Chapter 13

189 4 0
                                    

Chapter 13:

Buo klase namin ay katabi ko lang si hambog. Kitang kita ko sa kanya na nagbabago na talaga sya. He’s taking down notes, listening to our professor and he’s even reciting to our class. Nakakaperfect na din sya mga seatworks and homeworks na binibigay sa amin.

Matalino din pala ang hambog na ito. Konting sipag lang pala talaga ang kailangan niya.

After class ay nakita ko si Mark na nag aantay sa labas ng room ko. Ayokong makita sya ni Michael at baka bugbugin nanaman sya nito. Habang nakopya pa ng notes ko si Michael ay pasimpleng lumabas muna ako at kinausap ko si Mark.

“Ano ginagawa mo dito? Baka makita ka ni Michael!” hinihila ko pa si Mark papalayo sa room ko.

“Namiss kita e. Eto oh brownies. Uuna na din naman ako pagkatapos ko ibigay to e. Ingat ka pag uwi ha” napangiti ako sa ginawa nya. He never fails to make me smile. Habang papalayo sya ay kumakaway pa din sya kahit malayo na sya. Tama naman siguro na si Mark ang piliin ko diba?

“Oh sino may bigay ng brownies na yan?”

“Ay kabute! Ano ba pasulpot sulpot ka naman dyan e!” nagulat ako sa biglaang pagsasalita ng hambog na to. Nasa mode of kilig pa ako bigla namang manggugulat!

“Huy sino nga nagbigay nan!” pangungulit ni hambog na pilit na kinukuha sa akin ang mga brownies.

“Si Rowell! May ano.. may dinaanan kasi sya e pinahabilin nya muna at bukas na lang nya kukunin” pheew. Muntkan nayun ah buti na lang at nakalusot pa ako.

“Kay baklita lang pala. O sya tara na malalate tayo sa party ni Kyle mag aayos pa tayo no” hinatak ako ni hambog at nagmamadali sya bumaba ng hagdan.

Sa di kalayuan ay nakasalubong namin si Micah. Kitang kita nya na hawak hawak ni hambog ang kamay ko. Lumingon ako sa kanya para sabihing walang malisya ang ginagawa nya pero masyado lang talaga kami mabilis ni hambog at hindi na ako nakapag explain.

Nakapagtataka lang din na hindi na nililingon ni hambog si Micah. Base kasi sa mga kwento ni Mark ay laging hinahanap daw ni hambog si Micah. Hmmm siguro baka hindi lang nya talaga ito napansin.

“Oh magbihis ka na! Ayan costume mo. Dalian mo ha mamake-upan pa natin sarili natin” binato nya sa akin ang costume ko sakto pa sa mukha ko. Grabe tong lalaking to masyadong sadista!

Pumunta ako sa Girl’s Restroom at nagpalit. Sakto walang katao-tao. Habang nagpapalit ako sa loob ng cubicle ay nakarinig ako ng yapak at ng mga boses papasok sa CR.

“Micah nakita mo ba yung nangyari kanina? Like that girl is having something with Michael. Lagi ko sila nakikita magkasama and lately, they’re holding each other’s hand. Bakit mo pinapalampas ang mga ganitong eksena?”

“Calm down girls. Nag uumpisa pa lang naman ang storya e. marami pang pwedeng mangyari at madami pa akong pwedeng gawin. Once I have Michael back, Mark and Christine will taste of their own medicine”

Napatakip ako sa aking bibig. Nagulat ako sa narinig ko. Tama ba lahat ng linyang narinig kokay Micah? Akala ko from the start she’s really a nice person yun pala ginagamit nya lang ako? Pati si Mark dinadamay na din nya. I should have known better.

Nang maramdaman kong nakaalis na sila ng CR ay lumabas na din ako sa cubicle. Tumingin ako sa salamin at pinagmasdan ang aking mukha. Bakit ba ako naiipit sa ganitong sitwasyon? Ano ba talaga ang nagawa ko? Tumulong lang naman ako and I’m just trying to be nice pero parang ako pa yata ang napapasama.

Lumabas ako ng CR na hindi maganda ang mood ko. Napansin iyon ni Michael dahil sa buong byahe ay tahimik lang ako at nakatingin lang sa daan.

“Michael iuwi mo na ako. Okay lang na ipagkalat mo mga nangyari kahapon. I just need some rest please”

The Skater meets The Jerk (On Going Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon