All day ay nakatingin lang ako sa likod ko. Pinagmamasdan ko ang hambog na mokong na mayabang na panget.
OOOPS! “Panget nga ba?”Sabi ng munting tinig sa isip ko. FINE FINE. GWAPO NA SYA. BET KO NA E HAMBOG LANG. Ibang klase tong lalaking to. Biruin mo Chemistry ang subject na to! Tinutulugan lang nya?! And come to think of it hindi sya sinisita ng Professor namin. Ang favoritism nga naman.
I focused on my prof’s discussion. Nagulat kaming lahat nang makarinig kami ng harok galing sa room na ito. Isa lang ang suspetsa ko at yun ay si Mr. Skater Hambog.
Tinginan kaming lahat sa kanya. Nakakatawa sya natulo pa ang laway nya. Ganyan ba talaga sya matulog? Gwapo nga baboy naman. Naramdaman kong nagpipigil ng tawa ang mga kaklase ko pati si Prof. Konti na lang ay sasabog na ang mga bunganga namin sa itsura nya.
Sinita na sya ni Prof. dahil nakakagambala na sya sa klase. Bakas pa rin sa mga kaklase ko ang pagkakatuwa nila sa nasasaksihan. Ang mga katabi ko naman ay tawang tawa na din. Ang mga ateng talaga.
“Mr. Burgos! Wake up.”
Aba hindi nagisiging ang mokong. Tulog mantika ang isang ito ah. Nilapitan pa sya ni Prof.
“Mr. Burgos I said wake up!”
Lalapit na sana ang tropahan ni Mr. Skater boy nang biglang harangan sya ng mga kamay ni Prof. Ana.
“I can handle this. Please take your seats the two of you”
Dismayadong umupo ang dalawang mokong at hinayaang si Prof. Ana ang dumiskarteng gisingin sya. Nilapit nya ang bibig nya sa tenga ni Mr. hambog at sumigaw.
“MR. BURGOS WAKE UP!”
Nagulat naman si Hambog at nataranta. Hindi alam ang gagawin hanggang sa nakita nyang nakatingin sa kanya si Prof. Ana. Hindi na namin napigilang lahat ang aming mga tawa. Pati si Prof ay nakitawa na din.
Lumabas si Skater Boy pati ang mga alagad nya. Kitang kita mo sa reaksyon nya na desmiyado sya sa nangyari. Tumingin siya ng masama sa aming lahat at sinabi nya saming “This is not over yet” then exit ang hambogs.
Nagulat sila sa sinabing iyon ni Burgos. Ang iba ay nanlalaki ang mata at natatakot. Di naiwasan ang usap usapan sa loob ng room.
“Creepy Te. Mukhang may pagbabanta ang words ni Fafa Burgos ha. Masamang galitin napipikon sister.” Nakaturo pa si Rowell sa upuan ni Hambog.
“Buti nga sa kanya no. He deserves it. Hambog sya at pa chill chill lang sa klase. Major to bruha major. Di dapat tinutulugan ang heavy units like this.”
“Oo na te. Umiral na naman ang pagka prioritize ng pag aaral sayo. Kaya ka nababagsagan jerk e. You don’t know how to make fun. Puro books and studies na lang ba ang buhay mo?” Seryoso pa ang pagsabi sa akin noon ni Cess. Palibhasa puro BH ang alam ng dalawa kong bestfriends. Boys are very important to them. Minsan napipilitan na lang ako makijoin sa trip nila. Magaganda naman taste nila e. Bet ko din kaso palihim din akong kinikilig.
“NBSB ka kasi te. Kami kahit sinong chikabengeng hihitain namin. Ang beauty naming dalawa hindi pwedeng ihide te. Ireveal dapat. Pak kung pak ganern” With hand gestures pa ang baklang to. Kung sabagay sandamakmak na din kasi ang mga naging jowa ng dalawang to. Basta gwapo go sila pero pag panget disappointment gosh.
Nag pa dismiss na sawakas si Prof. Kumakalam na ang sikmura ko sa gutom. Pano ba naman at 2 hours ang Chemistry nag extend pa sya dahil kay Hambogs na agaw eksena pa kanina.
Dumiretso kami sa Cafeteria na nagmamadali. Hatak hatak ko yung dalawa. Si bakleng nag fofoundation pa habang hila hila ko. Baklang to may taglay na kalandian sa katawan.
BINABASA MO ANG
The Skater meets The Jerk (On Going Story)
Novela JuvenilWhat if the bad skater meets the brainy jerk who lives with the same village and same school? Magkakaroon ba sila ng isang magandang pagsasama oh hanggang alitan at asaran na lang tatakbo ang buhay nila sa isa't isa?