Chapter 32
Maaga ako gumising. Hindi dahil papasok ako ng maaga… kundi para dalawin si Michael. Aaminin ko na nagalit ako sa nanay ko dahil sa ginawa nya kagabi. Pero hindi ako masamang anak para magtanim ng sama ng loob sa kanya.
Bago ako umalis ay nag iwan ako ng note sa may mesa kung saan madaling mababasa ni Ina. Tulog pa sya ng ganitong oras. Hindi na din ako nagpaalam kay Yaya dahil alam ko pipigilan ako noon.
“Hello Mark?” sambit ko sa telepono. Narinig kong humihikab hikab pa si Mark. Nako patay nagising ko yata.
“Hmm? Aga mo namang tumawag”
“Nako nagising ata kita. Wag na lang.. matulog ka na lang ulit”
“Hindi. Ano ba yun?”
At dahil desperada na ako, inaya ko na si Mark na samahan ako. Una dahil wala pang sasakyan ng 5am ng umaga sa village namin. Malayo kung lalakarin ito. Kaya ayun, nagpahatid ako sa kanya.
“Sige. Will be there by 5:30”
Mabait si Mark kaya sya ang una kong hiningan ng tulong. Hindi din nya alam na sa ospital ako pupunta. Saka na lang kapag andito na sya.
Nag antay lang ako sa tapat ng gate namin. Maya’t maya naman ang tingin ko sa Iphone ko para tumingin sa oras. Sheez.. pakiramdam ko ang tagal ng oras. 5:17 pa lang -__-
Wala na akong ginawa kundi umikot ng umikot sa labas ng bahay namin. Naiinip ako kahit alam kong wala pa namang 5;30. Gusto ko lang talaga makita sya..
Maya maya pa ay may sasakyang tumigil sa harapan ko. Napatingala ako at tinignan ang lalaking papalabas sa pintuan ng mismong kotse na iyon. Tama, si Mark ito.
Tumingin ako sa wristwatch ko ang nakita kong eksaktong 5:30 ng umaga ay nakarating sya. Napangiti ako sa katotohanang sobra pala talagang mahalaga ang isang Christine Toledo sa isang Mark Escoto.. unfortunately, hindi kami tugma.
“Oh ano nginingiti mo? Tara na! Siguro naman sobrang halaga ng pupuntahan mo at ginising mo pa ako ng ganitong kaaga diba?”
Hindi ko alam kung may PMS ba ang lalaking ‘to oh kulang lang sa tulog kaya nagsusungit -_- dahil may utang na loob ako sa kanya, hindi ko na lang sya inimikan at pumasok na sa loob ng kotse. Ke aga aga makikipagtalo pa ba ako?
“Where to go?” he said while driving the car slowly.
“St. Luke’s please. I’m about to visit someone who is apparently dying.. I think” pagsusungit ko sa kanya. Bukod kasi sa ang bagal ng takbo ng kotse nya, ibang klase din mag PMS ang lalaking ito. Nakakaasar na ha!
“Sino naman? And why dying? Nasa critical stage na ba sya?”
Hindi ako umimik. Naiinis kasi ako sa fact na wala akong ka alam alam sa jowa ko na nakaratay nap ala sya sa hospital 2 days ago. And hindi ko pa din maintindihan bakit sa akin pa nila ililihim ang ganitong bagay knowing that WE are very CLOSE to each OTHER.
Nagkibit balikat sya. Siguro nagets na din nya ang silence ko. Pinaandar nya ng mabilis ang kotse at matahimik na minaneho ito papunta sa destinasyon namin. Psh maalam din naman pala makaramdam ang isang ito.
“We’re here”
Sa puntong pagkasabi nya noon ay dali dali kong binuksan ang pintuan at bumaba na ng kotse. Hindi ko na inantay pa si Mark at bagkus ay sya itong sumunod sa patutunguhan ko.
“Miss saan ang room ni Mr. Michael Bryan Burgos?”
“Sa 306 po Ma’am”
After knowing the room number ay kaagad akong pumila sa elevator pinindot ang up button. At ito namang kasama ko, nanlalaki ang mata sa akin.
BINABASA MO ANG
The Skater meets The Jerk (On Going Story)
Teen FictionWhat if the bad skater meets the brainy jerk who lives with the same village and same school? Magkakaroon ba sila ng isang magandang pagsasama oh hanggang alitan at asaran na lang tatakbo ang buhay nila sa isa't isa?