Chapter 25

121 2 0
                                    

Chapter 25

Nang marating namin ang aking bahay, hindi kaagad ako bumaba ng kotse. Inaantay ko syang magsalita kahit isang word lang bago ako pumasok sa bahay.

Tulala syang nakatingin sa side mirror nya at inaantay na bumaba ako ng sasakyan nya. What’s got into him? Eto pa ang iaakto nyang ugali sa akin ngayon?!

Bumaba ako ng kotse at padabog na sinara ang pintuan nito. Mukhang wala lang sa kanya ang ginawa ko dahil ganoon pa rin ang ekspresyon ng kanyang mukha. Mabilis nyang pinaandar ang kotse nya at tila naglaho ito na parang bula.

“Bahala ka sa buhay mo”

-

“Bakit ganyan mukha mo? Nanlalaki na din yang eyebags mo. Siguro naglampungan kayo kagabi ni fafa ano?” pagpuna ng bakla kong kaibigan habang inilalagay ang pulang lipstick nya sa kanya labi.

Ngunit hindi ako umimik sa kanya. Naksubsob pa din ang mukha ko sa lamesa at pumipikit pikit dala na din ng sobrang pagkakaantok.

“Nako bakla baka napuyat sa ginawa nilang milagro kagabi. Christine malaki ba?” hirit naman ni Cess at nag apir pa ang dalawa sabay halakhak ng sobrang lakas.

“Ano ba! Walang nangyari kagabi no. Alas kwatro na kasi ako nakatulog kaya ganito ako ngayon. Konti na lang nga at makakatulog na ako e” tuluyan ng pumikit ang mata ko pagkatapos ko sabihin ang mga salitang iyon sa mga kaibigan ko.

Wala na akong magawa dahil sobrang antok na antok na talaga ako. Napuyat ba naman ako kaka antay sa mokong na yun. Akala ko kasi magtetext sya o kaya tatawag sa akin. Silip din ako ng silip sa bintana ko para tignan kung nakauwi na sya pati ang kotse nya. Kaso dala ng pag aantay… nakatulog na din ako at walang napala.

“AAAAAAHHHHHH! ANDYAN NA SILA!! TAKBO!”

Nagising ako sa sigaw ng kababaihan sa loob ng cafeteria. Pagmulat ng aking mga mata ay nakita kong nagkakagulo ang mga tao at kanya kanya sila ng alis sa kanilang kinauupuan.

Pare pareho kami ng kaibigan ko na nakatunganga lamang at walang kaalam alam sa nangyayari. Kahit mga kalalakihan ay nagsisitakbuhan din at halos wala ng pakielam kahit matapon ang dala dala nilang pagkain.

“Miss anong meron? Bakit nagkakagulo kayo?” nagtataka kong tanong sa babaeng dumaan sa table namin na patuloy pa ding himihiyaw at nagpapanic.

“Hindi nyo ba alam? O talagang wala kayong pakielam sa nangyayari?” pa intense na sagot ng bruhang ito. Magtatanong ba naman kami kung alam namin diba?

“Sabunutan ko kaya ‘to?” bulong sa akin ni Cess na napipikon na din sa babaeng ito.

“Darating ngayon yung Fraternity ni Mark Escoto. Hindi nyo ba alam na ang fraternity nya ay isa sa sikat na fraternity sa Manila? Lahat na halos na fraternity ay napatumba nila at isa pa walang sinasanto ang grupo nila. Maharangan mo lang ang dinadaanan nila ay susuntukin ka na nito” nanginginig na sabi ng babae habang palinga linga sa labas.

“Ano?! Hindi ba’t bawal sa campus na ito ang mga fraternity na iyan? Bakit pinahintulutan nila na makapasok sila dito?”

“May guesting sila sa Engineering Week at kailangan nilang maki-cooperate mamaya kasama ang iba’t ibang orgs ng Engineering. Malakas ang kapit ni mark kaya kahit manggulo sila dito ay wala lang pakielam ang school.”

Umalis na din ang babaeng ng mapansing palapit na ng palapit ang grupong tinutukoy nila. Isa isa ko sila binilang gamit ang index finger ko at ng matapos ako sa pagbilang ay napag alaman kong dose silang lahat. Pare pareho silang nakaitim at punong puno ng hikaw ang tenga, labi, ilong at dila. Tirik na tirik din ang buhok nila at may itim na eyeliner sa may mata nila.

The Skater meets The Jerk (On Going Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon