"What?! I'm pregnant? Pero we did it once.. How come nabuntis agad ako?"
"Maybe your partner put through enough to bear you a child. Miss Christine, you cannot tell on how many times you will do it to have a child. Sometimes, once is enough and that's the same scenario for you. Anyway, if you don't mind, i have your medications here to protect your baby. If in case you experience spotting, immediately come to my clinic so I can see if your baby is safe and ofcourse, eat healthy foods para hindi maging malnourish ang bata na ilalabas mo. It's difficult to lose a baby on your first time so I suggest to have a healthy diet"
Wala ako naintindihan sa sinabi ng doctor ko. Ang bukod tanging iniisip ko ay kung matutuwa ba si Michael na magka anak kami. We never planned to have a baby yet kasi we are Engineers. We travel around the country and we promised each other to have a stable work first before thinking for making a baby pero sa tantya ko -- napaaga yata kami.
"Are you listening? It's very important to note every details I've said to you"
"Doc, I'm her mother. Maybe we should talk outside and discuss everything about it. Nagulat pa yata ang anak ko sa pangyayari kaya natahimik siya... and the bills, I will settle it"
"Ganoon ba? Siguro nga kasi she looks young and fresh to raise a child. Sige ma'am, this way" pagkarinig ko ng pagbagsak ng pinto ay nagmadali akong kuhanin ang telepono ko sa bulsa ng mga damit ko.
"Oh my! Nasa bahay yata ang phone ko. Wait, baka nandito sa bag ni Mom ang phone nya" hinalughog ko ang laman ng LV bag ng nanay ko dahil kating kati na akong tawagan si Michael. I need him here at gusto ko malaman ang ekspresyon nya sa balitang ito.
"Sis! Anong ginagawa mo? Bakit ka tumayo agad!" Natatarantang lumapit sa akin si Cess at si Mark. Hindi ko pa din sila pinansin pero nahagip kaagad ako ni Mark kaya hindi natuloy ang paglabas ko.
"Ano ba napasok sa utak mo?! Mag pahinga ka nga muna. Alam na naming buntis ka okay? Makasasama sayo na magpaka stress ka! Believe me, mahirap kapag masyado ka naging emotional.. You may harm the baby"
Natauhan ako sa sinabi ni Cess lalo na ng marinig ko sa kanya yung salitang "you may harm the baby" ayoko. Ayoko na may mangyaring masama sa anak ko. Hindi purkit wala pa sya sa plano namin, hindi pa din ako gagawa ng ikasasama sa kanya.
"S-si M-michael..." Hindi ko natuloy ang sasabihi ko dahil bumuhos na ang mga luha na nanggaling aa mata ko.
"Sshhh.. Wag mo muna intindihin si Michael. Isipin mo naman kalagayan mo. Dalawa na kayo kaya dapat doble ingat ka. Alagaan mo naman ang sarili mo"
"Hindi mo naiintindihan. Kailangan ko sya dito. Kailangan nya malamang may anak na kami. Natatakot ako.. wala pa sa plano namin to.. baka itakwil nya ang bata" nagbuntong hininga si Cess. Sinusubukan nya akong pakalmahin pero hindi padin enough ang katotohanang nalilimutan ako ng mapapangasawa ko.
"Wag ka mag alala, Christine. Hahanapin ko si Michael. Hindi ako uuwi hangga't hindi ko sya nadadala dito" biglang singit ni Mark.
"Hon, ano ka ba. Baka mapahamak ka pa dyan sa gagawin mo e"
"Hon, ayoko makitang ganyan si Christine. Alam mo namang matalik na kaibigan nya din ako at nangako ako sa kanyang aalagaan ko sya. Babalik din ako kaagad okay? For now, bantayan mo muna si Christine. I have to go" nakahawak sa kamay ni Mark si Cess pero eventually, kumawala na ito at tumango, saka naman ito umalis.
"Don't worry, Christine. Alam ko gagawin lahat ni Mark para mahanap si Michael" I nodded. Kahit na may ibang buhay na si Mark ay hindi pa din nawawala sa kanya ang pagmamalasakit sa akin at sa nararamdaman ko. Naiintindihan naman iyon ni Cess kaya't mabuti na lang ay hindi ako naiisipang pagselosan nito.
MICHAEL'S POV
Hindi ko alam kung bakit ganoon na lanh kabilos magbago ang mood ni Christine. Madalas na umiinit ang ulo nito sa akin and I started to bother. Hindi kaya napapagod na to sa kung anong meron kami? Minadali ko ba siya? Nagkamali ba ako ng mga desisyon sa buhay?
Nandito ako ngayon sa bar sa may QC. Lumayo layo muna ako para makapag isip. Wala akong balak iwanan si Christine pero binibigyan ko muna siya ng oras pang sarili baka yun ang solusyon sa biglaang pagbabago nya.
"One glass of Jack Daniel's please" a man's voice spoke. Malapit lang ito sa akin and I did not bother to look at him.
"Here you go, Sir Reign"
Reign? Napalingon ako sa lalaking katabi ko at nagulat naman ako ng makita kong si Reign nga ito. Ang kaibigan ko sa America for five years. Akalain mo, makikita ko pala siya dito?
"Uy, Michael! Kailan ka pa nakauwi?"
"A month ago. Ikaw? Taena hindi ko ineexpect na makikita kita dito ah?"
Napatingin ito sa engagement ring na suot ko. After graduation ay umuwi na ito sa Pilipinas, at kami naman ni Top ay nag abalang magtayo ng business sa America.
"Are you engaged?"
"Yup. Sa July 15 na ang kasal ko. Oh wait... Eto may invitation ako para sayo. Top will also be at my wedding and he will fly here in less than a week"
"Biruin mo yon, Michael! Tinali mo na kaagad si Christine? Isang taon pa lang ang nakakalipas simula ng makagraduate tayo. Don't tell me, nabuntis mo?"
Napatawa naman ako sa sinabi ni Reign. Ang gagong to, alam naman nyang may business pa ako na inaasikaso kaya hindi pa muna pwede.
"Hindi syempre. Nangako kasi ako sa kanya na papakasalan ko sya once na umuwi ako dito sa Pilipinas. And here we are, in less than 2 weeks, ikakasal na kami"
"Ang kj mo naman. Alam mo ba kami ni Selena, trabaho muna inuna namin bago ang kasal kasal na yan. Ineenjoy ko pa kasi ang pagiging single. Sabi kasi ng tatay ko, once you're tied up, hahanap hanapin mo na ang kasiyahan ng isang single na lalaki"
"Buo na din naman ang desisyon ko. Matagal halos bago ko nakasama si Christine kaya ngayon, hindi ko na sya papakawalan. Pero to be honest, simula ng nakasama ko sya, ngayon na lang ako nakalabas at nakapag bar. Busy kasi ako sa prep ng kasal namin e at isa pa, nagkaroon lang kami ng kaunting away"
"Ayan na nga ba sinasabi ko. Hindi pa kayo kasal pero nag aaway na kayo. At ikaw, you spend your night here in the bar instead of pleasing her. Ibang klase ka talaga" ininom nya ang natitirang alak sa shot glass nya pagkatapos nya sabihin iyon sa akin.
"Hindi mo kasi magets, pare. Lately, nag iiba na kasi ang mood ni Christine. Minsan masaya tapos mamaya mag iinit ang ulo. Wala pa akong ginagawa, ang nagger nagger na nya. At ito pa, one time she asked me to buy strawberries sa Baguio. Akalain mo yon?"
"Dude, binuntis mo yata e. Girls are really moody and demanding kapag preggy sila. Nag iiba rin ang taste buds nila kapag buntis sila"
"Gago ka! Isang beses lang naman namim ginawa yon e. Imposible namang mabuo agad and besides, hindi pa pwede. Wala pa sa plano namin dahil may maiiwan akong negosyo kapag nagkataon"
"Edi ganito na lang, para makasigurado ka, ipa check up mo yang mapapangasawa mo para masagot na etong paghihinala natin"
Natahimik naman ako sa sinabi ni Reign and at the same time, napaisip. What if buntis nga talaga siya? Pero hindi pwede e. Isang beses lang naman namin ginawa yon... Oo nakailang putok ako sa kanya.. Pero.. Hindi talaga pwede, mawawala lahat ng pinaghirapan ko kapag nagkataon.
Umalis ako ng bar dala dala ang kotse ko. Pinaharurot ko iyon kung saan saan dahil wala na ako sa tamang pag iisip. Hanggang sa naisip ko na dalhin ko ang kotse sa abandonadong gusali ng dati kong shop.
Tumambay ako doon at sinimulang hithitin ng sunod sunod ang sigarilyo ko.
Hindi pwede to. Hindi maaari.
Nagulat ako ng bigla na lamang may humawak sa balikat ko. Lumingon ako upang makita kung sino ito at nanlaki naman ang mga mata ko ng makita ko siya.
"Micah?"
Read: http://www.wattpad.com/story/39961502?utm_content=share_reading&utm_medium=link&utm_source=android
BINABASA MO ANG
The Skater meets The Jerk (On Going Story)
Novela JuvenilWhat if the bad skater meets the brainy jerk who lives with the same village and same school? Magkakaroon ba sila ng isang magandang pagsasama oh hanggang alitan at asaran na lang tatakbo ang buhay nila sa isa't isa?