Maaga ako nagprepare ng umagahan namin ni jerk. Este ng girlfriend ko. Ayoko kasi na lumabas pa sya ng quarters lalo na sa kalagayan nya kaya't naisip ko na handaan sya ng food in bed.
"La la la.. Uhm yeah.. La la la" Wala akong ibang ginawa kundi sumayaw at kumanta habang nagluluto. Ramdam ko kasi yong kanta. Pang energetic talaga lalo ngayong umaga.
I'm preparing Hotdogs, Eggs, bacon and Chocolate drink. Gusto ko kasi na heavy meal na ang kainin nya para umpisa pa lang ng araw, may lakas na sya. Habang naghahanda naman ako ng utensils at plates ay hinanda ko na rin ang gamot nya. Ipinag init ko na din sya ng tubig para sa pang ligo nya. Kinacareer ko na talaga ang pag aalaga sa kanya.
"Babe! Gising na! Here's your breakfast in bed" hiyaw ko sa kwarto. Tulog na tulog ito, nakanganga pa nga e. Binaba ko naman ang dala dala ko at sinimulan syang kuhanan ng litrato. Remembrance para sa pag alis ko.
"Michael naman e. Inaantok pa ako hindi ako sanay na ganitong oras nagigising"
Pinilit ko pa din siyang itayo. Pahirapan man, sa huli ay napapayag ko na din naman ito. Hindi ko alam kung ano ang sumapi sa akin at bigla ko nagawa lahat ng ito sakanya. Siguro... Siguro sinusulit ko na lang talaga ang mga araw namin.
Kring Kring..
Dali dali ko namang dinukot sa bulsa ko ang aking cellphone. Baka mamaya emergency to or what.
Mom Calling..
Oh shit! Sasagutin ko ba to?! Baka mamaya nagsumbong na pala si doktora kay Mom. Kainis na matandang yun oh! Sya na nga binayaran ng malaki, sya pa tong walang utang na loob. Lumabas naman ako ng kwarto saglit. Ayoko kasi na marinig ni Tin ang usapan namin... Baka mamaya lalo pa makadagdag sa dalahin ni Tin ngayon.
"Hello, Ma? Bakit ka napatawag"
"Ano ka bang bata ka! Saan ba kayo naroon ni Christine? Akala ko naman aalis lang kayo saglit. Wag mong sabihin saking itinanan mo ang babaeng yan para di ka makasama sa amin sa America? Malilintikan ka talaga---"
"Relaks, Ma! Nandito kami sa resthouse ngayon. Sinosolo ko lang ang girlfriend ko. Tutal matagal ko syang hindi makakasama. Hayaan nyo na muna kami at sinisiguro ko naman sa inyong uuwi ako dyan bukas. Sasama ako"
Narinig ko naman na biglang sumaya ang boses ng nanay ko. Kasama pala niya si Tita dahil pareho silang umiirit. Hala? Ano meron?
"Anak baka naman mamaya dalhan mo na agad kami ng apo ha? Masyado pa akong bata para maging lola" and again narinig ko nanaman ang tawa nila. Jusko, kung di ko lang nanay to maiisip ko na kakalabas lang nila ng mental hospital.
"Ma naman! Alam nyo naman si Tin, masyadong tutok sa pag aaral. Sigurado ako magtatapos muna yon bago pumasok sa kokote nya yun"
"Ikaw naman anak binibiro ka lang! O sya mauna na kami. Siguraduhin mo lang na uuwi kayo agad ha. Gym muna kami ng Tita mo"
Ibang klase talaga ang dalawang yon pag nagsama. Mag kaibigan nga talaga sila.
"Bakit ang tagal mo?" Sambit ni Tin sa akin pagka pasok ko sa loob. Napansin ko din na ubos na ang pagkain niya sa plato.
"Ah wala tumawag lang si Mom. Hinahanap tayo. Pero nabanggit ko naman na nandito tayo at uuwi tayo bukas"
Ngumiti naman ito sa akin at hinila ako. Ang lapit lapit ng mukha nya. Baka mamaya magwala na naman ang alaga ko. Oh noes!
"I love you. Thank you for taking care of me" sambit nito sabay tayo at labas ng kwarto. Nagulat ako dahil naglalakad ito ng isang paa lang ang gamit. Susundan ko sana kaso humiyaw ito.
BINABASA MO ANG
The Skater meets The Jerk (On Going Story)
Teen FictionWhat if the bad skater meets the brainy jerk who lives with the same village and same school? Magkakaroon ba sila ng isang magandang pagsasama oh hanggang alitan at asaran na lang tatakbo ang buhay nila sa isa't isa?