Chapter 28
Beware of foul words!
“Bakit nakabusangot ka? Alam mo di bagay sayo ang ganyang mukha” muling pangungulit ni Cross habang sinasabayan nya ako sa paglalakad.
“E ano naman sayo kung ganito itsura ko? Wala ako sa mood ngayon Cross. Wag ka munang makulit okay? Tsaka isa pa wala ka pa bang meeting with the orgs?” pagsususngit ko namang sagot kay Cross na tila di yata natatalaban ng aking sungit powers.
“Meron na mamaya. 2 orgs ng engineering agad ang makikipag usap sa amin. May papagawa daw sila. Dapat nga kahapon makikipag usap na kami dun sa isa kaso yung officer daw ng org nila umalis ng alas sais. E siya yung maghahandle sa amin”
Cool sya sumagot at maamo ang boses. Para bang nakikipag usap ka sa isang matinong lalaki pero pag titignan mo muli ang mukha nako! Mukhang basagulerong tambay sa kanto dyan sa Taft.
“Ano ba talent nyo bukod sa pangbubugbog?” inemphasize ko ang PANGBUBUGBOG para malaman nya kung ano ang pinaparating ko.
“5 kaming dating grupo ng banda. Ako ang lead vocalist. Yung pito naman na natitira ay sumali sa skate contest kaya wag mo kami mamaliitin!”
Halos nangangalahating oras na din kaming magkausap ni Cross. Kung saan saan na din kami nadadala ng paa namin pero wala kaming pakielam dahil nag eenjoy ako kausap sya. Kung aalamin mo naman pala ang ugali nya ay masasabi mong mabait din pala ito.
“O paano….ano—“
“Christine Toledo. Call me tin :)”
“Oh sya Tin mauuna na ako. 2pm na kasi may meeting pa kami sa orgs nyo. Salamat sa oras mo!”
Umalis sya at iniwan sa akin ang ngiti sa aking mukha. Ang lalaking dahilan ng pagkabadtrip ko kahapon ay napaltan na ng pagka goodvibes ngayon.
-
“Good afternoon SF Group of Fraternity, Manila chapter. Welcome to DLSU’s Engineering Campaign Group. And we’re very glad to have you here in our campus as well as in our org.” - Committee
“It’s my pleasure too to have us here. So where are we going to start?” –Cross
“Let’s just wait for the officers and the head so we can talk about the project we like to deal with you” - Committee
5 mins later
“Ah they are here. SF Group meet the officers and the head of our org” – Committee.
“IKAW?! Anong ginagawa mo dito?!” namumula sa galit na sabi ni Michael ng makita ang SF.
“Magkakilala kayo?” singit namang sabi ng committee ng org na kung saan ay kinabibilangan ni Michael ngayon.
“Oo naman magkakilalang magkakilala kami”
Hindi naging halos mapanatag ang loob ni Michael sa meeting. Nakatuon lang ang atensyon nya kay Cross na kasalukuyang nakikinig sa sinasabi ng isa sa mga officers ng org nila.
“Sino bang hayop ang nagpasok sa kanila dito”
Matapos ang meeting ay naglabasan na din ang committee at ang officers. Tanging si Cross at Michael na lamang ang naiwan sa org room.
“Ano ba talagang pakay mo at nandito ka?! Maliwanag na ang usapan natin noong isang araw. Hindi mo pwedeng galawin si Christine! Kaya please lang layuan mo sya”
“Chill! Mabait naman pala ang Christine mo e. Masarap kausap at kasama. Konti na lang baka maging close kami”
“Gago ka! Sinasamantala mo ang kahinaan ko! Palibhasa alam mo na busy ako. Siguro sinadya mo ding makapasok sa campus at sa org namin! Hayop ka”
“Sabi ko naman sayo. Wag mo kalabanin ang pamilya namin. Ngayon lahat kayo damay damay sa gulong ‘to”
Umalis si Cross at ngumisi kay Michael. Naiwan naman si Michael mag isa sa org room na punong puno ng galit at nyerbyos sa mukha.
-
“GAGO KA MARK! Ikaw siguro nagpasok sa fraternity mo dito sa campus ano?! Ano pa bang gulo ang gusto mong hayop ka!”
Nagkasalubong si Mark at Michael matapos na maganap ang org meeting nila sa fraternity kung saan kinabibilangan ni Mark. Malakas kasi ang suspetsa ni Michael na pakana ni Mark ito kaya’t nandito ngayon ang grupo nila.
“Ano bang pinagsasabi mo dyan? Wala akong alam sa pagpasok ng SF sa campus okay? Matagal na din akong tumiwalag sa grupo ng malaman ko kung ano ba talaga ang adhikain nila”
Hawak hawak ni Michael ang kuwelyo ni Mark. Nakumbinsi sya sa sinabi ni Mark kaya’t binitawan nya ito.
Marami ding nakasaksi sa ginawa nya at sa pagtataas nya ng boses. Ayaw nyang mabahiran ng masamang imahe sa tao ngayong nagpapakitang gilas sya sa Organization nila.
“Pare! Ingatan mo si Christine. Hindi mo dapat sya hinahayaang mag isa lamang dahil hindi mo alam kung anong pwedeng gawin ni Cross sa kanya”
“Alam ko ang sinasabi mo. Nakausap ko si Cross noong gabing sinabihan nya akong idala si Christine sa meeting place na gusto nya. Hindi ko alam na ang pagdala ko sa kanya doon ang magiging dahilan kung bakit gusto nyang makuha si Christine.”
“Mabuti pa, bantayan na lamang natin ng maigi si Christine. Alam ko naman na busy ka ngayon kaya’t hayaan mo na munang ako ang magbantay sa kanya. Kung ako’y pahihintulutan mo”
Madaling napapayag ni Mark si Michael dahil kapakanan ngayon ng babaeng parehong mahal nila ang nakasalalay dito.
5:16 pm
“He loves me, he loves me not, he loves me..” kasalukuyan ako ngayong nagtatanggal ng petals ng bulaklak. Sobrang bored na bored na kasi ako at nag iisa lang ako sa hut ngayon malapit sa org room nina Michael.
Nagbabakasali ako na makita ko sya ngayon sa tapat ng org room nila. Sobrang namimiss ko na talaga sya at sabik na akong makasama syang muli.
Ngunit sa pagmuni muni ko ay napansin ko ang isang lalaking papalapit sa direksyon ko. Tirik ang buhok at punong puno ito ng hikaw. Gwapo at chinito ang mata. Si Cross.
“Kamusta magandang binibini?” bati nya sa akin sabay kuha sa bulaklak na aking pinaglalaruan
“Eto super bored. Kamusta naman ba yung meeting nyo? Nakausap mo si Michael? Yung gwapong skater?” pagtatanong kong pabalik sa kanya.
Nag iba ang ekspresyon ng mukha nya ng masabi ko ang pangalan ng taong mahal ko. Ano kayang meron?
“Kaano ano mo ba si Burgos?” muli nyang pagtatanong.
“Hmmm. Kapitbahay, driver at mahal ko” nakangiti pa ako sa kanya ng sabihin ko iyon.
“Hindi mo ba alam na malaki ang atraso nya sa kapatid ko? Nasira ang balat niya sa mukha dahil sa asido. Nagtangka itong magpakamatay dahil sa lalaking iyon. Wala syang puso at ginawa nyang saktan ang kapatid ko”
Sa sinabi nyang iyon ay nagulat ako. Totoo ba na may kinalaman iyon sa kanya? Oh baka naman gawa gawa lang nya iyon? Ngunit kilalang kilala nya si Michael.
“Ano sinabi mo? Gaano ba kalaki ang kasalanan ni Michael para magpakamatay ang babaeng iyon?”
“Mabuti pa sa kanya mo na itanong iyan. Sinasabi ko sayo ito Christine para hindi pa sya makasakit ng iba. Baka this time, sya pa ang pumatay sayo”
Hindi ko man alam ang totoo pero nangangamba akong baka tama sya. Eto ba yung nangyari nung isang gabi kung saan may kausap sya sa telepono? Hindi kaya kausap nya noon ang pamilya ni Cross at sinusubukan nilang hulihin si Michael?
Napaka misteryoso talaga ng pagdadating ni Cross at maging ang katauhan ng lalaking mahal ko.
BINABASA MO ANG
The Skater meets The Jerk (On Going Story)
Подростковая литератураWhat if the bad skater meets the brainy jerk who lives with the same village and same school? Magkakaroon ba sila ng isang magandang pagsasama oh hanggang alitan at asaran na lang tatakbo ang buhay nila sa isa't isa?