Chapter 26
Stars
“Hi baby sorry for being late. I missed you” he said as he kissed me on my cheek. Etong lalaking ‘to talaga. Konting lambing lang bumibigay talaga ako sa kanya.
“Okay lang. I know you’re busy with your org. Btw ano pag uusapan natin?” I said dahil curious na curious na talaga ako sa kung ano man ang sasabihin nya.
Umupo sya sa tabi ko at nagsimulang magbuntong hininga. Malalim ito at pagkatapos ay humarap sa akin ng nakangiti. Feeling ko fake smile lang ‘to.
“Hmmm I’m sorry about last night. Mainit lang ulo ko at ang dami ko kasi inaasikaso kaya hindi kita masyadong napapansin. Pero pagkatapos naman ng Engineering Week ay babawi ako sayo. I promise” he said while holding my hands.
“Yun lang?” I don’t know why pero nakukulangan ako sa explanation nya. What about the call? Yung lalaking minura mura nya sa telepono? Is that it? Hindi ba nya ikekwento sa akin ang nangyari pagkatapos nya ako ihatid?
“What? Is there anything you want to know about?” he said habang pinaglalaruan ang deck nya using his right foot.
Ginalaw ko ang ulo ko pointing “Wala” siguro wala naman talagang nangyari kagabi. O baka hindi ko na part pa na malaman yun. Ang sakin lang ayoko ng pinaglilihiman nya ako.
“Let’s go? Baka magalit sa akin si Tita at lagi na kitang inuuwi ng late”
Tumango lang ako at sumunod sa kanya. Napansin nya atang nauuna sya sa akin kaya tumigil sya sa paglalakad at inaantay ako na makalapit sa kanya. He put his arm around my shoulder. He likes doing that and I love it too.
Pagkauwi namin sa bahay ay pinagbuksan nya ako ng pintuan ng kotse. Hindi padin talaga kumukupas ang pagiging gentleman ng isang ‘to. Ngayon pa lang bawing bawi ka na sa akin. He even lifts my bag and brings it to our main door.
Sinuklian ko naman sya ng ngiti. Ramdam ko na din ang pagod nya kaya ayoko na ding patagalin ang usapan namin. Mas makakabuti kung maaga sya makakapagpahinga.
Pagkabukas ko sa aming pintuan ay nagulat ako ng bigla nya ako hinug sa likuran ko. I can feel his body, mainit ito kahit na nakahoody sya. Ang mga braso nyang nakapulupot sa tyan ko at ang mukha nyang tumatama sa ulo ko. He wants me.
“You don’t know how much I missed you. Nababaliw ako kapag hindi kita nakikita at nakakausap” mahina, malambing at malamig ang pagkakabulong nyang iyon sa tenga ko. Damang dama ko ang sinasabi nya sa akin na pawang katotohanan.
Humarap ako sa kanya. Magkadikit ang noo at ilong namin. Our eyes met and our lips is a few inches apart. Ang gwapo nya sobrang nakakapanghina.
“Kanina sa org room namin ilang beses ako napagalitan ng head namin. Ilang beses nya kasi akong nakikitang nakangiti at nakatingin lang sa kawalan” he added and smiles at me.
“bakit nababaliw ka na ba?”
Tumawa sya ng mahina at sinabing “Hindi. Ilang beses kasi kitang iniisip kanina. Kung paano ka ngumiti, kung paano ka magtampo at kung paano ka magsungit”
“Puro panglalait naman ata yang iniisip mo sa akin e!” sabay tapik ko sa braso nyang kasalukuyang nakabalot sa bewang ko.
Ayoko na matapos ang sandaling ito. Pansamantala kong nakakalimutan ang problema ko dahil sa lalaking ito. Dahil sa mahal ko.
Dahan dahan nyang inilalapit ang labi nya sa labi ko. Nag umpisa na din akong pumikit. Nararamdaman ko na ang hinga nya at tuluyan nang….
“Christine anak? Andyan ka na ba?” hiyaw ng nanay ko ng mapansin ang bag ko na nasa tapat halos ng bintana namin.
“Aw bad timing si Tita”
Kumalas ng yakap si Michael sa akin at inayos ang sarili. Humarap kami sa pintuan kung saan binubuksan na ng aking Ina.
“Lagot sakin yang labi mo pag natapos lahat ng Gawain ko” hirit ni Michael na syang nagpangiti sa akin.
“Kanina pa ba kayo riyan? Halika Michael pasok ka muna. Dito ka na maghapunan” pag aaya ng nanay ko.
“Nako Tita di na po. Madami pa po akong tatapusin e. Salamat na lang po”
Hindi ngumingiti si Michael dala na din siguro ng pagkakabitin gawa ng aking Ina. Umalis na din sya pagkatapos na maisara ang pintuan namin.
“Anak ha, napapadalas na yata ang pag uwi nyo ng gabi. Baka mamaya syota mo na yang si Michael nako magagalit ang papa mo”
Napalaki ang mata ko sa sinabi ng nanay ko. Kasalukuyan kaming kumakain at hindi ko inaasahang i-oopen niya ang ganitong usapan.
“Alam mo naman iyang ama mo kahit malaki ka na baby girl pa din ang turing sa’yo. Kaya spoiled na spoiled ka dyan e. Wala naman masama kung kayo ang magkakatuluyan ni Michael pero sana ang Ama mo ang unang makaalam, maliwanag?”
Nagdadalawang isip na tuloy ako kung dapat ko bang sabihin kay Ina na kasalukuyang nagkakaroon ng something sa amin. Kilala ko si ama, uuwi iyon dito kaagad kapag nalaman nyang may lalaking gustong umagaw sa kanya sa akin.
“Uhmm Ina…”
“Mmm bakit?”
“Kasi po kami po ni Mi---“
Kring kring
“nako honey wait lang ha may tawag ako e”
ANO BA NAMAN YAN. Kung kailang handa na sana akong sabihin kay Ina saka naman may istorbong tumawag. Pinagpatuloy ko na lamang ang pagkain ko at mabilis na tinapos ito. Bad timing talaga!
-
Toot toot.
1 new message received.
Nasa kalagitnaaan ako ngayon ng aking pagbabasa ng mapansin kong umilaw at tumunog ang aking telepono. May nagtext at sinubukan ko itong basahin.
From: Michael
Kung tututok ka lamang sa pagbabasa ng isang love story dyan e hindi mo masasaksihan kung gaano kaganda ang langit ngayon. Try to look :-)
Hinawi ko ang kurtina ko at tinignan ang langit. Tama sya maganda ang mga ito. Madaming stars na nagkalat sa alapaap na kumikinang kinang na parang isang ginto.
“Ano masasabi mo? Mas maganda ba ang mga ito sa binabasa mo?” singit ng isang pamilyar na boses na kasulukuyan ang aking pagtingin sa ulap at pagsilay sa kagandahan nito.
“Oo. Paano mo naman nalaman na paborito ko ang pag star gazing?” lumabas ako ng terrace ko upang lalo pang makita ang kalangitan. Sumunod din si Michael at patuloy na nakatingin sa akin.
“Ilang beses na kitang nahuhuling nakatingin sa ulap. Natatandaan mo ba noong gabi na nagbabasa ka ng novel mo sa terrace na iyan? Nandyan ako sa baba at tinititigan ka. Nagtext pa ako noon sayo ng good night hindi ba?”
Napaisip ako sa sinabi nya. Ayun yung araw na hindi sya umuwi sa kanila at ginalit nya ako. Napangiti naman ako dahil kahit noon pa lang pala ay may interes na sya sa akin. Ako lang pala itong bulag na hindi ko napapansing may lihim na syang pagtingin sa akin.
“Alam mo ba mahilig din ako tumingin sa ulap. Mahilig ako mag connect the stars sa tuwing ganito karami ang bituin sa langit. Naniniwala kasi ako na kapag nabuo mo ang pangalan ng mahal mo gamit ang mga stars na iyan ay makakasama mo sya hanggang sa iyong pagtanda” he added. Hindi ako makapaniwala na pati pala siya ay ginagawa ang hilig ko.
Dininggin ng Panginoon ang hinihiling ko noon. Ang makasama ang mahal ko sa pag star gazing. At siya iyon. Ang lalaking una kong minahal at nagpatibok ng puso ko ng ganito.
Umakto sya na kinoconnect ang star gamit ang index finger nya. Ginagawa na nya marahil ang paglagay ng pangalan ng taong mahal nya.
“Ano naman ang nilagay mong pangalan?” sambit ko sa kanya at sa sandaling iyon ay natigil na din ang pag connect nya ng stars.
Tumingin sya sa akin at ngumiti.. “Tin”
BINABASA MO ANG
The Skater meets The Jerk (On Going Story)
Teen FictionWhat if the bad skater meets the brainy jerk who lives with the same village and same school? Magkakaroon ba sila ng isang magandang pagsasama oh hanggang alitan at asaran na lang tatakbo ang buhay nila sa isa't isa?