Goodbye?
"Tsss! Akala ko hindi ka na pupunta e. Kainis kang babae ka" yakap yakap ko pa din si Tin habang sinasabi iyon. Ewan ko ba, hindi yata ako nahihiya kahit alam kong nanonood si Tita.
"Ikaw naman! Pinaghandaan ko lang talaga tong party mo. Hindi ka ba natutuwa sa look ko?"
Hmmm tama naman sya. Maganda sya ngayon at sobrang nakakapanibago kasi minsan ko lang ito makita ng babaeng babaeng suot. Ngayon lang ba sya naconscious sa sarili nya?
"Tama na yang lampungan nyo anak. Halina kayo at baka mag umpisa na ang opening ceremony" yaya naman ni Tita. Pumagitna sya sa amin. Nang aasar ba tong si Tita?
-
"Alright let's all welcome, Melinda Burgos, Tonio Burgos and Michael Burgos. Let's give them a warm round of applause" hiyaw ng emcee sa mic. Sa totoo lang ayoko magpakita sa madaming tao. Ano to? Artista ba kami at kailangan pa ng ganitong kaartehan?
Feel na feel naman ng nanay ko ang pagkaway sa harap ng madaming tao. Ang tatay ko naman nakikipagkamayan lang sa mga katrabaho nya. At ako? Ayun nginingitian si Tin. Nag gesture kasi sya ng ngumiti ako kaya ayun sinunod ko naman kahit puta nakakainis ang kayabangan ng nanay at tatay ko.
Bumaba na ako at lumapit sa table nina Christine. Kasama sa table namin ang mga kaibigan ko at ang mga kaibigan nya. Too sad wala si Mark.
"Tahimik nyo yatang mag jowa? Ano may lq kayo? Aalis na nga tong isa ayaw nyo pa magkibuan" tukso ni Kenneth sa akin. Oo nga naman ang tahimik ng aura namin ni Tin.
Pumupuslit ang kamay ko sa ilalim ng table. Hinawakan ko ang kamay ng Tin. Nagitla naman ito pero agad na nakipag holding hands sa akin.
"Ay pre wala talagang balak magsalita oh. Mabuti pa magsayawan na lang tayo. Iwanan muna natin ang... Love silent birds" ang tatlong salita sa dulo ay binulong sa amin sa pagitan ng mga tenga namin. Mga loko talaga tong mga to.
Tama, natira nga kami sa table. Hindi ko din alam bakit tahimik si Tin e. Sana naman hindi ito tungkol sa pag alis ko kaya sya tahimik. Napag usapan na namin to ng ilang beses at lalo lang ako mahihirapan umalis kung ganito sya.
"Ehem.." Ubo ko. Lumingon naman sa akin si Tin.
"Babe bakit ang tahimik mo? Something wrong?" Umiling lang si Tin.
"Boring ba ang party? Gutom ka pa ba? Ipagkukuha kita ng makakakain mo" alok ko sa kanya. Baka kasi nagugutom pa to e. Hindi kasi kinibo ang pagkain.
"Babe I'm fine. Gusto ko lang talaga makatabi at makasama sa huling gabi natin. Ayoko lang masyado magsasalita. Baka maiyak lang ako e"
Hay nako. Emosyonal na naman ang mahal ko. Ngumiti ako at inakbayan sya. Nakahiga naman ang ulo niya sa balikat ko.
Nagitla kami pareho ng may kumalabit sa aming likod.
"Ay anak ka ng kabayong kalbo!" Hiya ni Christine.
Tumawa ako ng bahagya. Pucha sa lahat ng sasabihin, ayon pa?! Hahaha
"Te kailan ka pa naging magugulatin?!" Oops. Si Cess pala to.
Tumayo naman si Tin at lumapit kay Cess. Gayon din ako dahil sinundan ko sila na lumalayo sa maiingay na musics.
"Ano ba meron?" Pangunguna ko ng salita sa kanila.
"Relaks ka lang fafa! Anyways, nakita ko kasi si Kenneth na may kahalikan sa banyo.. Hindi ko kasi sinasadya na.. Ano.. Na mabuksan yung cubicle. Aba malay ko bang may tao.. Tyaka ano..."
BINABASA MO ANG
The Skater meets The Jerk (On Going Story)
Novela JuvenilWhat if the bad skater meets the brainy jerk who lives with the same village and same school? Magkakaroon ba sila ng isang magandang pagsasama oh hanggang alitan at asaran na lang tatakbo ang buhay nila sa isa't isa?