STAR'S POV
GRABE napaka guwapo niya talaga! Hindi ako magsasawang titigan ang kaisa-isa kong litrato niya na ginupit ko pa sa napulot kong diyaryo. Wala naman kasi akong perang pambili dahil isang dakilang hampas lupa lang ako. Pangkain nga wala, tapos uunahin ko pa bang bumili ng kung ano-anong bagay na hindi naman tutugon sa kumakalam kong sikmura.
Kuntento na ako sa isang picture na meron ako, ang mahalaga makita ko lang ang napaka guwapo niyang mukha, sapat na ito bilang inspiration ko para magpatuloy sa araw-araw kong buhay.
Muli ko pang tinitigan ang litrato niya. Napaka guwapo niya talaga, napaka kisig, napakasarap at higit sa lahat napaka bait. Proven na iyon, marami ng nagpatotoo na mabait siya at may mabuting puso. Siya na talaga, kaya naman sobrang love na love ko siya.
Hinaplos-haplos ko ang mukha niya at dahan-dahan ko itong nilapit sa aking mukha. Ayan na... kaunti na lang magdidikit na ang aming mga labi. Ipinikit ko ang aking mga mata para mas damang-dama.
"Hoy, Starla! Nangangarap ka na naman ng gising!"
Napatalon ako sa gulat ng biglang umentrada-oh mas tamang sabihin na 'umepal' ang magaling kong kaibigan na si Tesbam.
"Apura na naman ang pagpapantansiya mo riyan kay-ano nga ulit ang pangalan niyan?" tanong pa ni Tesbam. Ewan ko ba dito sa baklang 'to, hobby niya na talaga siguro na sirain ang moment ko with my bebeloves.
"Alam mo ikaw, Tesbam. Kahit kailan ang epal mo rin 'no?" asik ko sa kaniya.
"Eh prend naman kasi, nagmumukha ka ng tanga sa ginagawa mong iyan. Biruin mo naman kasi, lagi mong kausap ang kapirasong diyaryo na iyan na ninakaw mo pa sa nagtitinda ng tinapa," aniya.
"FYI, Tesbam na kinabog pa ang sexbomb! Hindi ko ito ninakaw, napulot ko ito!" singhal ko sa kaniya.
"Ay, oo nga pala. Napulot mo nga pala iyan, naalala ko na. Paano ko ba naman kasi makakalimutan, e hinalungkay mo pa iyan sa basurahan."
"Oh, tapos? Kung makaarte ka diyan parang hindi ka nangangalkal ng basura. Para sabihin ko sayo at baka lang din kasi nakakalimutan mo. Ang pangangalkal ng basura, iyan kinabubuhay natin. Kairita ka gurl!"
"Hoy, Starla. Huwag mo ako paandran ng mga galit-galitan school of acting mo. Bentang-benta na iyan, isang kurot sa singit lang naman ang katapat mo," aniya.
"Palibhasa kasi 'yong singit mo mabaho kaya hindi makurot," asar ko sa kaniya.
"Gurl, wala namang personalan. Nakakasakit ka na ng damdamin," pagdadarama niya.
"Ikaw naman hindi mabiro, para namang naamoy ko na ang singit mo... at lalo namang wala akong balak na amuyin, mahal ko pa ang buhay ko," usal ko.
"Wow, ah! Parang ang pinapalabas mo nakakamatay ang amoy ng singit ko. Galing mo talaga, Starla. Isa kang dakilang judgemental," matabang na sabi niya.
Nag-peace sign ako sa kaniya. "Sorry na prend. Bati na tayo," suyo ko sa kaniya.
"Ano pa nga bang magagawa ko, para namang kayang kitang tiisin," aniya sabay irap.
"Siyempre hindi mo kaya. Kasi kapag nawala ako, panigurado wala ng tatangkilik ng mga binebenta mong expired na sabon"
"Hoy, Starlang bakla! Bunganga mo baka may makarinig sayo, bruha ka! Sisirain mo ang negosiyo ko!" tumitiling sabi niya sabay dali-daling tinakpan ang bibig ko.
Nag peace sign ulit ako. "Sorry, prend."
Tutal na sabi ko na rin. Oo nagtitinda si Tesbam-actually kami pala, kasama ako. Nagtitinda kami ng expired na pampaputing sabon. Galing ito sa pabrika ng sabon hindi kalayuan dito sa amin.
'Yong expired na sabon na tinatapon na nila ay naisipang pagkakitaan ni Tesbam, sumali na rin ako kasi sayang ang datung. Kapag naglabas na ng basura ang pabrika ay agad namin itong kalkalin ni Tesbam. Sa gabi namin ito ginagawa para walang makakita sa amin.
Matagal na rin naming ginagawa ito, at as of now wala pa namang tumutugis sa amin para magreklamo. At sa totoo pa nga niyan lahat ng bumili sa amin na taga dito lang din sa lugar amin pinupuri pa kami. Effective daw, pumuti daw sila. Hindi nila alam na expired at pulot lang ang mga sabon namin, pinalitan lang namin ito ng packaging ni Tesbam.
Ako 'yong endorser ng product namin. Naks momodelin ang lola n'yo. Hahaha!
Hindi naman kasi puwedeng si Tesbam ang mag-model kasi walang maniniwala sa kaniya, natural kasi siyang maitim dahil may lahi siyang black American. Hindi ko nga alam kung ba't siya napadpad dito sa 'Barangay Mahirap, Hindi Na Aasenso Street.' Ganda ng pangalan ng barangay namin 'no? Bagay na bagay saming mga hampas lupa.
At kung ako naman ang tatanungin n'yo kung paano ako napapad dito, masiyadong mahaba ang kuwento. Tinatamad akong magkuwento.
"Oo nga pala, Starla. Kaya ako naparito ay dahil dito," ani ni Tesbam sabay abot sa akin ng diyaryo.
Inabot ko ang dyaryo. "Anong meron dito? Picture ng bebe ko?"
"Gaga, hindi. Mas kabog pa diyan. Tignan mo na lang kasi para malaman mo."
Sinunod ko ang sinabi niya. Tinignan at binasa ko alam ng diyaryo. Nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko...
Si Luxwell Delavrin... ang bebeloves ko naghahanap siya ng PA!
Si Luxwell ay isang sikat na artista sa panahon ngayon. Bago pa lang siya sa larangan ng showbiz pero kilalang-kilala na agad siya. Umpisa pa lang ng journey niya bilang artista ay sinusubaybayan ko na siya.
Una ko siyang nakita sa isang commercial ng isang shampoo na panlalaki. Tandang-tanda ko pa no'ng minsan akong kumain sa isang karinderya, then biglang nag-flash sa screen ang commercial niya, na love at first sight ata ako sa kaniya, napaka guwapo naman kasi, e!
Simula no'n sinubaybayan ko na ang buhay niya. Wala kaming TV kaya nakikibalita na lang din ako sa mga kapitbahay naming may TV na fan niya din.
Wala pa akong nabalitaan na hindi maganda tungkol sa kaniya, lahat ng mga feedback sa kaniya ay puro magaganda, kaya lalo akong naiinlove at humanga sa kaniya.
Hay naku, Luxwell! Masiyado mong binubuhay ang puso ko! Masiyado mo akong binabaliw!
"L-legit ba 'to prend?" hindi makapaniwalang tanong ko. Medyo nagti-teary eye na rin ako dulot ng sobrang saya.
"Malamang, legit iyan. Kita mo namang nasa diyaryo 'di ba?" serkastikong sabi ni Tesbam.
Oh my g! Walang ng isip-isip pa, mag-a-apply ako.
"Ano gurl, mag-apply ka ba?" tanong ni Tesbam.
"Siyempre naman. Hello, ito na ang chance ko para makita ang bebe Luxwell ko!"
Maghintay ka lang aking bebeloves. Magkikita na tayo, malapit na.
Ngayong araw din na ito ay agad akong nag send ng resume via email sa 'Univerasal Arts Broadcasting Corporations' kung saan nagtatrabaho si Luxwell, my bebeloves ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/300432615-288-k701648.jpg)
BINABASA MO ANG
The Demon Inside ✔
RomanceLuxwell Delavrin is a famous actor nowadays. Everything is in his, million of fans, luxury life, overflowing talent, wealth, fame, a good image in publicity, a face that makes a girls scream so loud like there's no tomorrow. He has a kind of a look...