Chapter 29:
“Nandyan ka lang pala baby. Kanina pa kita hinahanap ah” aakmang yayapusin ako ni Michael ngunit lumayo ako sa kanya.
Napansin naman nya ang pag iiba ko ng trato sa kanya kaya’t muli nya akong nilapitan at hinawakan ang aking kamay.
“Nagtatampo ka ba dahil di ako nakasipot sa Lunch kanina? Pasensya ka na baby ha? Sobrang dami ko kasi talagang Gawain. Mahirap pala talaga maging officer, lahat na halos ng gawa—“
“Kilala mo ba si Cross? Ano ang issue mo sa kanila at sa kapatid nya?” hindi ko pinatapos ang sasabihin niya. Oo at may bahaging may tampo ako sa kanya dahil sa hindi nya pagsipot ngunit parang mas matimbang ang sinabi ni Cross kanina na dapat kong malaman mula sa lalaking mahal ko.
“Baby, nilalapitan ka ba ni Cross? Lumayo ka sa kanya okay? Hindi magandang sinasamahan mo sya”
“SUMAGOT KA SA TANONG KO! Totoo bang may kinalaman ka kung kaya’t nais magpakamatay ng kapatid niya?!” galit na ang tono ko. Sa tagal ng usapan na ito ay atat na atat na ako sa kung ano man ang katotohanan.
“Christine makinig ka sa akin okay? Nakilala mo ako bilang isang gangster na walang inatupag kundi ang pang sariling kasiyahan. Hindi ako masamang tao gaya ng iniisip mo bagkus ay sinusubukan ko maging isang mabuting anak, kaibigan at boyfriend sayo. Akala ko ba kilala mo ako? Bakit mo ako pinagbibintangan ng ganyan? Mas maniniwala ka ba kay Cross kaysa sa akin?”
Tama sya. Kilala ko sya maging ang mga pinagdaanan niya sa buhay. Naging isang gangster nga sya noon ngunit napagbago ko ito at ngayo’y isang huwaran na bilang isang officer ng Organization. Kung tutuusin ay dapat na mas maniwala ako sa kanya kumpara sa lalaking kakakilala ko lang.
Ngunit minsan, sa buhay natin ay may mga pagsubok talaga na tatahak sa magandang samahan ninyo ng iyong minamahal. Susubukin nito kung gaano kayo katatag despite of problems hindi dahil sa wala akong tiwala sa kanya ngunit dahil ayoko na maging ganoon sya.
“Pasensya ka na. naguluhan lang kasi ako dahil seryosong sinasabi iyo ni Cross sa akin kanina kaya’t nakumbinsi nya akong maitanong ito sa iyo ngayon”
“Naiintindihan naman kita. Madami lang talagang tao ang gustong sumira sa relasyon ng iba. Ipangako mo sa akin na iiwasan mo na si Cross okay?”
“Opo baby. Promise pero bumawi ka muna sa akin ngayon”
Mabilis nyang hinawakan ang kamay ko at nagmamadaling tumakbo papalapit sa kotse nya. Habang nagmamaneho sya ay hawak hawak nito ang kamay ko. hindi nya ito tinatanggal kahit pa mangalay ito.
“Sya nga pala. Nagtataka na si Ina sa atin. Madalas na daw kasi tayo ginagabi ng uwi baka raw syota na kita. Nako alam mo naman ang Ama ko masyadong protective sa akin diba?” paninimula ko ng usapan habang nasa kotse kami at nag aantay na mag green ang stoplight.
“Ano naman sinabi mo? Pasensya ka na ha? Ginabi nanaman tayo baka suspetsahan ka nanaman ni Tita. Gusto mo ba kausapin ko sya tungkol sa atin?”
“Gusto ko na nga din sanang sabihin kay Ina kaso ang sabi nya dapat si Ama muna ang makaalam”
Nakita ko ang ekspresyon ni Michael. Tila ang masayang mukha nya ay napaltan ng tension. Hindi pa man nya lubos na kilala ang aking ama ngunit sa mga kwento ko noon sa kanya ay kinilabutan siya.
“Sigurado ka ba dyan? Kalian natin sya kakausapin?”
“Makipag video call ka kay Ama tapos kausapin natin sya tungkol dito. Okay ba yun?”
Tumango sya at ngumiti sa akin. Niyakap nya ako ng mahigpit at bumulong sa akin “Lahat gagawin ko para walang humadlang sa relasyon natin. Para di ka mawala sa akin”
BINABASA MO ANG
The Skater meets The Jerk (On Going Story)
Teen FictionWhat if the bad skater meets the brainy jerk who lives with the same village and same school? Magkakaroon ba sila ng isang magandang pagsasama oh hanggang alitan at asaran na lang tatakbo ang buhay nila sa isa't isa?