Chapter 31
“Ano ba kasing pumasok sa utak mo at tinarayan mo si Cross. Aware kang bad boy diba?!” inis na sambit ni Cess sa akin habang pabalik kami ng campus na 300meters lang ang layo sa Mcdo.
Wala pa kasi talagang alam ang mga kaibigan ko tungkol sa mga nangyayari. Wala silang alam kay Cross. Tanging alam nila ay ang kay Micah.
“Cess, tingin mo may gagawing masama sakin si Cross pagkatapos ng nangyari? Jusko ‘te kinakabahan na ako ngayon pa lang”
“Oo naman ano. Tignan mo yang pasa mo! Sign na yan. Kelan ka ba natuto lumaban? Parang di ko maimagine yun ah” panunukso ni Cess sa akin habang tinitignan ang pasa sa braso ko.
Oo nga. Last kong natandaan na napaaway ako dahil sa attitude ko ay yung kay na Micah at sa whore nyang grupo. Talo ba naman ako! Sabagay ang mga tabachoy insecure sa mga sexy na tulad ko. CHAROT!
“Kamusta na ba si Fafa? Nalunod na ata sa oligasyon nya sa org nila at nakalimutan nang may jowa sya. Nako sister kundi babae ang kaagaw mo, yang org naman. Pasabugin mo na nga yang room nila para wala n pag meetingan”
“Out of country daw. 1 week mawawala. Biglaan nga e ni di man lang ako nainform. Kahit gadgets bawal” matamlay ko namang sagot kay Cess.
“NAKO SISSY! Bakit ngayon pa kung kailang sa Monday na ang Enineering Week?! Akala ko ba handle niya ang grupo ng SF. Paano na magpeperform ang mga papabells ko!” singit naman ni Rowell sa usapan namin.
Oo nga ano. Hindi naman basta basta iiwan ni Michael ang obligasyon nya. Ang pagkakaalam ko kahit sa bahay nila ay tinatapos pa nya trabaho nya dun. And wait, handle nya ang SF? Handle nya sina Cross? Meaning kilala nya yun? Kailan pa? Gulo seryoso.
“handle ni Fafa sina Cross? OMG! Ibig sabihin magsasama din sila magperform? OMG magsasama sama ang mga gwapo sa isang gabi lang!” hiyaw ni Cess sabay irit ni Rowell (nagkasundo pa ang dalawa)
“Hoy! Tuhugin ba naman ang jowa ko! Madami pang iba dyan!”
“Sus ang sabihin mo ayaw mo tuhugin namin yang DALAWANG BOYLET MO. Peg na peg mo ang dalawang lalaking sabay ha”
Jusko. Samahan niyo po ako sa SM at bibili lang ako ng pasensya. Parang mauubos na sa dalawang ito e! Walang alam kaya basta basta makahirit.
Nagmadali na din kaming maglakad ng biglang nag alarm ang phone ko signaling 1 pm na at may klase pa kami. Naenjoy ata ng mga bruha na pagtripan ang buhay ko sa mismong kalsada pa.
Mabilis din naming marating ang kanya kanya naming room. Hindi ko kaklase sila sa subject ko ngayon kaya’t matapos nila akong ihatid ay umalis na din sila para pumasok.
Napansin ko naman agad pagkapasok ko si Micah na todo ang titig sa akin. Omg tama si Rowell. Ang laki ng ikinaganda nya. Miski ang fes ni girl lalong kuminis! Ilang glutathione kaya ang nilaklak ng isang ito?
Dahil sobrang nakaka awkward ay minabuti kong lumayo sa kinauupuan nya. Jusko ano pa bang pampagood vibes ang hatid ninyon lahat sa akin ngayong araw. Talagang malapit na akong pumuntang SM nito!
Nang makapasok na ang prof ay naging panatag na ako. Masipag mag aral si Micah at masasabi kong matalino ito sa subject naming ito. Pansin na pansin ko na tuwing may quizzes kami ay nakakakuha sya ng matataas na marka.
“Micah, why are you absent for the past few weeks? You missed 2 quizzes already. Malapit na ang midterm exam and yet wala ka pang nakukuhang quiz. Are you planning to fail my subject?”
Micah lang talaga ang tawag ni Prof Allan sa kanya. Bukod pa rito ay paborito nya ito dahil pangalawa sya sa magaling sa klase. (syempre ako ang pang una) at paminsan minsan may sulyap din itong kakaiba sa kanya.
BINABASA MO ANG
The Skater meets The Jerk (On Going Story)
Teen FictionWhat if the bad skater meets the brainy jerk who lives with the same village and same school? Magkakaroon ba sila ng isang magandang pagsasama oh hanggang alitan at asaran na lang tatakbo ang buhay nila sa isa't isa?