Chapter 24
“Mukhang iba ang ihip ng hangin ngayon ah” panunukso ni Cess sa aming dalawa ni Christine.
“Oo nga fafa. Bati na ba kayo?” dagdag naman ni Rowell.
Ngumiti lang kaming dalawa ni Christine. Nang ilipat ko ang aking kamay sa balikat ni Christine ay tila na gets na nila ang nais kong iparating.
Naghiyawan sina Cess at Rowell. Lahat ng tao ay napatingin sa direksyon namin dahil sa lakas ng boses nila mula sa corridor.
“OMG! Kayo na te?” Nanlalaki pa din ang mata ni Cess habang sinasabi nya iyon. Ang bilis nga naman kasi ng pangyayari kaya kahit ako sa kalagayan ni Cess ay talagang magugulat.
Hindi pa din nagsasalita si Christine at tahimik lang syang nakatingin sa mga kaibigan. Gusto nya ata na ako ang magsabi sa mga kaibigan nya. Kailan pa sya nahiya sa mga ‘to?
Lumapit ako kay Cess at bumulong. Nagtaka naman si Tin kung bakit hindi ko na lamang sinabi iyon kaharap sya.
“Wag ka muna maingay Cess. Hindi pa naman kami pero nagkaaminan na kahapon nang maiwan nyo kami sa bahay nila. Nais ko sanang ligawan sya dahil ayokong maging kami ng dahil lang sa damdamin na nailahad namin kahapon”
Tumango naman si Cess. Nakangiti sya sa akin at sina Rowell at Christine naman ay walang ka ide-ideya sa aking sinabi.
Matapos ng sandaling iyon ay nagtungo na kami sa aming klase. Ngayong okay na kami ulit ay umupo na ako sa tabihan nya. Madami ding nakapansin ng paglipat ko ng upuan kabilang na ang mga kaibigan ko.
CHRISTINE’S POV
“Bye Cess! Bye Rowell! Mag iingat kayo” Kinawayan ko ang mga kaibigan ko habang papauwi na sila. Hinatid ko sila sa gate dahil umuulan at ni isa sa kanilang dalawa ay walang dalang payong.
Mag isa lamang ako ngayong hapon. Kaninang ala-una ay inexcuse si Michael ng student council para sa isang meeting. Malapit na raw kasi ang Engineering Week sa kolehiyo kaya’t naatasan sya na mag set ng isa sa mga programa.
“Nakakainis. Ano bang oras matatapos ang mokong na ‘yon? Halos apat na oras na ang nakakalipas” napapapadyak na lang ako dala ng sobrang pagkainip na sinabayan pa ng malakas na agos ng ulan.
Habang naglalakad lakad ako sa kawalan ay napapansin kong may nasunod sa akin. Lumingon naman ako ngunit wala naman akong nakitang tao na nasa likuran ko. Nagpatuloy ako sa paglalakad… marahil ay imagination ko lamang ang lahat.
Maya maya pa ay naramdaman ko na namang may nasunod sa akin. Hindi ako lumingon, bagkus ay minadalian ko ang aking paglalakad.
“Christine…” Isang boses ng lalaki ang narinig ko habang naglalakad ako ng mabilis. Wala na din akong pakielam kung nababasa na ako ng ulan.
Hindi ko namukaan ang boses dahil paos ito pero alam ko na lalaki talaga ang sumusunod sa akin. Hindi pa din ako lumingon at nagpatuloy sa paglalakad.
“Christine. Teka lang! Pwede ba tayo mag uusap?” Sumigaw sya ng malakas at madaming tao ang napalingon. Masyado na akong malayo sa kanya pero hindi ko alam kung bakit napatigil na lamang ako at lumingon sa kanya.
Tumatakbo na sya papalapit sa akin. Gaya ko ay tumatakbo sya sa ulanan. Ang ending… sa daan kami nagharap.
“Gusto ko lang makausap ka. Importante to” Nakumbinsi naman ako ni Mark dahil seryoso ang mukha nya. Is it matter of life and death?
Sumilong kami sa hut malapit sa building ng Engineering. Sobrang basang basa kami at mukhang basang sisiw sa itsura naming dalawa.
Binigyan nya ako ng panyo upang ipangpunas sa katawan ko. Mahirap na din baka magkasakit ako at hindi pa makapasok bukas.
BINABASA MO ANG
The Skater meets The Jerk (On Going Story)
Teen FictionWhat if the bad skater meets the brainy jerk who lives with the same village and same school? Magkakaroon ba sila ng isang magandang pagsasama oh hanggang alitan at asaran na lang tatakbo ang buhay nila sa isa't isa?