20

102 2 0
                                    

STAR'S POV

TULUGAN time na... at may napaka laki akong problema. Saan ako matutulog?

Binalingan ko si Luxwell na prente ngayong nakahiga sa kama habang nanonood ng movie.

Fresh na fresh siya dahil kakatapos lang niyang magshower-ayyy... kahit hindi pala siya maligo, fresh pa rin siya. Sana all 'di ba?

Pangatlong beses niya na itong nag-shower sa araw na ito. Habang ako heto, amoy langib na-charr lang, siyempre hindi 'no. Kahit hindi ako maligo ng isang linggo mabango pa rin ako, sa amoy lang, sa itsura... huwag n'yo ng alamin pa. Lagi akong pagod, kaya natural na haggard ako. Pero kahit ganoon... pak na pak pa rin ang ganda ko. Haist! Nasobrahan na ata ako sa confidence.

Anyway balik tayo kay bebe Luxwell ko. Nakasuot siya ng pajamang grey at t-shirt na puti sa pang itaas. Grabe ang mga muscle, putok na puto, parang gusto na nitong kumawala sa suot niyang damit at parang ang sarap pisil-psilin nito, pero matigas kaya ito?

Biglang napatingin sa gawi ko si Luxwell, kaya naman dali-dali akong nag-iwas ng tingin.

Haist! Bakit ko pa ba pinoproblema ang hihigaan ko? E, heto na nga ang sopa. Siyempre na matic na agad na dito ako mahihiga. Para namang yayain ako ni Luxwell na tabihan siya. Pumuti man ang uwak... hindi mangyayari iyon. Kasi sino ba ako? Ano niya ba ako? 'Di ba PA lang naman? Kaya huwag na akong mag-assume pa.

"Are you not sleepy yet?" tanong ni Luxwell.

Umiling ako. "H-hindi pa," sagot ko. Pero ang totoo ay kanina ko pa gustong matulog, kasi bukas maaga pa kami dahil aabangan pa namin ang pagsikat ng araw-ang bukang liwaway, kasama kasi ito sa shoot.

Nabalot kami ng katahimakan. Abala siya sa panonood habang ako... heto nilalabanan ang antok.

Hindi pa ba siya inaantok?

.

.

.

Twenty minutes passed...

.

.

.

Hindi pa ba siya matutulog?

.

.

.

Another twenty minutes passed...

.

.

.

Wala pa ba siyang balak matulog?

.

.

.

Hanggang sa hindi ko na nakayanan, kusa ng bumigay ang mga mata ko.

...

LUXWELL'S POV

PAGBALING ko kay Star ay tulog na siya. Sa sofa siya nakahiga. Sa laki ng sofa at sa liit niyang babae ay nagmistulan na itong kama sa kaniya.

Tumayo ako sa pagkakahiga ko at nilapitan siya. Ang cute niya matulog... parang bata. Bahagya din siyang humihilik.

Sandali ko munang pinagmasdan ang mukha niya bago ko siya dahan-dahang binuhat at inihiga sa kama. Malaki naman itong kama, isa pa ang pangit naman tignan kung ako sa kama tapos siya sa sofa. Nagpapaka-gentleman lang ako.

The Demon Inside ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon