Dumaan ang madaming linggo at patuloy pa din nagiging maganda ang samahan namin ni James. Madalas na din itong napasok kasi binibigyan ko ito ng death threats hahaha biro lang. Wala kaming romance ekek na nararamdaman kasi pang kaibigan lang talaga. And besides, may nililigawan na yata tong mokong na to. Kada susunduin kasi ako nito sa bahay may dala syang kung ano ano. Ibibigay daw nya sa crush nya. Tapos pag hapon, makikita ko ulit yung nakita ko sa kotse nya. Ang sasabihin nya sa akin. Saka na, nahihiya pa ako e. Ay nako bulok! Torpe!
"Oh! May dala ka na naman. Siguraduhin mo namang natatanggap nong babae yung binibigay mo hindi yung ako ang nakain" sambit ko na naman dahil nakita ko nanaman ang mga chocolates sa likod. Sya na ang driver ko ngayon e.
Oo nga pala. Hindi na James ang tawag ko sa kanya. JF na. Kasi madalas ko na sya tinatawag sa whole name nya. E naiirita sya kaya pinaikli ko na lang. Nabanggit ko na din si JF kay Michael. Pero ang alam lang nya na name nito ay ang JF. Lagi ko nga sya nakekwento sa kanya and Michael is looking forward to see him and meet him.
"Hay nako Christine! Wag mo na ako kulitin about dyan okay? Basta pag gumana yung lakas ng loob ko, edi go. Pero kung hindi.. ubusin mo na lang" palibhasa kasi rich kid tong isang to e. Walang problema sa kanya kung may masayang man. Pero atleast, libre naman. Hahaha.
"Torpe ka talaga! Ipakilala mo na kasi sa akin! Para ako na didiskarte Jf!" Inirapan naman nya ako at hindi ako pinansin. Hay nako! Palagi na namin to pinagtatalunan. Ayoko ng ulit ulitin pa.
Nagbago na din si Jf. Kung dati walang kibuan, ngayon dumadaldal na. Madalas na din sya makisama sa mga tao pati na din sa mga kaibigan ko. Pero ang weird lang kasi sobrang close na sila ng mga kaibigan ni Michael. Aba noong pinakilala ko nga, agad na nagsitakbukhan ang nagyakapan. Long time no see daw.
"Hoy babae baba na! Nag dadaydreaming ka na naman dyan" oo nga pala. Medyo nag story telling na din ako ng kaunti.
Summer na bukas. I mean matatapos na ang klase in one week. Tapos na din ang exams kumbaga pumapasok na lang kami para sa clearance.
"Eto na talaga. Magtatapat na talaga ako sa kanya. Matatapos na kasi ang school e kailan ko na talagang umamin" sambit naman nya. Aba! Parang umiba ihip ng hangin kay papa jf ah?
"Wag ako! Lokohin mo lola mo!"
Aakma sana syang kukunin ang kamay ko pero agad na nahagilap ko ang mukha ni Cess. Humahangos nga e.
"Omygod! Dalian mo Tin! Samahan mo ako. Kasi naman e! Dalian mo" naiwanan ko na si Jf kasi hila hila na ako ni Cess. Umagang umaga ba naman!
Napansin kong madaming tao sa hallway at lahat sa amin nakatingin. I mean kay Princess Marie Balsebas pala. Madami ding nagsasaboy ng bulaklak kay Cess at nagbibigay ng kung ano ano.
Ano naman kaya kinalaman ko dito?
Bigla namang may naririnig kaming natugtog ng gitara at nakanta sa mikropono.
NP: Smile At Me
Funny how I fell for you
Since the day you caught my eye
And my life have never been the same since the day I saw your smile
Syempre kilig na kilig si Cess dahil ang nakantang iyon ay si Mark Escoto. Akalain mo yon? Magagawa pala ni Mark ang bagay na iyon kay Cess. Habang papalapit naman si Mark ay lalong namumula si Cess.
You light my way
You always take my breathe away
You set me free
When everytime you smile at me
Kinuha ni Mark ang kamay na iyon ni Cess at hinalikan. Sabay lumuhod at nilabas ang bulaklak na nakatago sa kanyang likuran.
"Will you be mt girlfriend?" Omy! Eto na nga ba! Eto na nga ba sinasabi ko e. After ng madaming araw, buwan at taon...
"Yes" YAAAAAH MAY BOYFRIEND NA SI CESS!
Syempre hindi ko pinalampas ang pagkakataong ito at kinuhanan sila ng litrato. Matapos iyon ay nagsama ang dalawa. Hay mga love birds!
"Sus! Ano naman kayang romantic doon? Ang sakit nga sa tenga ng boses nya e" nagulat naman daw ako sa boses na iyon ni James.
"Heh! Atleast ginawa nya ang lahat para mapasagot si Cess. Kahit na madami oa ang tao oh! Hindi tulad mo, TORPE"
Sinamaan naman nya ako ng tingin. Hahaha ang sarap talaga asarin ng isang to.
Kriing kriiing.. Oops! That's my phone at alam ko na syempre kung sino ang natawag. Lumayo muna ako sandali habang abala pa si Jf sa pagkuha nya ng form.
"Hi sugarpie! I miss you"
"I miss you too! May good news ako sayo! And I bet matutuwa ka talaga" naexcite naman ako syempre sa sinabi nya. Ano kaya to omg!
"Uuwi ako dyan sa isang araw. It's a one month vacation baby! Magkikita na tayo"
DI NGA? TOTOO BA TO? MAGKIKITA NA ULIT KAMI WAAAAH.
"Talaga?! Baby!!! Excited na ako. Sino susundo sayo? Gusto mo ako na lang?"
"No need. Basta may suprise ako sayo. I can't wait to see you babe. I love you. Beep you later"
GOSH! UUWI NA SYA WAAAAH. EXCITED NA TALAGA AKO. WAIT MAGPAPAPARLOR AKO BUKAS.
"Ano nginingiti mo dyan?" Syempre sino pa ba? Edi si James aka Jf ang nagsalita. Para namang kabute lagi e.
"Secret! Tara na nga tapusin na natin to para di na ako papasok bukas"
Ayoko muna paalam sa kanya. Kasi gusto ko mag meet sila sa isang araw para naman maging magkaibigan din sila gaya namin.
"Magbabalik bayan nga pala yung pinsan ko this coming week. Sama ka samin ha? May dinner kami"
Ha? Ako inaaya nya? Hindi naman ako part ng family nila.
"James Federicko Sy, hindi ako part ng family nyo kaya bakit mo ako isasama? Akina nga yang form ako na magsusulat"
Kinuha ko form nya. Ako na maglalagay ng informations kasi halos lahat naman alam ko. Except pala sa middle initial at middle name nya. Oo nga no? Di nya nababanggit yon?
"Hoy puting mayaman! Ano middle name mo?"
"B---"
"CHRISTIIIINE!!!" Naantala ang usapan namin ng umirit si Rowell. Taena ang sakit langs sa tenga.
"Ano?!"
"Usap usapan na babalik na ang jowa mo dito! Narinig ko sa mga kaibigan nya. Omg! Maghanda ka na!"
"Sinong jowa?" Singit naman ni James. Ay hindi pa nga pala nya kilala si Michael.
"Wala ka na don" tapos ay umalis ako at nakipag kwentuhan kay Rowell. Ays excited much na talaga ako!
BINABASA MO ANG
The Skater meets The Jerk (On Going Story)
Ficção AdolescenteWhat if the bad skater meets the brainy jerk who lives with the same village and same school? Magkakaroon ba sila ng isang magandang pagsasama oh hanggang alitan at asaran na lang tatakbo ang buhay nila sa isa't isa?