Tama ang hinala ko na wala nga sya dito. Tanging kaming apat lang ang kakain ngayong gabi.

“Mukhang pinaghandaan mo hija ang dinner natin ah” Nakangiting sabi ni Tita Mel sa akin.

Nakashorts kasi ako, may suot na headband at naka pang tshirt na pang alis ako. Kalimitan kasi sa bahay naka panjamas ako at sando lang.

“Ay hehe hindi naman po”

The Skater meets The Jerk (On Going Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon