Chapter 36
“Okay na ba ang lahat? Yung manila papers paki sulatan na kaagad okay?”
It has been a busy day for me kasi kaliwa’t kanan ang reportings ng grupo namin kaya kahit lunch time ay gumagawa ako ng reports.
“Wag mo masyado kabugin yan Christine. Hindi ka pa nakain tandaan mo yan! Masstress ka nyan sige”
“Kailangan ko tapusin to Cess. Ayoko naman na iasa lang to sa mga ka grupo ko mas maganda kung pinaghandaan talaga”
“Wag mo ko lokohin! Next week pa yang report na yan. Nakalimutan mo na bang magkaklase tayo sa Chemistry? Ang sabihin mo nagpapakabusy ka para makalimutan mo si Michael”
Tama sya. Matagal pa tong ginagawa kong report. Hindi ko alam pero parang iniiwasan ko talaga si Michael kasi kaklase ko sya in almost all of my subjects.
“Halata ba talaga?”
“Sobra. Alam mo bang kanina ka pa tinititigan ni Michael kaso ikaw todo iwas talaga. Nakakaawa tuloy si fafa”
“Tignan mo! Walang balak mag sorry o magexplain sa akin. Meaning guilty talaga sya. Totoong hindi nya ako minahal at niloko lang! Sorry na lang sya”
Buo na ang desisyon ko na tapusin na kung ano tong nararamdaman ko sa kanya. Kahit ayaw ko, kailangan ko sya iwasan dahil ayokong masaktan ng paulit ulit.
Ngayong alam ng mga kaibigan kong wala na akong masasandalan kundi sila, kahit kalian ay hindi nila ako hinayaang nag iisa. Kung dati rati ay hinahatid ko na lang sila sa gate, ngayon sila na ang naghahatid sa akin sa bahay.
Aaminin ko na bawat sandal na nag iisa ako, hindi mawala sa isip ko lahat ng pinagsamahan namin ni Michael. Naiiyak ako dahil nanghihinayang ako sa mga masasayang araw na kasama ko sya.
Pero sa kabila dun, naisip ko na lahat naman ng iyon ay peke lang. pinakagat lang nya talaga ako sa bitag nya at pinaikot ng malaman nyang mahal ko sya.
Sa ngayon, nasa process pa din ako ng pag momove on at aaminin ko na hindi pala talaga madali burahin ang pagmamahal mo sa isang tao.
“Halika na Christine. Sabi din ng nanay mo na ilabas ka namin. Nawalan nga ng 3 araw na pasok, nagmumukmok ka naman dyan”
“Ayoko. Wala ako sa mood dito na lang ako sa kwarto”
“Ay nako! Para saan pa’t kaibigan mo kami. Papasayahin ka namin okay? Tyaka may surprise kami sayo”
“Ano nanaman yan?”
“Sumama ka na lang! Dali magbihis ka na”
Dahil sa kakulitan ng mga kaibigan ko, pumayag na akong sumama sa trip at lakad nila. Katatapos lang ng examination at binigyan kami ng kaunting pahinga ng department namin pero ako, I spend time looking at the ceiling.
Dinala nila ako sa bar na madalas na tinatambayan nina Cess. Dito raw ay nawawala ang stress nila at puro kasiyahan ang hatid.
Dahil hindi ako party girl, naupo lang ako sa gilid at tinititigan ko lang sina Cess na nasayaw kasama ang iba’t ibang lalaki sa paligid nila. Pervert si Cess pero never sya nagkama ng lalaki. Hanggang halik lang ang kaya nya ibigay.
Si Rowell naman, madami na halos naikama kaso pagkatapos ng one night stand nila iniiwan na sya ng lalaki at tangay pa ang pera nya.
“Ano ka ba Christine! Dinala ka namin dito para magsaya hindi para manood lang sa amin. Eto, uminom ka. Sagot ko lahat ng iinumin mo basta magsaya ka lang ha?”
“Cess naman alam mo namang hindi ako nainom diba?”
“Pwes ngayon matututunan mo na. Shot na Christine!”
Nagdalawang isip pa ako kung iinumin ko ba yung alak na inalok sa akin ni Cess kaso masyadong madaming tao sa paligid ko na nasigaw ng “SHOT” kaya no choice, ininom ko din.
“Yan! Tama yan. Eto pa. Inom ka lang ha”
Dahil nagustuhan ko yung binigay sa akin ni Cess ay nakadami rin ako ng inom. Nakilang balik ako sa counter para kumuha ng 3-5 bote ng alak at nilaklak ito mag isa.
“Yes!! Sayaw pa tayo Cess. C’mon” sigaw ko habang nagsasayaw sa gitna kasama ang mga kaibigan ko at ang mga lalaking nakapalibot sa amin.
“Hi Miss, ang ganda mo ah. Mind to dance with you?” sabi sa akin ng isang mestisong lalaki na matangkad at malaki ang katawan.
At dahil wala na ako sa aking sarili ay agad naman akong pumayag at nakisayaw sa kanya. Lingid naman sa kaalaman ko ay binabastos nap ala ako nito at hinahalikan.
“Hoy gago ka ah! Layuan mo sya” sabay suntok ng isang lalaki sa mestiso kong kasama. Hindi ko masyado maaninag ang lalaking iyon dahil nahihilo na ako at nasusuka dahil sa dami ng aking ininom.
PAK
Nagpalitan sila ng suntok. Agad namang umawat ang mga staff ng bar kay mestiso at kay mystery guy. Pinalabas kami ng bar dahil sa gulo na sinapit namin.
“Okay ka lang ba Christine?”
“Okay lang ako. Medyo nahihilo ako e. Bakit ka ba nandito? Sino ka ba?”
“Ako si… Sht Christine bakit mo ako sinukahan”
“Pasensya ka na savior ko ha hindi ko na napigilan e”
Agad naman akong binuhat ni savior at pinasok sa kotse nya. Dahil walang tama si Rowell, sya na din ang naghatid kay Cess pauwi ng bahay nila.
“Ano ba kasing naisip mo at nag bar kayo ng mga kaibigan mo?”
“Para makalimot sa ginawa ng hayop na yun sa akin pati ni Mark na kasangkot pa sa kahayuapn ng lalaking yun. Kung alam mo lang kung gaano ko kamahal ang lalaking yon! Tapos malalaman ko si Micah pala ang mahal nya at ginamit nya lang ako. Ang sakit kaya. Ikaw ba naranasan mo na ba to?”
“Hindi naman masama si Mark. Hindi ka din naman pinagtaksilan ni Michael. Sobrang mahal ka nung taong yon at alam ko na kapakanan mo lang ang iniintindi nilang dalawa”
“Zzzzzz”
“Patay. Tinulugan pa ako!”
Dahil sa sobrang antok ko at sobrang hilo ay hindi ko na napigilan pa na makatulog ako. Hindi ko man masyado naikwento kay savior ang pinagdadaanan ko, sana kung isa man sya sa mga tinutukoy ko, makonsensya sila sa sinabi ko at kinakaharap ko.
“Tita, nalasing po si Christine. Buti na lang tinawagan ako ni Rowell kaagad kundi mababastos ng husto ang anak nyo”
“Nako salamat Mark ha? Dapat pala hindi ko pinasama ang anak ko sa mga kaibigan nya. Nakalimutan ko nga pala na parehong bar hopping ang alam ng mga yun”
“Wala yun tita. Basta para kay Christine”
“Swerte ng anak ko at madami syang kaibigan na nagmamalasakit sa kanya. Halos ilang araw ko na kasi syang nakikitang matamlay. Hindi naman nya nakekwento sa akin”
“Wag po kayo mag alala. Kakausapin ko po ang anak nyo”
“Salamat Mark ha? Ingat ka sa byahe mo”
-
“WAAAAH! Ina! May nag rape sa akin!”
“Ano ba yan Christine! Ke aga aga sigaw ka ng sigaw dyan!”
“Ma! Bakit hubad ako? May nag rape ba sa akin? Nirape ba ako nung savior ko?”
“Ha? Sinong savior?... Ahhh.. Si Mark? Hinatid ka nya dito kagabi matapos kang malasing ng mga kaibigan mo. Buti na lamang at nandun sya kundi, mararape ka talaga”
Biglang pumasok sa isip ko lahat ng nangyari kagabi. Ngunit madami doon ang di ko na maalala dala ng sobrang pagkakalasing ko.
“Kaya anak, tawagan mo mamaya si Mark ha? Magpasalamat ka”
Hindi kaagad ako nakaimik. Galit pa rin ako sa kanya. Pareho kasi silang sinungaling ni Michael. Akala ko totoong kaibigan sya pero eto pinagkaisahan pa nila ako.
BINABASA MO ANG
The Skater meets The Jerk (On Going Story)
Teen FictionWhat if the bad skater meets the brainy jerk who lives with the same village and same school? Magkakaroon ba sila ng isang magandang pagsasama oh hanggang alitan at asaran na lang tatakbo ang buhay nila sa isa't isa?